Chapter 2

997 Words
"Rigal, saan ka pupunta? Wala kang pasok diba?" Nilapag ko sa lamesa ang kape na hinanda ko para kay Rigal. Dinaanan niya lang ako na parang hangin. Kumuha siya ng tubig sa ref at hindi pinansin ang kape na tinimpla ko. "Rigal?" "Wala kang pake." Humarap siya sa 'kin. Ang aga-aga, pero ang dilim na ng mga mata niya. Hindi ko natagalan ang talim ng titig niya, tinignan ko na lamang ang lamesa. "Mag-almusal ka muna." "Sa labas ako mag-aalmusal." Binagsak niya sa lamesa ang baso na ininuman niya ng tubig. Inayos niya ang belt niya, saka siya nagtungo sa sala. Sinundan ko siya. Hindi ko napigilang mapasinghap. Sa tuwing hindi ako nakakapaghanda ng pagkain, para siya toro na galit na galit. Kapag naman nagluto ako, sa labas siya palagi kumakain. "Anong oras ka uuwi?" Parang kutsilyo ang mga mata niyang tumama sa akin. "Bakit kailangan mong malaman kung anong oras ako uuwi ha?!" Napaatras ako sa sigaw niyang tumagos sa eardrums ko. "Gusto ko lang naman malaman kung uuwi ka ng maaga, para makapaghanda ako ng hapun--" Natigilan ako nang lumapit siya sa 'kin at hinablot ang panga ko. Gigil ang mukha niyang tumitig sa 'kin. "Gusto mong malaman kung uuwi ako nang maaga, para mapaalis mo agad ang lalake mo at hindi kita mahuli!" Umiling-iling siya. "Hindi mo na 'ko maiisahan, Tanya!" Marahas niyang binitawan ang mukha ko. Pakiramdam ko nausog ang ilang buto sa panga ko. Ngumanga ako saglit at hinilot ang leeg ko, habang nanginginig ang mga mata ko. "Wala nga akong--" "Tangina tumahimik ka!" Sinipa niya ang sofa. "Ang sakit sa tainga ng boses mo; nakakairita ng marinig iyang mga kasinungalingan mo!" Umigting ang panga niya na nagpaatras sa akin. Padabog niyang sinarado ang mga butones ng polo niya. "Aalis ako; 'pag ako may nadatnan na ibang lalake mamaya sa bahay na 'to, humanda ka sa 'kin." Nagtungo siya sa harapan ng pinto. Palabas na siya nang muli siyang lumingon sa akin. "Wag na wag mo ring subukang umalis, Tanya; I'm tired with your bullshits!" Lumundag ang puso ko sa marahas niyang pagsara ng pinto. Napapikit ako, dinama ang takot at lungkot na naghalo sa dibdib ko. Hinang-hina ang mga tuhod kong umupo sa sofa. Sinalo ng mga palad ko ang mukha ko at muling lumandas ang mga luhang lumiliyab sa init ng mga mata ko. Parang sumabog ang buong nararamdaman ko sa hinanakit ng puso ko. Walang tigil sa pagsilay ang mga luha ko. Aminado ako sa pagkakamali ko, pero parang sobra-sobra naman na ata ang paniningil niya; unti-unti niya nilalanta ang puso kong naghihingalo. We were madly in loved. Mahal namin ang isa't isa noon at dinudurog ako sa tuwing naiisip na nawala na lang bigla ang kinang sa pagmamahalan namin. We used to be so happy. Puno ng tawa at ingay ang bahay namin noon. Sobrang saya namin. Walang gabi na hindi kami tumawa, walang gabi na hindi kami nagyakapan, at walang gabi na hindi namin hinawakan ang kamay ng isa't isa. We were in so much bliss until it ended. Dumating ang panahon na nawalan ng oras sa akin si Rigal. Naging abala siya sa trabaho, madalas gabi na kung umuwi. Ang aga rin niya kung umalis, nawalan siya ng oras sa akin and that was the beginning of me, losing myself. Noong mga panahong abala sa trabaho si Rigal, biglang sumulpot muli sa buhay ko si Vandol. Ang ex boyfriend ko na minahal ko bago ang asawa ko. Ginulo ni Vandol ang utak at puso ko. Inakit niya ako, habang sinusobsob ni Rigal ang sarili niya sa pagtatrabaho. Bumigay ako. I am just a human; I needed someone's affection, and my husband was too busy. Vandol was there, offering himself. Hindi ko na-control ang sarili at nahulog ako sa patibong niya. I had an affair with my ex, and that was the biggest mistake I wish I never did. Nagdurusa ako, oras-oras akong nagdurusa sa pagkakamali ko. Alam kong kaharap ko si karma, sinisingil niya ako sa sakit na ginawa ko sa asawa ko. Minsan sumasagi sa isip kong iwan na lang siya. Pwede naman akong magpahanda ng annulment kung gugustuhin ko, pero hindi ko kaya. Isang taon niya na akong pinaparusahan, pero hindi ko pa rin siya magawang iwan. Mahal ko si Rigal; mahal ko ang asawa ko. Hindi ko siya kayang iwan, kaya tinatanggap ko na lang ang mga parusang binabato niya. I deserve every pain, because of what I did to him. And I was still hoping, that someday... someday we could laugh and smile again like we used to be. To: Rigal Nagluto ako ng hapunan :)) Nilapag ko sa lamesa ang cellphone ko matapos kong i-text si Rigal. Na sa dulo ako ng lamesa, pinagmamasdan ang sinigang na niluto ko para sa kanya. It was his favorite. Tandang-tanda ko noon, tuwang-tuwa siya kapag pinagluluto ko siya nito. Halos pumuti na ang mga mata ko kakahintay sa kanya. Inabot ako ng alas-dose ng madaling araw na nakaupo lang sa harapan ng lamesa, nanlulumo, nanghihina. Pabagsak na ang mga mata ko. Minsa'y napapadilat na lang ako sa pagbagsak ng batok ko. Lumundag ang puso ko nang marinig ang pagbukas ng pinto. Dali-dali akong nagtungo sa sala para salubungin siya. "Ri..." Natigilan ako nang makita ang babaeng tumatawa sa tabi niya. Nakapulupot pa ang braso nito sa baiwang ng asawa ko. Napatingin sila sa 'kin. Nalagas ang mga parte ng puso ko. Unti-unting nag-sink in sa utak ko kung sino ang matangkad na babaeng kasama niya na umawang ang labi nang makita ako. "C-Claire?" Nanlumo ang boses ko. Si Claire Estebar, ang babaeng may gusto sa kanya noon pa man. Ang babaeng gusto ng pamilya ni Rigal para sa kanya. His family never liked me, they liked Claire, pero pinaglaban ako ni Rigal dahil ako ang mahal niya. Seeing them together, tore me apart. "Cayetanya." Tinignan ako ni Claire mula ulo hanggang paa, bitbit ang nakakaloko niyang ngiti. "I didn't know, buhay ka pa pala." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD