LUMAPIT sa kanya si Max at inakbayan siya. "Welcome back, Becca. Mabuti naisipan mong silipin kung buhay pa 'tong kapatid mo." "Thank you for taking care of my family but it ends here. Ibabalik ko sa inyo kung magkano man ang nagastos n'yo kay Mommy." "Ate..." Sa lakas ng dagundong sa dibdib niya ay hindi na siya magtataka kung tumalsik palabas ang puso niya. Inirapan siya ng kapatid. "Shut up, Jan Marie." "Hindi ko yata maintindihan ang pinagsasabi mo." Saglit na sumulyap sa kanya ang kapatid. "Isasama ko na si Jan sa pag-alis ko. Ayaw kong magkaroon kami ng panibagong utang sa inyo." Jan closed her eyes. Ilalaglag siya ng Ate Rebecca niya. Laglag ang balikat na wala sa loob na napasandal siya kay Maxwell. Bahagya lang rumehistro sa utak niya ang mahinang pagpisil ng lalaki sa balik