"SANA SI CLAIRE NA LANG ANG PINAKASALAN KO."
Paulit-ulit na tumakbo sa utak ko ang sigaw ni Rigal na bumasag sa buong sistema ko.
Marami kaming pinagdaanan ni Rigal bago kami kinasal. Isa na ro'n ay ang pagiging tutol ng mga magulang niya sa akin dahil gusto nila si Claire para sa anak nila.
Claire was the biggest trigger to my insecurity. Pakiramdam ko noon ang ganda-ganda ko dahil ako ang pinili ni Rigal sa kabila ng pagiging ubod ng yaman ni Claire.
Madalas akong magselos noon dahil sa dyosang babae na iyon. She did everything to win Rigal, but luckily ako pa rin ang nagwagi.
Kaso ngayon, mukhang talong-talo na 'ko. Nag-iiyutan sila sa pamamahay pa naming dalawa ng asawa ko. Oo nga deserve ko ring masaktan, pero hindi ko inakalang ganito kasakit.
Pinunasan ko ang luha sa pisnge ko habang naghuhugas ng pinagkainan naming dalawa.
"Tanya, iyong sintas nga ng sapatos ko; ayusin mo."
Mas mabilis pa sa hangin ang karipas ko patungong sala. Lumuhod ako kay Rigal para ayusin ang sintas niya. Nanginig ang mga kamay ko nang mapansin ang pagtitig niya sa 'kin habang nakaupo siya sa sofa; mukhang senyoritong-senyorito at ako ang katulong niya.
"Bilisan mo."
Karipas ang paggalaw ng mga kamay ko. Umayos ako ng tayo nang matapos kong ayusin ang sintas niya.
"Teka lang, naghanda ako ng lunch mo." Kinuha ko sa kusina ang lunch box na may ulam, kanin, at saging sa loob.
Kahit ilang ulit akong saktan ng asawa ko, ginagawa ko pa rin ang lahat para baka sakaling makuha kong muli ang loob niya.
May mga araw naman na mabait siya sa 'kin, pero hindi talaga maiiwasan ang bigla-biglang pagsumpong ng kasungitan niya.
Tinitigan niya lang iyong lunch box nang iabot ko sa kanya.
"Sa labas kami kakain ng board." Inayos niya ang kwelyo niya; umiigting-igting ang panga.
Napalunok ako. Pakiramdam ko kapag iniinat niya ang leeg niya ay mananakit na siya; buti't hindi. Sa halip ay dire-diretso siyang naglakad palabas sa bahay namin.
Hinabol ko siya hanggang sa sasakyan.
"Ingat ka."
Natigilan siya sa pagsakay sa kotse. Tinignan niya ako nang malalim sa mga mata.
"Pumasok ka na sa loob."
Humakbang ako para sana halikan siya pero natigilan ako nang maisip na ilang beses niya na 'kong tinulak sa tuwing ginagawa ko iyon.
Suminghap ako't lumapit pa rin sa kanya. Tumingkayad ako't inabot ang malambot niyang labi. To my surprise, hindi niya ako tinulak.
Nagtama lang ang mga mata namin nang umayos na ako ng tayo.
"Ingat."
"Pumasok ka na sabi sa loob."
Yumuko ako't naglakad papasok sa loob. Bago ko sinara ang pinto, pinagmasdan ko muna siyang sumakay sa sasakyan; pinanuod ko rin ang kotse niya na palayo sa bahay namin.
At muli, mag-isa nanaman ako. Nilibot ko ang paningin sa tahimik at malungkot naming bahay. Hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling nakarinig ng tawa sa loob nito. It was just dull and gray.
Habang nagtitingin ako ng mga albums noong kasal namin ni Rigal, nag-ring ang phone ko.
Napakunot ako sa unknown number na na sa screen. Ayaw na ayaw pa naman ni Rigal na may tumatawag sa 'kin. Buti na lang na sa trabaho pa siya.
"Hello?" bungad ko sa caller.
"Thank God, nakuha ko rin ang number mo, Tanya."
Muntik ko ng mabitawan ang cellphone nang marinig ang boses na sumira sa ulirat ko noon; ang lalakeng halos isumpa na ng asawa ko.
"Vandol..." Napatakip ako sa bibig ko.
Ilang ulit ko ng tinaboy ang lalakeng 'to; akala ko natauhan na siya't tuluyan ng lumayo. Wala pa rin pala siyang planong tumigil.
Mula ng nahuli kami ni Rigal hanggang sa isang taon na ang lumipas, pursigido pa rin siyang mabawi ako mula sa asawa ko.
"I miss you, Tanya; I missed your voice."
Natatakot na lang ako para da kanya; baka mas matindi pa ang magawa ng asawa ko kapag nalaman niyang nangungulit pa rin siya.
"Kanino mo nakuha ang number ko?"
Ilang ulit na 'kong nagpalit ng sim dahil sa kanya.
"It doesn't matter. Where are you? I wanna see you."
Buntong hininga ang nasagot ko sa kanya. Lumipat na rin kami ng bahay ni Rigal. Lahat na ginawa namin para malayo sa kanya pero panay naman ang buntot niya.
"Stop calling me---"
"You can't just shut me out, Tanya. Let's talk, please..."
Akala ko madudurog na ang screen nanf patayin ko ang tawag. Binato ko ang cellphone sa kama bago pa ako dapuan nanaman ng tukso.
Pilit ko ng pinapatunayan sa asawa ko na nagbago na ako. Gusto kong mabalik ang tiwala niya sa 'kin at ayoko ng masira ulit iyon dahil lang kinukulit ako ni Vandol.
Ilang beses nag-ring ang cellphone ko. I decided to block his number. Maisip ko lang si Vandol, naiisip ko na ang kumukulong ilong ng asawa ko.
Napamulat ako nang marinig ang kaluskos. Lumundag ang puso ko; napaupo sa kama nang makita ang nakatitig sa akin mula sa dilim. Unti-unti iyong kumalma nang ma-realized na si Rigal ang nakatayo sa harapan ng kama. Naging matalim ang kanina'y walang emosyon niyang mga mata.
"Tangina gabi na, wala pang hapunan."
"Sorry nakatulog ako." Karipas akong naglakad patungong kusina.
"Bakit ba kada dumarating ako, tulog ka ha?! Saan ka ba napapagod? Maghapon ka lang namang nandito!" Hinila niya 'ko't hinarap sa kanya. "Unless umaalis ka." Tinulak niya hanggang mapasandal ako sa lababo.
Napunta ang tingin ko sa mga kuko niyang parang babaon na sa braso ko.
"Nandito lang ako maghapon."
"Eh bakit palagi kang pagod kada dumarating ako?!"
"Naglilinis ako ng bahay. Wala na 'kong ibang magawa pagkatapos niyon kaya nakakatulog ako." Sumisigaw ang mga mata ko na hinihiling na kahit minsan man lang sana'y wag niya 'kong paghinalaan.
Sising-sisi na nga ako sa mga nagawa ko. Hindi pa ba iyon kita sa mga mata ko?
"Siguraduhin mo iyan. Maghanda ka na ng pagkain. Gutom na gutom na 'ko."
Napatitig ako sa likod niya nang maglakad siya pabalik sa sala. Hinimas ko ang braso kong namula. Akala ko'y magwawala nanaman siya.
Lately, pansin kong hindi na gaanong mainit ang ulo niya. Sana'y magtuloy-tuloy na. Kahit papaano, gumaan ang bigat sa dibdib ko; nakaramdam ng pag-asa na malapit na kaming bumalik ulit sa normal, iyong masaya.
"Rigal, naghanda ako ng lunch para sa 'yo." Sinubukan ko ulit siyang abutan ng box kinabukasan.
Nabawasan ang bato sa dibdib ko nang tanggapin niya iyon bago siya sumakay sa kotse. Hinawakan ko ang labi ko nang mapangiti ako habang pinagmamasdan ang sasakyan niya na palayo. Ganito pala ang pakiramdam ng ngumiti; halos nakalimutan ko na.
Abala ako sa pagtutupi ng mga nalabhang damit nang may kumatok. Natigilan ako sa harapan ng pinto, nagdalawang isip kung bubuksan iyon dahil baka si Vandol lang ang na sa labas. Baka nahanap niya nanaman ang address namin. Kapag nagkataon, panibagong gulo nanaman ang uusbong.
Imposible naman si Rigal ang kumakatok dahil may susi siya saka masyado pang maaga para umuwi siya.
Bumuntong hininga ako nang hindi tumigil ang kung sinoman sa pagkatok. Parang may kung anong sumanib sa 'kin para buksan ang pinto.
"Seval." Tinignan ko mula ulo hanggang paa ang kapatid ni Rigal.
Ang tagal ko siyang hindi nakita. Mas nag-matured ang mukha niya't mas humubog ang panga.
"Anong ginagawa mo rito?" Kumunot ang noo ko.
Magkapatid man sila ng asawa ko, hindi naman sila magkasundo simula pa noong una kaya wala talaga 'kong maisip na dahilan kung ba't siya naparito.
"Long time no see, Cayetanya."