CHAPTER 23

1530 Words

CHAPTER 23 NANG MAKARATING sila sa ospital ay kaagad na diniretso sa emergency room si Sophie habang sila ni Anthony ay pinalabas ng nurse. Nagkatinginan nilang dalawa at kitang-kita ni Kirsten ang labis na pag-aalala sa mukha ng nobyo. Naupo si Anthony sa isang silya saka hinilamos ang mga kamay sa mukha. Siya naman ay nanatiling nakatayo lang sa harapan nito. Nag-aalala rin naman siya ngunit hindi kagaya nitong nakikita niya sa nobyo. Muli ay kinutuban siya. Bumalik ang mga sinasabi ng kaniyang mga kaibigan tungkol sa tsismis na kumakalat. Nag-iwas siya nang tingin nang mapagawi sa kaniya ang mga mata ni Anthony. Tumikhim ito at inayos ang sarili. "B-babe, maupo ka na muna." Hindi siya sumagot. Sinunod naman niya ang sinabi nito ngunit nanatiling tahimik lang habang pinagmamasdan si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD