"Anong ginagawa mo rito?"
"Nandiyan ba si kuya?" Sumilip si Seval sa likuran ko.
Napalunok ako. Just by seeing him, tumataas na ang kaba sa dibdib ko.
"Wala, pumasok siya. Anong ginagawa mo rito?" Nakailang tanong na ako.
"Can I come in first?"
Bahagya kong hinarang ang pinto sa katawan ko.
"Seval, may kailangan ka ba sa kuya mo?"
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Balot ng pag-uusisa ang charcoal niyang mga mata.
"You seem nervous. Sinasaktan ka pa rin ba niya?"
"Hindi." Kumirot ang puso ko.
Kahit anong sama ng loob ko sa asawa ko, ayaw ko pa rin siyang ilaglag sa pamilya niya lalo na kay Seval.
"Then why do you seem so uncomfortable? It's just me, Tanya; an old friend."
Nag-matured man ang mukha niya, hindi naman nagbago ang pungay ng mga mata niya; gano'n na gano'n pa rin ang tangos ng ilong niya na madalas mamula sa tuwing inaasar kami sa isa't isa.
"Can I come in?"
"Ano bang kailangan mo, Seval?" Nilunok ko ang bukol sa lalamunan ko.
"Just wanna catch up. Can I come in now?"
"Wala rito ang kuya mo."
"Better." Nagkibit-balikat siya.
"Seval--"
"Let me come in."
Iniwasan ko ang katawan niya nang dumaan siya sa harapan ko. Sinundan ko siya hanggang sala kahit nanginig ang buong tuhod ko.
Tinignan ko ang orasan sa pader; hapon pa lang naman. Gabi umuuwi si Rigal, sana nga hindi siya maaga ngayon. Wala akong malisya kay Seval pero baka kung ano nanamang maisip ng asawa ko lalo't hindi pa bumabalik nang buo ang tiwala niya sa 'kin.
"Relax, Tanya. Takot ka pa rin ba kay kuya? Sinasaktan ka pa rin niya 'no?"
"Hindi nga. Ano bang kailangan mo? Naparito ka?"
Tinapik niya ang espasyo ng sofa sa gilid niya.
"Let's catch up first."
Suminghap ako't umupo, maingat na dumikit sa sulok ng sofa para hindi magtama ang mga balat namin.
"Kamusta?"
Sincere pa rin kung makatingin ang mga mata niya. Nakonsensya nanaman ako nang maalalang napaluha ko ang dalawang perlas na iyon.
"Okay lang." Binaba ko ang manggas ng t-shirt ko nang malipat ang tingin niya roon; baka may pasa.
"Diba sabi ko sa 'yo, tawagan mo 'ko kapag pinagbuhatan ka ulit ng kamay ni kuya?"
"Oo nga."
"Ba't di mo 'ko tinatawagan?"
"Hindi niya naman na 'ko sinasaktan." Kirot sa puso ang mga lumabas sa bibig ko.
Hindi ko magawang kasuklaman ang asawa ko dahil hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pangangaliwa ko. Mahal ko si Rigal kaya kahit sa pamilya ko, hindi ko siya sinusumbong. Martyr na nga siguro ako, pero alam kong mahal niya rin ako. Hindi siya mananatili sa akin kung hindi.
"Sigurado ka?"
Tumango ako. "Bakit ka nga naparito?"
"Hindi mo ba muna 'ko kakamustahin?" Tumawa siya pero halatang pilit.
"Kamusta?" Hindi na ako makatingin sa mga mata niya. Naalala kong bigla ang pag-amin niya sa 'kin noon. Nakakailang na nasa harapan ko ang lalakeng na-busted ko.
"Okay lang; ikaw pa rin." He smiled.
Nabibilib talaga 'ko sa kanya; ayoko na ngang maniwala na ako pa rin ang gusto niya. Sa tagal ng panahon, parang imposible namang hindi siya makahanap ng babaeng higit pa sa akin, iyong hindi siya tatanggihan, iyong tanggap siya hindi katulad ko na pinili ang kuya niya.
"Ayaw mo ba talagang sumama sa 'kin? Ilalayo kita kay kuya--"
"Seval." Suminghap ako.
Magmula ng mahuli niya na sinasaktan ako ng kuya niya, hindi na siya tumigil kakaalok sa akin na ilalayo niya ako.
Minsan na akong napaisip na sumama sa kanya, pero sa tuwing napapatingin ako sa mga mata ng asawa ko, umuurong ako; hindi ko kaya. Mahal ko si Rigal at may tiwala ako na balang-araw ay makukuha kong muli nang buo ang loob niya.
"Tanya, kapag sumama--"
Napatayo ako nang iluwa ng pintuan ang asawa ko. Muntik pa 'kong matumba nang mala-laser na tumama ang mga mata niya sa 'kin bago iyon tumama kay Seval.
"Kuya." Lumapit si Seval sa kuya niya.
"Anong ginagawa mo rito?" Binaril akong muli ng mga mata ni Rigal saka niya sinaksak ng tingin si Seval.
May nilabas na envelope ang kapatid niya mula sa bag nito.
"Party. Mommy is expecting you to come."
"I won't---"
"And dad." Tinapik ni Seval ang balikat ng kuya niya. "Daddy wants you there. Wag mo siyang punuin. Your shares might be put on mine."
Tinulak ni Rigal ang kapatid niya. Bahagya akong umatras. Sa matalim niyang titig, alam kong nati-trigger na siya.
Tumawa si Seval. "Temper brother, control temper."
Umiling-iling siya saka lumabas sa bahay namin ng asawa ko. Lumundag ang dibdib ko nang ibagsak ni Rigal ang pinto 'tapos ay binaril niya ulit ako ng tingin. Napaatras ako.
"Rigal--"
Sampal agad ang inabot ko. Wala halos maramdaman ang kaliwang pisnge ko. Lumabo ang mga mata ko, hindi pa man ako nakakapagpaliwanag, galit agad siya.
"Anong ginagawa ninyong dalawa rito ha?!"
"Rigal, wala--"
"Sinungaling!"
Napapikit ako nang i-amba niya ang kamay niya. Ready na ako sa sunod na hagupit ng kamay niya. Marahan akong dumilat nang walang tumama sa pisnge ko.
Kumirot ang puso ko nang makita ang panginginig ng kamay niya na malapit sa pisnge ko; hindi niya tinuloy ang sampal sa 'kin. Nakita ko nanaman ang hapdi sa mga mata niya; ang hapdi na nakita ko noong nahuli niya kami ni Vandol.
"Putangina!" Sinugod niya ang pader. Napaatras ako nang suntukin niya iyon.
"Rigal---" Hinawakan ko ang braso niya; muntik na 'kong matumba sa sahig nang itulak niya ako.
"Ano? Si Seval naman ha?! Pagkatapos mo sa ex mo na kaaway ko, iyong kapatid ko naman, gano'n ba?!"
"Hindi, Rigal. Wala naman kaming ginagawa ni Seval. We're just... talking."
"And you expect me to believe that?" Sinipa niya ang sofa.
"Yes, please..." Lumabo ang paningin ko. Agad kong kinusot ang mga mata ko. Ayoko ng umiyak; ang hapdi na masyado.
"Tangina!"
"Rigal--" Hindi ko na siya nahabol nang dumiretso siya sa kwarto't kinandado niya ang pinto.
Bumagsak ako sa sahig nang marinig ang ilang gamit na nabasag sa loob ng silid namin. Niyakap ko ang tuhod ko habang binging-bingi ang tainga ko sa sigaw niya. Nagwawala nanaman siya sa kwarto; kung hindi niya ako bubugbugin, sa mga gamit niya nilalabas ang lahat ng inis niya. Natulala na lang ako sa kawalan habang sikip na sikip ang dibdib ko, sanay na sanay na sa ganitong eksena.
"Bakit 'di ka pa nag-aayos?" Pumasok si Rigal sa kwarto namin, suot ang isang charcoal tuxedo.
Dumiretso siya sa salamin, inayos ang makapal niyang buhok. Mukha siyang masungit na CEO sa isang malaking kompanya. Mas nakakapanginig lalo ang dating niya pero nakakabigla na hindi niya ako masyadong sinisigawan at pinagbubuhatan ng kamay nitong mga nakaraang araw.
"Pupunta tayo?" Naalala ko ang invitation na inabot sa 'min ni Seval.
Charity party iyon kung saan mga milyonaryo ang dadalo panigurado. Hindi ko alam kung anong nagpabago sa isip ng asawa ko para mag-ayos siya't pumunta sa party.
"Ayaw mong sumama? Bakit? Makikipagkita ka na naman sa kabit mo?"
"Wala nga akong kabit--"
"Mag-ayos ka na, tangina! Ang dami pang sinasabi." Lumabas ulit siya sa kwarto.
Hindi niya nga ako gaanong sinasaktan, mukhang pasong-paso naman siyang makita at marinig ako.
Para akong pa-lowbat na robot na naglakad patungo sa drawer. Hindi naman ako ready; wala na ako gaanong formal outfit dahil mula noong nasira ko ang buhay naming mag-asawa, bilang na lang sa daliri ang paglabas ko't pag-attend sa mga party.
"Anong tinitingin-tingin mo riyan?"
Napatingin ako kay Rigal; hinagis niya ang isang naka-hanger na wine red long gown sa kama.
Nanlaki ang mga mata ko. "Sa'n galing iyan?"
Umirap siya. "Kay Claire, hiniram ko. Ayokong magmukha kang basahan lalo't marami akong kakilala roon."
Naglaho agad ang lumitaw na liwanag sa dibdib ko. Kay Claire, nakikipag-usap pa rin pala siya sa babaeng iyon.
Napatingin ako sa damit, parang ayokong suotin; pakiramdam ko puno iyon ng tinik.
"Ano? Tutulala ka lang diyan?! Suotin mo na!"
Nagtago sa sulok ang dibdib ko nang muli siyang sumigaw. Kahit masakit sa dibdib, sinuot ko ang gown na pagmamay-ari ng babaeng ayaw na ayaw ko. Totoo ngang parang binalutan ng tinik ang gown dahil buong katawan ko'y humapdi nang suotin iyon.
Naiisip ko lang ang mga bagay na mayroon si Claire na wala ako. Tulad ng gown na suot ko na tinitigan ko sa harap ng salamin. Maganda naman lalo na ang hapit nito sa baiwang ko pero siguro mas maganda si Claire noong siya ang may suot.
"Tapos ka na?!"
Napaharap ako sa asawa ko na kakapasok lang ulit sa silid namin.
"Makeup lang ako saglit."
Hindi siya kumibo. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Umigting ang panga niya saka siya bumuntong hininga.
"Bilisan mo. Puta, male-late na tayo."
Tumapat ako sa vanity mirror at nag-ayos ng mukha. Kahit papa'no gusto kong maging maganda lalo na sa harapan ng magulang niya. Never akong na-appreciate ng parents niya kaya iniisip ko pa lang na makikita ko sila mamaya, gusto ko na lang matunaw.
Simpleng makeup na lang ang ginawa ko. Paminsan-minsan ay napapatingin ako kay Rigal mula sa reflection ng salamin. May mga pagkakataon pa ngang nagtatama ang mga mata namin habang nakaupo siya sa kama 'tapos ay bigla siyang iirap at iiwas ng tingin.
Inipit ko ang buhok ko saka ako nagbagsak ng ilang strands sa magkabilang sentido ko.
"Tara na."
Ang tagal niyang tumitig sa 'kin nang tumayo ako sa harapan niya. Parang ino-obserbahan niya kung may mali ba sa mukha ko.
Bumaba ang mga mata niya sa labi ko. Napalunok ako nang mapatingin ako sa labi niya. Lately, hindi niya rin ako gaanong kinakama. Minsan tuloy ay hinahanap-hanap ko na ang init ng katawan niya.
Kahit na naiiyak ako madalas sa tuwing pinapasok niya ang kababaihan ko, hindi ko ma-deny na gusto ko rin naman iyon. Naiiyak lang ako dahil alam kong ginagawa niya lang iyon sa 'kin dahil galit siya, hindi dahil sa pagmamahal na kagaya ng mayroon kami noon.
"Ang panget ng lipstick mo. Magpalit ka nga!"
Napakapit ako sa labi ko. Napayuko sa kahihiyan.
"Pero sabi mo noon, bagay ang red lipstick---"
"Noon iyon! Bilisan mo, palitan mo iyan!"
Bagsak ang balikat kong sinunod ang gusto niya. Ang kirot nanaman ng dibdib ko. Naalala ko dati, gustong-gusto niya kapag naka-red lipstick ako kaya nga iyon ang pinili kong kulay ngayon kaso napangitan siya. Wala na siguro ata talaga siyang nakikitang kagandahan sa akin. Minsan napapaisip ako, bakit pa siya nanatili kung wala na talaga.
"Wag mong subukang lumandi ng ibang lalake rito." Pinisil ni Rigal ang braso ko, pagkapasok na pagkapasok namin sa venue.
Nasilaw agad ako sa liwanag ng naglalakihang chandeliers sa mataas na kisame.
Kumapit ako sa braso ni Rigal pero siniko niya lang ako. Kagat-labi kong tinignan ang mayayamang tao sa paligid lalo na ang mga magkasintahan na masayang nakakapit sa isa't isa. We used to me that couple.
Tumindig ang balahibo ko nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay naming naka-intertwined. Nagtama ang mga mata namin nang tumingala ako sa kanya.
Umirap siya. "This is just a show." Hinila niya ako patungo sa isang table.
Nang makita ko kung kanino kami palapit, parang tumatakbo na agad ang dibdib ko palayo.
"Mom," ani Rigal.
Tumindig ang balahibo ko sa paglingon sa 'min ng mama niya lalo na nang tumama sa 'kin ang matalim at mapanghusgang tingin ni tita.
"Madrigal, good you came!" Bumeso sa asawa ko si tita 'tapos parang naging dir ang mga mata niya nang tignan ulit ako.
I felt insulted. Kaya ayoko ring uma-attend lalo na sa mga family gatherings nila. Hanggang ngayon, hindi pa rin maka-move on ang parents niya na ako ang pinili ni Rigal.
"Hi tita." Bebeso sana ako pero umatras siya't tinignan muli ang anak. "You're dad is there. He's waiting for you." Parang sinasaksak ako ng bawat yabag ng takong ni tita palayo sa amin.
Nagkatinginan kami ni Rigal. Umirap ulit siya. Bumagsak ang balikat ko. Dati kino-comfort niya pa ako sa tuwing nilalait ako ng mommy niya. Wala na siyang pake ngayon.
"Rigal, saan ka pupunta?" tanong ko nang talikuran niya ako.
"None of your f*****g business."
Napatitig na lang ako sa likuran niyang palayo sa akin. Nang hindi ko na siya matagpuan, nilibot ko ang paningin sa mga taong walang ibang ginawa kundi magtawanan at kwentuhan habang hawak ang mga champagne nila.
May lumapit sa 'king waiter, kinuha ko ang inalok niyang drinks. Naglakad-lakad na lang muna ko.
Out of place talaga ako palagi sa mga ganitong event. Nanliliit ako. Pakiramdam ko nga'y gusto ko na lang lumubog at maglaho sa eksenang 'to.
Nang ma-suffocate na ako sa nagkikinangang mga tao sa paligid. Nahanap ko ang daan patungo sa veranda. Sumandal ako sa railings saka dinama ang malamig na hangin habang nakatitig sa kawalan.
Napangiti ako nang maalala ang paghahalikan namin ni Rigal sa bawat veranda ng pinupuntahan naming party noon. Alam niyang ayaw na ayaw ko sa mga party na organize ng parents niya kaya lagi niya 'kong dinadala sa veranda ng venue kung saan mas nakakahinga ako nang maluwag at solo pa namin ang gabi.
"Why does a beautiful princess, hiding here?"
Makinang na ngiti ang bumungad sa 'kin nang tignan ko ang tumayo sa tabi ko.
"Seval."