CHAPTER 66

1138 Words

CHAPTER 66 HINDI NAMAN nagtagal si Lavi nang ihatid nito si Kirsten sa bahay nito. Kahit na ayaw niya itong paalisin ay hindi na siya nagpumilit pa pigilan ito dahil alam niyang may trabaho itong hinid matapos-tapos. Aalis sila sa mga susunod na araw kaya naman dapat ay wala ito masyadong isipin kapag nasa Japan na sila. Tinawagan niya si Britney na sakto namang nasa bahay lang at walang ginagawa. Sinabihan niya itong pumunta ito sa condo niya dahil nakauwi na siya. Pumayag naman ang kaibaigan niya dahil sakto naman daw na may sasabihin ito sa kaniya. Wala siyang ideya kung tungkol saan iyon dahil ayaw nito sabihin. Parang nahihirapan din ito na hindi niya mawari. Habang hinihintay ang kaibigan ay nagbihis na lang muna siya at nanood ng videos sa kaniyang social media account. Nalilibang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD