Chapter 3

1323 Words
"Ah... Rigal... Faster... uhm... harder!" "Yeah... ah... you're so tight Claire... aah!" "I'm cumming... oh shit..." Nanginig ang buong kalamnan ko, habang nakaupo ako sa sahig sa labas ng guest room namin. Mariin kong tinakpan ang tainga kong binging-bingi na sa ungol nila. Parang sunod-sunod na malaking truck ang sumagasa sa puso ko. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang paghagulgol sa sakit. Lalo akong pinatay ng tahimik kong pag-iyak, ang hirap; para akong malalagutan ng hininga. Ito na nga ata talaga ang karma ko. Harap-harapan siyang nakikipagtalik sa iba sa sarili pa naming pamamahay. Sa lahat ng babaeng pwede niyang iuwi, si Claire pa talaga... Si Claire na pinagselosan ko noong boyfriend ko pa lang ang asawa ko. Ipit na ipit ang puso kong nasagasaan ng malalakas nilang ungol. Gusto kong sumugod, gusto kong hablutin ang buhok ni Claire at kaladkarin siya palabas ng bahay namin ni Rigal, pero eto ako, hinang-hina, nangangatog ang mga tuhod sa hapdi ng pinaparanas nila. Walang boses akong sumigaw. Nakanganga lang ang bibig ko, pero walang kahit isang salita ang lumabas na boses sa akin, puro iyak lang... crying silently was so hard to endure. Ang sarap suntukin ni Rigal, ang sarap pagsasampal-sampalin ng asawa ko, dahil sobra-sobra na ang paniningil niya, pero para lang akong tangang naghihinagpis. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko, dahil ako naman ang unang nagloko. Tangina, ang sakit. Pati ang mga mata ko humapdi na; halos wala na akong makita sa dami ng luhang bumubuhos. Bumukas ang pinto; mabilis akong napatayo, kumapit ako sa pader nang muntikan ulit akong tumumba. Grabe ang panginginig ng mga tuhod ko. Niluwa ng silid ang asawa ko. Nagtama ang mga mata namin, habang inaayos niya pa ang pantalon niya. "Anong ginagawa mo riyan?" malamig niyang tanong na parang wala siyang ginawang mali! Hindi ako nakasagot nang sunod kong makita ang paglabas ni Claire. Lumawak ang ngiti niya nang mapatingin siya sa 'kin. Gusto kong hablutin ang mahaba niyang buhok, gusto ko siyang sakalin at tanggalin ang mga ngipin niya. Kung makangiti siya sa 'kin, parang wala lang sa kanya ang pagpatong niya sa asawa ko! Hindi niya ba naisip kung gaano kasakit ang ginawa niya? "Bakit ganyan ang hitsura mo?" Tinignan niya nanaman ako mula ulo hanggang paa. "You look devastated." Kumulo ang nanghihina kong dugo, pero hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Napatitig lang ako sa asawa kong malamig na nakatingin sa akin. Kung makatitig siya, parang wala siyang ginawang mali, parang hindi siya nakipagtalik sa iba... kumirot ang puso ko nang maisip nanaman ang mga ungol nila kanina. Napayuko ako kasabay ng muling pagpatak ng luha ko. "Let's go, Claire." Hinila niya si Claire palayo sa akin. Parang iniipit ang puso ko sa bawat hakbang nilayo palayo. Wala siyang pakialam? Wala talaga siyang pakialam kahit sobrang nasasaktan na ako? Gusto ko silang habulin, pero namanhid ang buong katawan ko sa sakit. Umalis nanaman siya ng bahay, and the worst part was kasama niya pa talaga si Claire. He chose Claire over me. He chose to be with the woman he ignored a few years ago for me! Parang apoy ang mga luha kong sunod-sunod na pumatak sa pisnge ko. He was killing me every damn day... Kagaya ng dati, inabangan ko ulit siyang makauwi. Nakaupo lang ako sa sofa, habang nakatitig sa pinto. Kung ano-ano ang pumasok sa utak ko. Saan nanaman kaya siya nagpunta? Anong gagawin nila ni Claire sa labas? Kaunti na lang mababaliw na ako sa dami ng tumatakbo sa utak ko. Niluwa ng pintuan si Rigal at doon agad akong napatayo. "Saan ka galing?" buong lakas kong tanong sa pagitan ng nanginginig kong boses. "Mind your own business." Dinaanan niya akong parang hangin. Hinabol ko siya hanggang sa kwarto namin. Humarang ako sa harapan niya. "Rigal, saan ka nga galing?" "f**k, I said mind your own goddamn business!" Humugot ako ng malalim na hinga para kumuha ng lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman ko. "Asawa mo 'ko, Rigal!" Pumiyok ang naghihingalo kong boses. "May karapatan akong malaman kung saan ka nagpunta." Tumalilim ang titig niya sa 'kin. Naramdaman ko rin ang bigat ng paghinga niya. "Asawa lang kita sa papel. Wag kang umarte na parang hindi mo sinira ang pagsasama natin, one year ago!" Napapikit ako sa hapdi ng mga salitang binato niya sa 'kin. Asawa lang ako sa papel? Wala akong halaga sa kanya kaya kung tratuhin niya 'ko ay parang hayop na lang. Lumabo ang paningin kong nakatitig na lang sa sahig. "Isang taon na ang lumupas, Rigal--" "Wala akong pakialam kung ilang taon na ang lumipas, Tanya! That won't change the fact, manloloko ka!" Napaatras ako nang duruin niya ang noo ko. Ang sakit kasi hindi ko naman na siya niloloko, pero iyon pa rin ang paulit-ulit na paratang niya sa 'kin. Kung makapagsalita siya, parang wala siyang kasamang ibang babae kanina! "Rigal, hindi na kita niloloko; sa ating dalawa ikaw ang may iba!" Halos hagulgol na ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Napatakip ako ng labi, pero malakas talaga ang iyak na kumawala sa akin. Parang pinipiga nanaman ang puso ko. Hinawakan niya ang braso ko na para itong isang lintang sinisipsip ang dugo ng katawan ko. "Ang lakas ng loob mong sumbatan ako ng ganyan! Baka hindi mo naiisip, Tanya. You made me do this! YOU MADE ME WHO I AM TODAY." Tinulak niya ako sa kama. Pakiramdam ko bato ang binagsakan ko sa sakit na humagod sa katawan ko. "May iba ako ha?! Bakit?! Sa ating dalawa, sino ba ang unang nangaliwa?! Sino ba ang nanggago sa relasyong 'to, Tanya?! Sino?!" Hinablot niyang muli ang braso ko, tinayo niya ako at pinanlisikan ng mga mata mata. Walang patid sa paglandas ang mga luha ko. "We were happy, Tanya! Kahit kailan, hindi ko naisip na lokohin ka! TANGINA TAPOS MALALAMAN KONG MAY LALAKE KA? ALAM MO BA KUNG GAANO KASAKIT IYON HA? ALAM MO BA?" Parang madudurog niya na ang buto ko sa braso. Nanginig ang mga balikat ko kakaiyak. "Kaya nga humihingi ako ng tawad sa 'yo, Rigal. Sobrang nagsisisi ako--" "The damaged have been done, Tanya! Sinira mo na ang pagsasama natin! You broke my f*****g trust!" Para akong bagay na binato niya lang ulit sa kama. Kasabay ng pagbagsak ng katawan ko ang pagpira-piraso ng puso ko. Tila ba nabingi ako sa sigaw niya at ang tanging narinig ko na lang ay ang paghagulgol ko. Paulit-ulit ko ng nilulunod ang sarili ko, dahil nasira ko ang tiwala niya. Gusto ko namang buoin ulit iyon, pero ayaw niya 'kong pagbigyan. But I was still hoping... umaasa pa rin ako na isang araw, gigising siya na mayroon na ulit tiwala sa akin. I just made a mistake; one mistake. Tinanggap ko lahat ng paniningil niya, handa akong tanggapin iyon hanggang sa magkaayos na ulit kami. Mariin siyang pumikit matapos niya akong titigan nang masama. Nagbuntong hininga siya at saka sinipa ang paanan ng kama. He muttered a curse. Niyakap ko ang mga tuhod ko, habang nanginginig ako sa kama. "Minahal kita, Tanya... Binuksan ko nang buong-buo ang puso ko, para sa 'yo... Tapos ano? Sinaktan mo lang ako." Hindi na siya sumigaw, pero ang talim ng naghalong lungkot at galit sa boses niya. "Hindi mo alam kung paano mo 'ko winasak nang makita kitang nakapatong kay Vandol; f**k SHIT." Sinipa niyang muli ang kama. "Tangina! Ang sarap ninyong ilibing nang buhay!" Tinakpan ko ang tainga kong nabingi sa sigaw niya. Mariin akong pumikit nang hindi na napagod ang mga mata ko sa pagluha. "R-Rigal, p-patawarin mo na 'ko... p-please---" "Shut the f**k up!" Hinablot niya ang braso ko at hinila nanaman ako patayo. Pulang-pula na ang tainga niya, nanginig din maski ang kilay niya. Pilit kong pinatahan ang sarili ko sa pag-iyak. "You know what? Sana sinunod ko na lang talaga ang pamilya ko; sana hindi na kita pinaglaban sa kanila. SANA SI CLAIRE NA LANG ANG PINAKASALAN KO." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD