NARANASAN ni Jan kung paano manligaw ang isang Maxwell Quintanar. Kung effort rin lang ang pag-uusapan, wagi si Maxwell. Nandyang paggising niya sa umaga ay puno ng rose petals ang kama. Sa sahig naman ay may trail ng petals palabas ng kuwarto. Nang tuntunin niya kung saan 'yon nagtatapos, a sumptuous breakfast is waiting with Maxwell's beaming smile on the side. Sa lunch ay magugulat na lang siya sa pagsulpot nito para yayain siyang kumain. Tinotoo nito ang sinabing mag-e-establish ito ng presence sa school niya. "Hoy, umamin ka nga. 'Di ba palabas lang? Bakit parang totohanan na?" tanong sa kanya ni Anne nang ma-dismissed sila sa araw na 'yon. Dalawang buwan na silang nagsasama ni Maxwell. "Hindi ko alam. Si Maxwel kasi, parang nag-iba ang timpla. Bigla ang daming pakulo," nag-aalinl