Page 8

1809 Words
Page 8 *** Last day na ngayon nang exam and I was literally drained dahil wala akong ginawa kundi ang mag-aral. I'm trying to aim higher grades for myself. I realize that I wasn't aiming grades for my parents to be recognize but for myself. Kasi alam ko na worth it akong tao. Na kaya ko rin iyong ginagawa ng ibang tao na walang kahit anong koneksyon sa magulang ko. "Rae." Hindi ko na nakita si Trina pagkatapos ng exam. Siguro ay sinundo na siya ni Zeus kanina pa. Tumingin ako sa lalaking tumawag sa akin. Umarko ang isa kong kilay nang makita ko siya na kumakaway habang may malaking ngisi sa labi. May mga ilang estudyante na tumitingin sa amin pero walang pakialam iyong taong kasalukuyang naglalakad patungo sa akin. Maging ako ay wala na rin pakialam sa iisipin nila dahil ilang buwan na rin naman simula noong set-up namin na ganito. Nakasanayan ko na rin ang presensya niya na palaging nakasunod sa akin. "Kamusta ang exam?" Kinuha niya iyong bag ko sa akin. Hindi na ako umangal dahil ganoon naman siya. Palagi niyang ginagawa iyong mga bagay na gusto niya. He's free And I'm not. "Ayos lang." Kumunot ang noo niya sa naging sagot ko. "Anong klaseng sagot 'yan? I'm expecting a good answer." Umirap ako. Tinulungan niya ako mag-aral when in fact, he have to study too. Ilang beses ko tinanggihan ang alok niya pero sa huli ay tinanggap ko rin dahil sa kakulitan niya. And I have to admit that he's really good on teaching logic. Mas mataas iyong logical thinking niya kesa sa akin. Isang halakhak ang natanggap ko sa kanya nang makita niya ang ginawa kong pag-irap. Ayokong aminin na mas napadali ang pag-aaral ko dahil sa kanya. "Kain tayo." Inakbayan niya ako at hinila papunta sa pinakamalapit na cafeteria rito sa canpus. Hindi na ulit ako umapela dahil nagugutom na rin ako. Wala akong maayos na kain simula noong exam. Naghanap ako ng upuan namin dalawa at nang makakita ako ay doon na ako pumwesto habang hinihintay iyong inorder niya na pagkain para sa amin dalawa. "Roma." Napaayos ako nang upo ng marinig ko ang baritonong boses na sobrang pamilyar sa akin. Seryoso akong tumingin sa kanya. Seryoso rin siyang nakatingin sa akin habang nakaigting ang panga. Tila nagagalit sa hindi ko malaman na rason. Hindi pa man ako nagsasalita nang unahan na niya ako. "Pumunta ka sa library pagkatapos. Mrs. Mendoza wanted to talk to us." Hindi na niya ako hinintay na sumagot dahil umalis na siya pagkatapos. Nakaawang ang labi ko habang tinignan siyang naglalakad palayo sa akin. Okay lang, Rae. You're doing a good job for yourself. Napaangat ang tingin ko nang ilapag ni Liam ang pagkain sa mesa. Iyong paborito kong adobong baboy na matamis ang timpla ang inorder niya sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na paborito ko iyon, but then... Liam is very observant when it comes to his surroundings. He literally notices everything. Kaya hindi na rin ako magtataka kung nalaman niya iyong totoo kong nararamdaman nang ganoon kadali. "I saw him. What did he tell you this time?" Umiling ako. "Wala. Pinapapunta niya lang ako sa library dahil tawag daw ako ni Mrs. Mendoza." I was the library assistant head committee last year. Balak ko tumakbo ngayong taon for the head committee this year pero nagbago ang isip ko. Masyado akong maraming ginagawa, idagdag pa iyong internship ko ngayon, kaya malabo na makasingit iyong pagtakbo ko for the position saka ginawa ko lang naman iyon para maimpress ang magulang ko pero hindi sila masaya na assistant lang ako. They always wanted me to be on top and it's really making me sick. Iyong palagi nilang sinasabi na dapat nasa taas ako at hindi lang pangalawa. It's was like there's no room for failures at ngayong wala na ako sa puder nila, hindi ko na siguro kailangan magpaimpress. "Bakit daw?" "She'll probably ask me again if I still want the head committee position." "And your decision is?" "No. Marami na akong ginagawa. Wala ng espasyo para sumali pa ako." "Can I go with you?" Mabilis akong umiling. I just found out that he's the new varsity captain for the basketball team at nagsisimula na silang magpractice para sa tournament na gaganapin. "Magpapraktis pa kayo diba?" "I can d--" Tuluyan na siyang napatigil sa pagsasalita nang samaan ko siya ng tingin. He can't ditch the practice anymore. Kung hindi pa ako kinausap ni Mr. Gonzaga na siyang coach ng basketball team ay hindi ko iyon malalaman. Noong una nga ay nagtaka pa ako kung bakit niya ako kinausap pero nang banggitin niya ang pangalang Arevalo ay doon ko na naintindihan kung bakit ako ang kinausap. He's one of the people who probably assume that the issue we're true. That me and Liam is on a relationship. "Fine." "Panoorin mo ako?" Umarko ang kilay niya sa akin at ginalaw-galaw pa iyon na parang pinipilit ako. Umiling na lang ako at saka tumango. "Okay." Pumunta ako kay Mrs. Mendoza sa library kagaya nga ng sabi ni Blake. Nang magpunta ako ay nandoon na rin siya. Doon ko nalaman na si Blake ang tatakbo na bagong head committe ng library at dahil assistant lang ako dati ay nais ni Mrs. Mendoza na tulungan ko siya sa pagprepare sa pagtakbo since maraming candidate for the position. Alam ko na raw kasi ang patakaran at napansin niya rin na nag-uusap kami ni Blake kahit paano. I almost rolled my eyes on her reason. Bakit ako pa ang ipinatawag? Pwede naman iyong datimg tumakbo para sa head position?! "I don't know why I'm always stuck with you." naiirita kong sabi sa kanya. Kasi seryoso, hindi ko na nagugustuhan itong nangyayari sa amin dalawa. Ako na iyong lumalayo pero may mga araw na ako pa rin ang lumalapit sa kanya dahil sa mga sitwasyon na ganito. I didn't want to see him nor to have any interaction with him pero palagi na lang ganito. Palagi ko na lang siya nakakasama kahit anong iwas ko. Pakiramdam ko hindi na coincidence itong nangyayari kasi sobra-sobra na! "Did you planned all of these?" naiirita kong tanong pa rin sa kanya. Nakaawang na ang labi niya. Buti na lamang ay umalis si Mrs. Mendoza para may kunin sandali kundi makikita niya kung gaano ako naiinis na maipit sa ganitong sitwasyon. "I didn't. Ano ba ang akala mo? Sa'yo umiikot ang mundo ko at palagi kitang hahabulin?" Nalaglag ang aking panga sa kanyang sinabi. Masama ko itong tinignan. Nakakainis! Ang sarap niya kalbuhin! Minabuti kong umalis at iwan na siya roon kung hindi lang dumating si Mrs. Mendoza. Inutusan niya ako pumunta sa stock room para kunin iyong mga papel kasama si Blake. I almost shout at her dahil bakit kasama na naman si Blake? Bakit palagi na lang siya kasama?! Talaga bang imposible na dumating iyong araw na hindi nagkukrus ang landas namin? Kahit gusto ko umapela sa gusto ni Mrs. Mendoza ay nanatili na lamang akong tahimik at padabog na nauna kay Blake. Nasa fifth floor iyong stock room kaya kinakailangan namin na gumamit ng elevator para roon. Pero hindi pa man kami nakakarating ng fifth floor nang biglang namatay ang ilaw ng elevator at tumigil bigla. Mukhang alam ko na iyong nangyari kaya nakailang mura ako sa isip ko. Akala ko sa isip ko lang iyong mura ko pero narinig pala iyon ni Blake dahil napatingin siya sa akin. "Why do you looked so calm? We're going to stuck here for hours hanggang sa may makaalam na sira iyong elevator!" I just hate the fact that he's calm... Habang ako ay nagsisimula na magpanic dahil ayoko matrap dito lalo na kung siya lang rin naman ang kasama ko. Buti sana kung ako lang iyong nandito pero hindi eh! Kasama ko siya at iyon ang bagay na sobrang nakakatakot para sa akin. I can't stay with him for another minute nor another hour because I know that my heart won't last. "Walang mangyayari kung magwawala ka. You'll just waste your energy. Wala tayong magagawa kundi ang maghintay." Napapikit ako. Iyon na nga ang ayoko. Ang maghintay kasama siya. Hindi na lang ako nagsalita. Umupo ako sa kabilang sulok kung nasaan siya. I'm still keeping the distance to remind myself that there's should be a thick wall that cannot break between us kasi mahirap na. I immediately checked my phone, nagbabakasakali na may signal sa loob ng elevator pero wala. Ang tanging nagawa ko lang ay tignan ang orasan sa aking telepono. I cursed again nang maalala ko iyong ipinangako ko kay Liam kanina na manonood ako nang practice game niya. Kaya nagsimula na naman ako sumigaw para humingi ng tulong pero wala pa rin. "Kamusta na kayo ni Liam?" he said, breaking the silence. Hindi ako sumagot. Ayoko siya sagutin kasi ano ba ang dapat ko isagot sa kanya? Na okay kami? I'm very sure that he wouldn't like the answer. "Is he taking care of you? Is he making you happy? Is he making you blush?" "What are you trying to say?" Tumayo siya. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at kahit madilim ay kitang-kita ko siya. Umupo siya sa tabi ko habang patuloy pa rin sa pagtatanong sa akin kung kamusta na kami ni Liam. Lumayo ako sa kanya pero sa tuwing lumalayo ako ay siya naman itong lumalapit sa akin, as if he was trying to corner me and I was right. He literally cornered me. One wrong move, and I could kiss him. I can feel his warm breath under my skin. Isang sign na malapit talaga ang mukha niya sa akin. "What are you doing, Anderson?" "Does he make your heart beat fast?" "Lumayo ka nga sa akin." I tried to push him but Anderson is Anderson. He's a total jerk who's trying to test my patience and my feelings for him. "Kapag hindi ka tumigil, isusumbong talaga kita." I tried to threatened him but he didn't move. Parang wala siyang narinig ew sinabi ko at hinihintay na lang na sumabog ako para gawin ko lahat ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko. I suddenly felt his lips brushed over mine. I literally know that it was really wrong because there's Xyla. Xyla already exists on his life bago ko pa siya makilala dahil kay Trina kaya wala akong karapatan na gaguhin si Xyla dahil una pa lang ay alam ko na may nararamdaman siya para kay Blake but why does it feel so right? Why does it feel so good when I felt his lips on mine? Maraming tumatakbo na tanong sa utak ko and maybe, those questions is the one who pushed me to threw all the inhibitions that I have. I pulled him closer to him and kissed him with everything I've got.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD