"Miss Mendoza, you are late again!" wika ng lalaking may makapal ang salamin. Magkasalubong ang mga kilay nito sa babaeng humahangos na dumating.
"Sorry po, Sir!" hinging- paumanhin ng babae.
"Okay, sit down!" mataray na tugon ng professor.
Ngumiti ang dalaga at mabilis na naupo sa kanyang puwesto saka humugot nang malalim na hininga. Mabilis nitong inilabas ang kanyang kwaderno at ballpen saka nagsimulang magsulat. She shake her head up and down dahil tila nangalay ang kanyang batok at leeg.
"Okay! Makinig kayong lahat, may exam tayo bukas ang late hindi ko bibigyan ng pagsusulit understood?" sabi ni Mr. Ariel Gomez professor nila sa subject na Science.
Napangiwi naman ang dalaga saka deadma na lang ito sa sinabi ng kanilang Professor.
"Miss prutas, nakikinig ka ba?" untag ng titser sa dalaga.
"Opo!" tanging sagot ng dalaga.
"Very good! Okay, that's it! Review and good luck sa exam niyo tomorrow!" wika ni Mr. Gomez.
Sabay- sabay ang lahat na tumayo saka nagpaalam na sa kanilang titser. Nakahinga naman nang maluwag si Strawberry saka nanghihinang muling naupo. Agad namang lumapit sa kanya ang kanyang mga kaibigan.
"Uy, girl anong nangyari sa'yo? Bakit ka late?" tanong ni Missy.
"As usual, galing ako ng Blossoms Cafè!"
"Lagi ka tuloy pinag- iinitan ni bakla," natatawang sabi ni Hansel.
"Nasanay na ako sa baklitong 'yun!"
Tumawa silang tatlo. Tatlo silang magkakaibigan, siya lang ang anak mahirap. Ang worst pa roon, wala ng mga magulang si Strawberry. Kinupkop siya ng tiyahin niyang sugarol at lango sa alak. Kaya no choice siya kundi buhayin ang kanyang sarili. Matapang siya sa lahat ng mga bagay dahil para sa kanya walang puwang ang kahinaan sa katulad niyang maralita. At ang nakakatawa pa, ang kanyang pangalan na isinunod sa prutas. Kaya ang bansag sa kanya, sweet at prutas. Sweet sa mga nakakakilala sa kanya, prutas naman sa mga tister nila sa school.
"Tara na sa canteen," yaya ni Missy.
"Ahm, kayo na lang busog pa ako!" tanggi ni Strawberry.
Pinitik naman ni Hansel ang noo ng dalaga.
"You're lying again! Gasgas na 'yang alibi mo, prutas!"
"Halika na, my trip!" yaya muli ni Missy.
Wala na ngang nagawa si Strawberry kundi magpatinaod sa kanyang mga kaibigan. Maingay pa rin ang dalawa niyang friend nang makarating sila ng Canteen. Pagkaupo nila ay agad napansin ni Strawberry ang mga titig ng grupo ni Miel Ramirez, matagal nang may gusto sa kanya. Pero no effect dahil nga sa kayabangan nito, rich kid kasi.
"Ang prince charming mo, nakatitig sa'yo!" bulong ni Missy.
Siniko niya ang dalaga at nag- iwas ng tingin si Strawberry.
"Be careful! Baka ka matunaw!" hagikhik na sabi ni Hansel.
"Hansel!" pandidilat niya sa dalaga.
"Ops! Sorry meme!" tugon ng dalaga sabay tawa.
Pigil naman ang tawa nila ni Missy, biglang tumayo si Hansel at pumunta sa harapan upang kumuha ng kanilang meryenda.
"Sweet, saan diskarte mo mamayang uwian?" tanong ni Missy.
"Sa Mcdo ako mamaya hanggang eight pm."
"Makakareview ka ba niyan?"
"Don't worry, Missy! Kayang- kaya ko 'yung exam!"
"Kunsabagay, matalino ka na maganda ka pa! Lahat na ng nasa letrang M nasa sa'yo na."
"Uy, grabe ka naman niyan Missy!"
"Gusto mo isa- isahin natin?" biglang tanong ni Hansel sabay lapag sa kanilang kakainin.
"Naku! Huwag na at baka abutin tayo ng dilim," natatawang tanggi ni Strawberry.
Muli silang nagkatawanan. Actually, apat sila palagi nga lang absent ang isa si Jedda. Isang spoiled at easy going na estudyante. Lovelife nito ang palaging inaatupag.
"Bakit kaya, wala pa si Jedda?" naalalang tanong ni Strawberry.
"Sweet, malamang nasa heaven na naman 'yun!" sagot ni Missy.
"Hoy! Bunganga mo," awat niya sa dalaga.
"Bakit, totoo naman eh! Hindi na lang kasi mag- asawa na lang para mas magandang tingnan." Turan naman ni Hansel.
"Guys, huwag naman kayong ganyan sa kanya okay? Friend natin siya, kaya dapat suporta lang tayo. Kung ano 'yung gusto niya, hayaan na lang natin doon siya happy." Pangaral ni Strawberry.
"Sabi ko sa'yo Missy, nasa kanya na ang lahat ng letrang M. Una, manananggol not manananggal." Sabi ni Hansel.
Tawang- tawa naman si Missy at Strawberry sa kanilang kaibigan. Marami pa silang napag- usapan bago nila napagpasiyahang bumalik sa kanilang classroom. Nagpapasalamat din si Strawberry dahil hindi siya kinulit ni Miel isang Sophomore ng Accounting building. At saka, wala pa sa kanyang isip ang magka- boyfriend. Kaya lahat ng kanyang mga manliligaw, basted. Mayaman man o mahirap, sa kanya pantay- pantay na basted. Basta ang mahalaga sa kanya ay makapagtapos ng pag- aaral.
Nang matapos ang huli nilang subject ay nagmamadaling umalis si Strawberry. Kinawayan na lamang niya ang kanyang mga kaibigan at tuluyan na itong nakalayo. Nakipag- unahan naman si Strawberry sa pagsakay ng jeep. Pinuyod niya pataas ang mahaba niyang buhok at inilabas ang kanyang sumbrero na Mcdo. Tumigil ang sasakyan at nakipag- unahan ulit siyang bumaba. Patakbo niyang tinungo ang Mcdo diretso sa Comfort room at pinalitan ang kanyang uniform. Nagsuot siya ng pantalon at white blouse. Isinabit niya sa waiting room ang kanyang bag at sumalang na siya sa counter.
"Aga mo ngayon ah!" nakangiting wika ni Sheena kasama niya sa counter.
"Para mas maaga umuwi, may exam bukas." Sagot ni Strawberry.
"Konti lang make- up mo ha?"
"Oo! Sa katunayan, nangangati na nga ako."
"Masasanay ka rin,"
'Yun lang at tumahimik na sila dahil dumami na ang mga kostumer. Hindi pa man katagalan ay ngawit na ngawit na ang mga paa ng dalaga. Halos dalawang oras din kasi itong nakatayo sa Blossom's Cafè kaninang umaga bago pumasok ng school.
"Anong oras pasok mo sa Cafè?" tanong ni Sheena nang nasa dirty kitchen na sila upang kumain.
"Four to five," sagot ni Strawberry.
"Grabe ka! Ilang oras lang tulog mo niyan?"
"May tulog naman akong six hours!"
"Anong oras ba 'yung unang klase mo?"
"Seven thirty 'yun, minsan nakakatulog ako ng six paggising ko seven na pala."
"Eh, paano ka gumagayak niyan?"
"Wala! Toothbrush, palit ng damit saka gora na."
Nanlaki ang mga mata ni Sheena.
"Ganoon lang?" hindi makapaniwalang bulalas ni Sheena.
"Oo! Sa daan na ako naglalagay ng lipstick at blush on. Saka konting wisik ng pabango, konting suklay tapos!"
"Hay, para kang makina. Ako, hindi ko kaya 'yang mga ginagawa mo."
"Ganyan kapag kayod kalabaw," wika ni Strawberry sabay subo ng pagkain.
Napalabi si Sheena.
"Bakit hindi ka maghanap ng sugar daddy or rich boyfriend?" biglang tanong ng dalaga.
Muntik namang masamid si Strawberry sa sinabi ni Sheena.
"No way! Ayokong matawag na mukhang pera, nakakaluwag naman ako kahit papaano."
"Eh, mga bilyonaryo gano'n! Tutal, taray ng ganda mo! Dinaig mo pa nga mga nagpapaderma dahil sa kinis ng peslak mo."
"Hoy! Tumigil- tigil ka Sheena! Ayoko ng gano'n, utang na loob!"
"Pero, sweet matanong nga kita ha? Ano bang gamit mo? Bakit ang puti at ang kinis mo?"
Natawa naman nang malakas si Strawberry dahil sa tanong ni Sheena.
"Perla lang ang gamit ko at pulbo. Mga mumurahing blush on at lipstik! Ang lotion ko, 'yung tinitinda sa tabi- tabi."
"Ganoon? Eh, bakit kutis artistahin ka? Napaka- unfair naman! Ako, halos maubos na ang sahod ko dahil sa mga binibili kong kung anu- ano!"
"Sheena, maganda ka na. Tanggapin mo kung ano ang ibinigay ng ating Diyos na hitsura mo."
"Hmmm, sinasabi mo lang 'yan dahil maganda ka."
"Nope! I insist! Kung alam mo lang na marami rin akong kinaiinggitan,"
"Hay! Tama na nga! Ikain na lang natin,"
"Tama!"
At sabay na silang kumain. Nang matapos silang kumain ay muli silang bumalik sa counter. Past eight na nang matapos sila ni Sheena. Dumating na rin ang kanilang mga kahalili sa counter. Nagpasya na ring umuwi si Strawberry dahil mag- rereview pa ito para sa exam nila bukas. Nagpaalaman na sila ni Sheena at tuluyan na silang nagkahiwalay.