C-3: Ang una nilang pagkikita

1468 Words
NAMILI ang magkakaibigan ng kanilang susuotin sa isang sikat na Mall. Nagpatinaod na lamang si Strawberry dahil sinabihan siya ng mga ito na bawal ang killjoy. "Nakapili na ako, fuschia pink ang akin." sabi ni Missy. "I am lady in orange dress!" sabi naman ni Hansel. "Maroon ang akin," tugon ni Jedda. Natigilan ang tatlo dahil wala pang napili si Strawberry. "Hindi ko alam ang mamili, lahat ay magaganda." Sabi ng dalaga. "Ofcourse my friend! Magaganda ang lahat ng mga damit dito but kailangan may mas nakakahigit sa iyong paningin!" sagot ni Jedda. "Wala akong mapili," mabilis na tugon ng dalaga. "Well, handle it to me!" wika ni Missy at tumingin na ng mga damit. Nakakita si Missy ng isang red long gown na may slit sa magkabilaang side. V shape rin ang bandang dibdib nito at backless. "I think, bagay na bagay sa kanya ito!" sabi ni Missy. "Agree!" magkasabay na sagot nina Jedda at Hansel. "No! Hindi ko kayang suotin 'yan utang na loob!" tanggi ni Strawberry. "Sweet, one night lang naman! Ano bang ikinakatakot mo? You wear this at may maskara ka naman sa mukha so, what seems to be the problem?" saad ni Jedda. Napaisip na naman ang dalaga. Napapikit ito at sinasabi ng kanyang isip na gora na siya. Kapagkuwan ay marahang napatango si Strawberry. Ngumiti ang tatlo nang napakatamis at masaya na silang nagbayad sa counter. Sumunod nilang pinuntahan ang fashion foot wear. Tatanggi na naman sana si Strawberry dahil matataas ang mga takong ng mga sapatos na napili ng tatlo. "Matangkad na ako no need sa high heeled," sabi nito. "Okay! Pipilian ka na lang namin ng hindi masyadong high heeled." Tugon ni Missy. Nang magsawa ang magkakaibigan ay napagpasyahan nilang umuwi at nang makapagmeryenda. Malaki ang bahay nina Jedda. Dalawa lang sila ng kuya nito. Idagdag pang kapwa may trabaho ang mga magulang nila. Kaya minsan naiinggit si Strawberry sa kanyang mga kaibigan. May mga pamilya ang mga ito samantalang siya ulila na wala pang pakialam sa kanya ang mga kamag- anak niya. "Kailangan beauty rest tayo hanggang bukas para fresh and beauty tayo in the evening!" Jedda said in an excitement voice. "Korek!" maarteng sagot ni Hansel. "Kaya ikaw Sweet, rest kang maigi. Huwag ka muna mag- isip ng kung anu- ano! Just imagine na, ikaw si Cinderella ngayon at bukas ng gabi!" baling ni Missy sa dalaga. "Luka- luka!" tugon ni Strawberry sabay batok kay Missy. Ilang minuto lang ay napagpasyahan nilang kumain na ng dinner. Sakto namang dumating na ang mga magulang ni Jedda nang matapos na silang kumain. Binati nila ang mag- asawa na tuwang- tuwa dahil sa may mga bisita sila. "Sana palagi kayong pumunta mga ladies nang sa ganoon, hindi laging naboboring itong si Jedda." Sabi ni Mrs. Moran. Ngumiti ang tatlo at nagpasalamat sa Ginang. "Mommy, dadalo kami sa isang masquerade party bukas ng gabi." Saad ni Jedda. "Oh? Party iyon ng mga single na desperate anak, sinong nag- imbita sa'yo?" sagot ni Mrs. Moran. "Si Arvee isang sikat na modelo. Doon po kasi ako bumili ng ibang damit ko sa shop na pagmamay- ari niya." Paliwanag ni Jedda. Hindi kaagad nakapagsalita si Mrs. Moran bagkus ay humigop ito ng kanyang tea. Kinakabahan tuloy anf magkakaibigan. "Well, since nasa eighteen ka na papayagan ko kayo. But please, come back home safe and sound. You need to come home before eleven Jedda!" pagpayag ng Ginang. "Yes!" bulalas ni Jedda. Nakahinga rin nang maluwag sina Strawberry. "Well, Mommy nineteen na ako. Ulyanin na naman kayo," turan ni Jedda. "Is that so? Sorry baby!" sagot ni Mrs. Moran. Napatawa sina Strawberry naisip nilang hindi naman pala ganoong kahigpit ang ina ni Jedda. Nainggit tuloy si Strawberry napapa- sana all na lang talaga ang dalaga. "Kayo ladies, how old are you? Baka minor pa kayo at magalit mga parents niyo!" tanong ng Ginang sa kanila. "Nineteen din po kami Tita," si Missy ang sumagot. Tumango- tango si Mrs. Moran at muling humigop ng tea. Napatitig ito kay Strawberry. "Okay ka lang ba, Sweet?" tanong nito. "Opo!" nahihiyang sagot ng dalaga. After all, alam na ni Mrs. Moran ang kanyang talambuhay. Ito na kasi ang pangatlong beses na napunta siya sa bahay nina Jedda. Ito pa nga ang unang nagsabing puwede siyang tumira sa kanilang bahay. Tinaggihan lamang ng dalaga ang alok ng Ginang dahil nahihiya siya. Nginitian siya ng Ginang saka tumayo na ito at nagpaalam. Magpapahinga na raw ito dahil pagod sa trabaho. Masaya naman silang magkakaibigan dahil sa wakas tuloy na tuloy na sila sa party. At dumating na nga ang kanilang pinakahihintay na sandali. Sinong mag- aakalang sa likod ng mga maskara ng magkakaibigan ay nagtatago ang kanilang kagandahan at kabataan. Hindi aakalain na sinumang makikilala nila na mga bata pa ang mga ito. "Holy wow! Napakaganda mo Sweet!" bulalas ni Missy. Sina Hansel at Jedda ay nakanganga lang sa dalaga. Itim ang kanilang maskara ma tanging mga mata lamang nila ang natatakpan. Alanganin naman ang ngiti ni Strawberry. Kinakabahan pa rin siya at hindi sanay sa kanyang mga suot. "Sana matagpuan mo ngayong gabi ang sagot sa iyong mga dalangin!" wika ni Jedda. Natawa si Strawberry. "Kalokohan! Wala akong ibang idinadalangin kung hindi ang makatapos ako ng pag- aaral." Sagot ng dalaga. "Keri bells lang memeh!" tugon ni Hansel. "Okay! This is it pansit!" sabi naman ni Missy. "Missy!" angal ni Jedda. "Take note, don't ever ever say that we are a student. Act as a woman, and act as a rich woman." Bilin ni Jedda. "Amen," magkasabay na sabi nina Hansel at Missy. Napabungisngis naman si Strawberry sa dalawang luka- luka. "Let's the hunting began!" sabing muli ni Jedda at naglakad na ito papuntang sasakyan. Sumunod naman ang tatlo na may ningning ang kanilang mga mata. At may mga misteryosong ngiti na nakapagkit sa kanilang mga labi. Ilang minuto lang at nakarating ma sila sa Venue. Napakaraming mga tao na may naggagandahang mga kasuotan. Mga nakamaskara din ang mga ito kagaya nila. "Napakaganda ng place, romantiko!" bulalas ni Missy. "Save your breath, dahil halos ang mga nandito mga bilyonaryo." anas ni Jedda. Nanlaki ang kanilang mga mata. "Oh my God! Bakit hindi mo sinabi kaagad?" anas ding tanong ni Hansel. "Surprised! So, goodluck sa atin!" masayang sagot ni Jedda. "Wait! Sinong sasamahan ko?" tanong ni Strawberry. "Go with me, kapag nasanay ka na sa paligid go with yourself. Galingan mong mamingwit," bulong ni Jedda. "What?!" gulat na reaksyon ni Strawberry. "Shut up! Let's go!" sabi naman ni Jedda at hinila na niya ang dalaga. Wala nang nagawa ang dalaga kundi ang magpatangay sa kanyang kaibigan. Nawala na rin sa kanyang paningin sina Missy at Hansel. Nalulula siya sa paligid lalo na sa napakaraming tao. Malawak ang lugar, madadama mong romantic ang ambiance nito. Maraming handa, alak at malamyos ang mga musika. Isa- isang natingnan ni Strawberry ang lahat ng naroon. Napagtanto niyang inosente nga siya sa mundo ng alta- sosyedad. "Hi, there! What's your name?" tanong sa kanila ng lalaking may hawak na alak sa kamay. "I'm Jeddie," malamyos ang boses ng dalaga at iniangat nito ang isang kamay. "My pleasure to meet you!" sagot ng lalaki sabay halik sa kamay ni Jedda. Nakatanga lamang si Strawberry sa kanyang nakikitang tagpo. "I'm Austin, how about you lady in red?" sabi ng lalaki nang bumaling ito kay Strawberry. Siniko siya ni Jedda. Kaya biglang natauhan si Strawberry. Napatikhim tuloy si Strawberry bago nagsalita. "I'm Sweet," iyon ang nasabi ng dalaga. Napangiti nang maluwang si Austin. "I like your name!" turan nito. Agad namang binawi ni Strawberry ang kanyang kamay nang tangkaing hagkan ng binata. Alanganin siyang ngumiti ngunit sa kanyang kaloob- looban nandidiri ito. Tiningnan ni Jeddie si Strawberry nang makahulugan. Subalit hindi iyon naintindihan ng dalaga. "By the way, I'd like you to meet my friends! Let's go over there!" Sinenyasan nang palihim ni Jedda si Strawberry. Walang nagawa ang dalaga kundi sumunod sa dalawa. Kating- kati na ito sa kanyang suot at make- up. Nakarating sila sa grupong alam mong mayayaman. "Hey guys! I brought a new friends, Jeddie at Sweet!" pagpapakilala ng lalaki sa kanyang mga kasama. "Hi ladies! I'm Mikael," sabi ng isa "Luke," tugon naman ng isa pa. "Titus!" wika ng isa pang lalaki. Ngunit ang isang nakadamit ng blue navy coat and tie ay tahimik lang na umiinom. Tumingin ito kina Strawberry saka lumapit nang bahagya. "Spencer," malamig na sabi nito sabay titig sa mga mata ni Strawberry . Napalunok naman ang dalaga dahil sa kakaibang dating sa kanya ng lalaki. Kahit mahina ang boses nito ay lalaking- lalaki ang dating. 'Yung parating sinasabi nina Hansel na makalaglag panty. Alam niyang guwapo ang lalaki kahit may harang ang mga mata nito. Sa katawan at tindig pati pananalita nito ay alam ni Strawberry na isa itong mapanuksong Adonis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD