C-2: Isang plano

1570 Words
MAAGA namang gumising si Strawberry kahit papaano. At naka- review din ito kagabi bago nakatulog. Tumingin siya sa kanyang salamin at ngumiti nang bonggang- bongga. "Good morning Straw! Keep fighting!" Naglakad na siya sa maliit na banyo at naghilamos. Pagkatapos ay tinungo ang maliit na kusina at kumuha nang bread pinahiran niya ng mayonnaise. Mabilis niyang kinain 'yun at naligo na ito. Mabilis din itong nakagayak papuntang school. Mag- isa lang siya sa kanyang inuupahang maliit na bahay. Mabuti na lamang at mabait ang may- ari bale careraker din siya sa bahay na iyon. Nilayasan na niya ang kanyang Tiyahing sugarol. Kagaya nang nakaugalian ni Strawberry ay binati niya lahat ng kanyang mga nadadaanang tao na nakatira rin sa sitiyo na iyon. "Napakabait talaga ng batang iyan," wika ni Selo isang magtataho. "Sinabi mo pa! Saka madiskarte hindi na ako magtataka na isa na siyang bilyonarya isang araw." Sagot ni Merly tindera sa maliit na talipapa. "Mapalad ang mapapangasawa niya," sabi naman ni Flor saleslady sa isang grocery doon. "Kaya sabi ko ligawan ni Sebastian tutal masipag din ang batang iyon." Tugon ni Merly. "Nakow! Kung magkagustuhan, mainam paano kung hindi? Alangan namang pilitin natin ang hindi puwede!" sabad ni Ingkong Tanni. Nagkatawanan ang lahat nang naroon. Naisip naman nilang may tama ang matanda. Sa kalye na nagkape si Strawberry habang naglalakad sa kalsada. Mabilis lang niyang hinigop ang kanyang biniling kape sa nadaanan niyang Seven Eleven. Limang piso ang maliit na baso okay na 'yun sa dalaga. May dala naman itong tubig kaya okay na siya. Agad niyang pinara ang paparating na jeep. Mabilis siyang sumakay at kampanteng naupo. "Saan ka, Miss?" tanong ng driver. "Narito ho ako nakaupo," sagot ni Strawberry. Natawa ang driver at pigil naman ang ngiti ng mga nakasakay. "I mean, saan kita ibababa!" ani ng driver. "Manlapaz State University po," "Okay!" Nginitian niya ang mga kagaya niyang sakay. Nawala lang ang ngiti ng dalaga nang mahagip ng kanyang tingin ang binatang titig na titig sa kanya. Ayon sa pagkakatitig ng lalaki ay gusto na siya nitong lamunin ng buong- buo. Kaya ibinaling na lang niya sa labas ng bintana ang kanyang paningin. Ilang minuto lang at nasa harapan na ng Unibersidad si Strawberry. Humugot siya nang malalim na hininga at maaliwalas ang mukhang pumasok na sa loob ng school. "Good morning po, Sir!" bati ng dalaga sa kanyang beking professor. Napaangat ang isang kilay ng titser pagkakita kay Strawberry. Pinagmasdan siya nito mula paa hanggang ulo. "Good morning! Mukhang maaga ka ngayon, Miss Prutas?" sagot ng titser. "Nagkataon lamang po na hindi ako gahol sa oras," pilit ang ngiting tugon ng dalaga. "Well, mukhang kailangan kong palaging magbigay ng pagsusulit nang sa ganoon lagi kang maaga." Napangiwi si Strawberry sa sinabi ng kanyang guro. "Sit down! Magsisimula na tayo!" "Thank you Sir!" Mabilis na tinungo ni Strawberry ang kanyang upuan. Nilingon niya ang kanyang mga kaibigan na pigil ang kanilang mga tawa. Napansin din nito na present si Jedda ngayon. Kinawayan niya ito, nginitian lang siya ni Jedda sabay labas ng dila. Napabungisngis tuloy si Strawberry nang walang tunog. "Class, let's congratulate Miss Jedda Moran nabuhay siyang muli." Kapagkuwan ay sabi ni Mr. Gomez. Natahimik ang lahat at nagkatinginan. May mga pigil ang ngiti at may mga deadma lamang. "Kailan ka ulit maglalaho Miss Moran? Paki- inform naman ako para alam ko ang aking ginagawa." Jedda rolled her eyes. "Hindi ako naglalaho Sir! I'm invincible only," mataray na sagot ng dalaga. Nagtawanan ang iba habang hindi maipinta ang mukha ng kanilang guro. "Pilyo kang bata! Okay, let's the test begin!" nangngangalaiting wika ni Mr. Gomez sabay tilamsik ng kanyang mga daliri. Natawa na lamang si Strawberry at saka napailing- iling. Maya- maya pa'y mga seryoso na silang nagsasagot sa kanilang test. Paikot- ikot naman ang kanilang guro, sinisiguradong walang dayaan at kopyahang magaganap. Umabot din sila ng ilang minuto. Makikitang pinaghandaan talaga ng kanilang guro ang ibinigay nitong pagsusulit. Mas marami pa kasi ang essay at solving situation na ibinigay. Halos mangalay ang leeg ni Strawberry sa pagkakayuko. Hanggang sa dumating na natapos na nilang lahat ang pagsagot sa kanilang test. "Okay! Break muna kayo and goodluck sa inyong mga sagot. Nawa'y wala ring invincible na answer sa inyong test paper, hmp!" wika ni Mr. Gomez saka inirapan si Jedda bago ito lumabas. Pagkalabas ng kanilang guro ay nagkatawanan ang lahat. Napapailing na lamang si Strawberry habang nakangiting nakatingin kay Jedda. "Lukaret ka! Pinataas mo na naman ang dugo ni Miss Gomez!" sabi ni Missy. "Hindi uubra sa akin ang katarayan ng gurong iyon." Sagot ni Jedda habang ngumunguya ng bubblegum. "Guro pa rin natin siya! Baka mamaya, ibagsak ka niya." Si Strawberry naman ang nagsalita. Nagkibit- balikat lang si Jedda sabay palobo sa kanyang bibig ang nginunguyang bubblegum. "Arat na tayo sa Canteen!" yaya naman ni Hansel. Sabay- sabay silang tumayo at naglakad na patungo sa Canteen. Kagaya nang dati, si Hansel na naman ang kumuha ng kanilang mga order. Pihikan kasi ito sa pagkain kaya ito ang namimili. Si Strawberry naman ay kahit na anong pagkain okay sa kanya. Ang katwiran nito, basta tinatanggap ng kanyang sikmura kakainin niya. "Bakit ba lagi kang absent?" tanong ni Missy habang kumakain sila. "Wala! Nabo- bored kasi ako rito sa ating Unibersidad. I want something that interesting!" "Wow! Gawin mo kaya 'yan kapag nakapagtapos ka na!" wika naman ni Hansel. "I don't like my course! Sina Mommy lang naman pumili nito," "Ano ba ang gusto mong kurso?" tanong naman ni Strawberry sabay kagat sa kanyang hamburger. "Gusto ko sana maging isang Engineer!" Napaubo si Missy sa kanyang narinig at agad na uminom ng cola. "Alam mo, hirap ka nga sa Mathematics tapos gusto mo Engineer?" nanlalaki ang mga matang sabi ni Missy. "Haler! Engineer hindi Accountant!" sabad ni Hansel. Inirapan naman ni Missy ito saka nginisihan. "Ibahin nga natin ang ating usapan, nakakaimbiyerna kayo!" turan ni Jedda. "Anong gusto mong pag- usapan jowa mo?" pambubuska ni Hansel. "Nope. Before I forgot, I will inviting you to a masquerade ball party. So, are you in?" sabi ni Jedda. Napanganga naman ang tatlo saka kumurap- kurap. Sinalat naman ni Missy ang noo ng dalaga. "Hindi ka naman nilalagnat, anong nakain mo?" wika ni Missy. "Baka jumbo hotdog!" turan naman ni Hansel sabay tawa. Pinandilatan ni Strawberry ang dalawa. "Hansel!" saway ng dalaga. "Sarrey!" ani ni Hansel saka nag- peace sign. "Grabe naman kayo sa akin! Hindi porket lagi akong wala palagi na akong kumakain ng jumbo hotdog!' "Jedda? Naiilang ako sa mga sinasabi niyo!" inis na sabi ni Strawberry. "Shut up na! Ang virgin naiilang daw," maarteng bigkas ni Missy. Kaya kinutusan ito ni Strawberry. "Anyway, balik tayo sa topic ko. So, darating ba kayo?" muling sabi ni Jedda. Nag- isip ang tatlo hindi sila makapag- decide. "Kailan ba 'yan?" tanong ni Missy. "Don't worry, saturday 'yun!" sagot ni Jedda. Napalabi naman si Hansel saka tumalungko sa mesa. "Ipagpaalam mo ako kay Lola para pumayag siya." "Sure! No worry!" tugon ni Jedda. "Okay! Sasabihin ko na lang bitthday mo!" wika naman ni Missy. Tumingin ang tatlo kay Strawberry. "O, bakit?" maang na tanong nito. "Sasama ka! Hindi puwedeng wala ka!" sabay- sabay na sabi ng tatlo. "Ako? Nagpapatawa ba kayo? Busy ako sa work ko kapag weekend!" "Magkano ba sahod mo sa Mcdo at Blossoms Cafè?" tanong ni Jedda. "Malaki- laki rin kung overtime ako ah!" "Ten thousand, okay na ba sa'yo? Just one night only," sabi ni Jedda. Nabuga tuloy ni Strawberry ang cola na nasa kanyang bibig. "Sorry!" hinging paumanhin nito. "I'm serious Prutas! Kailangan mong mag- relax paminsan- minsan!" muling sabi ni Jedda. "Binibili niyo na ba ako?" kunwari'y mataray na tanong ni Strawberry sa tatlo. "Hindi naman sa gano'n! Payag ka na! Just one saturday only!" giit ni Missy. "Fifteen thousand?" tanong naman ni Hansel. "Teka, teka ha? Hindi ako ganoong kagarapal sa pera kaya huwag niyo akong silawin mabibigo lamang kayo!" Kumapit naman si Missy sa braso ng dalaga. "Please?" pagsusumamo nito. "No!" tanggi ni Strawberry. Kumapit din si Hansel sa isa niyang braso saka hinalikan ang pisngi ni Strawberry. "I love you Sweet! Sige na please?" Ngunit umiling pa rin si Strawberry. "Kailangan ko pa bang maglumuhod para sumama ka?" sabi naman ni Jedda. Hindi nakasagot si Strawberry. Napaisip ang dalaga kung kailangan pa bang humantong sila sa ganoon. Tutal naman, hindi pa siya dumadalo sa ganoong pagtitipon puwede niyang subukan. Bugbog na nga ang kanyang katawan sa diretsong trabaho magsaya rin naman siya kahit minsan lang. Baka wala ng party na kasunod nito pagkatapos dahil magiging busy na naman siya. "Sige na nga!" nakangiting sabi ng dalaga. Napalundag ang tatlo sa tuwa saka siya niyakap ng mga ito. "No worry sa isusuot mo at make over, kami ang bahala!" wika ni Missy. Nginitian ng dalaga ang kanyang mga kaibigan. "Mga lukaret!" ani na lamang niya pero ang totoo nahihiya siya at kinakabahan. Tumunog ang bell at masaya silang bumalik sa kanilang susunod pang mga klase. Maghapon silang masaya at masigla. Sino ba naman ang hindi? Saturday na bukas noon lamang nila napagtanto kaya tawang- tawa na naman sila dahil sa kanilang mga kalokohan. Napagpasiyahan nilang lahat na sa bahay nina Jedda sila matutulog ngayong gabi. Sinamahan naman nila si Strawberry para makapagpaalam sa mga trabaho nito. Hindi naman mawari ni Strawberry kung ano ang kanyang mararamdamaan. Pero sa totoo lang, masaya ito na excited but at the same time kinakabahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD