7

1895 Words

SA ARAW na na-discharged si Max sa ospital ay nasa eskuwela si Jan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kinokontak ng ate niya. Nag-aalala siya pero pilit niyang binalewala. "Ma'am, diretso na po ba sa bahay?" tanong ng driver niya. "Daan muna tayo sa grocery, Kuya Martin." "Sige po." Napasulyap siya sa daliri. Hindi niya suot ang wedding ring nila ni Maxwell. Sa pagmamadali kanina ay naiwan niya iyon sa vanity table niya. Sa paglabas ni Max, magdadadag ang matandang Quintanar ng lima pang kasambahay. Mamaya lang ay makikilala na niya ang mga 'yon. Tinanggihan niya ang pagyayaya ni Anne na tumambay muna. Ewan ba niya pero gusto na niyang umuwi. Kanina habang nakikinig siya ng lecture ay hindi niya mapigilan ang sariling gunawa ng meal plan para kay Max. Kaya siya dadaan sa grocery

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD