CHAPTER 48

1145 Words

TAHIMIK LANG at walang kibo si Kirsten nang makauwi sila ng kanyang ninang Glo sa condo nila. Naging maayos naman ang pag-uusap nila ni Justin ngunit hindi maiwasan na makaramdam ng inis ni Kirsten para sa kanyang ninang. Naglihim ito sa kanya at ni-set up pa siya sa isang blind date. Naiintindihan naman niya na mayroon din siyang kasalanan. Hindi naman niya pa kasi nasasabi dito na mayroon na siyang karelasyon at si Lavi iyon. Ngunit sana naman ay maintindihan nito na kagagaling lamang niya sa isang break-up at hindi naging madali ang pakikipaghiwalay niya sa dating nobyo na si Anthony. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip ang kaniyang ninang at kung bakit nito nagawa iyon. Mabait naman si Justin at wala siyang maipipintas sa binata. Lalo na at nalaman niya na hindi pala ito straight.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD