PIKIT-MATANG nagbayad siya ng tuition. Kung puwede lang ay mag-po-promisory note siya. Kaso baka hindi niya mabayaran 'pag nagpatong-patong na ang mga bayarin.
Hindi bale, tatapusin ko lang 'tong sem na 'to.
Pagdating sa classroom ay nalaman niyang cancelled ang klase. May isang oras pa siya bago ang susunod na period. Agad na lumipat sa katabi niyang upuan si Anne.
"Kamusta ka naman?"
"Heto, humihinga pa."
Naikuwento na niya sa kaibigan ang tungkol sa bahay at lupa nila. Nag-offer na nga ito na doon muna siya pansamantala sa bahay nito. Pero hindi niya tinanggap dahil kay Rebecca. She doesn't want to cause trouble with her family issues.
"Nakapagbayad ka na ng tuition?"
"Dumaan na ako sa cashier." Napatingin siya kay Anne. Ngayon lang niya isasaboses ang pinuproblema niya.
"Hindi ko alam kung hanggang kailan si Mommy sa ospital. It might take months, years even. Kaya titigil ako next semester. Kailangan ko ng trabaho. Hindi ako puwedeng umasa na lang sa ipon ko."
"Di ba may trabaho naman ang Ate mo?"
Jan sighed. "Hindi ko maaasahan si Ate."
"She should be the one responsible for you and your Mom."
"Mali nga yata ang birth order namin," nasabi na lang niya.
"Pwede tayong humingi ng tulong kay Mommy."
"Hindi ba nakakahiya?" nag-aalangang tanong niya. Naisip na rin niya 'yon, nahiya lang siyang banggitin kay Anne.
"Matutuwa pa si Mommy, kamo. Tinanggihan mo na nga 'yong offer namin na doon ka tumira sa bahay. Wait lang, ti-text ko siya."
Hindi nagtagal ay nag-reply si Mrs. Yulo.
"Pinapatanong ni Mommy kung gusto mong maging bar tender sa Paradise 2000. Magre-resign na raw kasi si Mella. You can work on Friday and Saturday nights only dahil 'yon ang pinaka-busy at kailangan ni Stanley ng katulong. Ano?"
"Sige. Pakisabi kay Tita Cess, maraming salamat."
IRITADONG binitiwan ni Max ang hawak na mga documents. Pakiramdam niya, humigpit ang neck tie niya sa leeg. Alas otso na pero nasa opisina pa siya.
It's Friday night, for f**k's sake! Gusto niyang isigaw. May ipinabago na naman daw ang Lolo Maximo niya sa last will and testament nito.
Ilang beses na bang ginawa 'yon ng Lolo niya? His grandfather is healthy as a bull despite his age. Pero kung magbago ng isip ang matanda ay daig pa ang babaeng hindi makapag-decide kung alin sa dalawang designer bags ang gustong bilhin.
"May bahay ako, prime estate pa ang kinatatayuan. I don't need that."
"Kasama 'yan sa bagong kondisyon ng Lolo mo. Mapupunta sa charities ang mamanahin mo 'pag hindi mo tinanggap ang property. Hindi mo rin ito puwedeng ibenta sa iba, maliban sa magkapatid na Cordova. May napipisil din na ibang kandidato ang Lolo mo para sa presidency."
Namali yata siya ng dinig. "You're kidding, right?"
Umiling ang abogado. "I'm afraid not. Bago mo rin pagdudahan ang katinuan ng Lolo mo, nagpatingin siya sa doktor. He's of sound mind when he drafted these conditions."
Son of a b***h! What kind of game are you trying to have me play, old man?
Contrary to what people believed, not everything was handed to him in a silver plater. Pinaghirapan niya lahat para maabot ang kinalalagyan niya ngayon. Nag-umpisa rin siya sa baba gaya ng iba. Simula pagkabata ay 'yon ang paboritong laro nila ng Lolo niya. Hindi niya inuurungan ang mga hamon ng matanda.
Twenty seven na siya pero tuloy pa rin ang Lolo niya sa mga laro nito. Balewala sa matanda na lalo pang umunlad ang Quantum Industries sa pamumuno niya. For Maximo Quintanar, life is a constant barrage of challenges that one should take on. And he's not an exception, sole heir or not.
Hawak ng Lolo niya ang Board of Directors. Solid na solid ang suporta ng mga hinayupak. Magrebelde man siya, wala mangyayari. Sumusukong nahilot ni Max ang sentido.
"At kailangang doon ka tumira."
"What?!"
Sinipat ng abogado ang suot na relo. "Lumipat ka na bukas. Effective immediately ang sabi ng Lolo mo."
He gritted his teeth. "Have they been notified?"
"Yes. Pero one week ang palugit na ibinigay sa kanila. May housemates ka sa ngayon."
"Unbelievable!"
Natawa ang abogado. Nakikisimpatiyang tinapik siya nito sa balikat. "Kumilos ka na, Max. Kilala mo ang Lolo mo, hindi 'yon marunong magbiro."
Mahal niya ang Lolo Maximo niya pero naiinis siya sa paggamit nito sa mamanahin niya para mapasunod siya sa gusto nito. Magiging housemates niya ang magkapatid na Cordova. Iniisip pa lang niya ang puwedeng gawin ni Rebecca ay nag-iinit na ang ulo niya.
Saksakan ng kulit si Rebecca. Hindi na niya alam kung anong lenggwahe ang kailangan niyang gamitin para ipaintindi na hindi siya interesado.
Nang makaalis ang abogado ay binuksan niya ang drawer at inilabas ang isang kulay itim na kahita. Isang linggo rin niyang pinag-isipan 'yon. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa iniiwan sa kanya ng Lolo niya ang Presidency ay ang marital status niya.
The board is a majority of people like his grandfather; old men who are hopelessly romantic. Sinuwerte lang sa mga napangasawa. Kaya ngayon ay siya naman ang hinahanapan ng mga ito. He doesn't need a wife to be an effective leader.
Unfortunately, his grandfather and the board thinks otherwise. His grandfather believes that it takes a family man to take on the challenge that comes with the position. Mas maiintindihan daw niya 'pag may asawa't anak na siyang binubuhay. Natural hindi siya naniniwala. Magkaiba ang pamilya at negosyo.
Pero kung 'yon ang paraan para makuha niya ang gusto, gagawin niya. Yvonne would be ecstatic. Napangiti siya. Perfect si Yvonne bilang asawa. Magkasundo sila sa lahat ng bagay. Iimbitahan niyang mag-dinner ang babae.
Two rings before Yvonne answered his call. "Hi babe, napatawag ka?"
"Let's have dinner tonight."
"Uhm...I'm afraid hindi puwede."
Kumunot ang noo niya. "Wala kang schedule nang tanungin ko ang handler mo kaninang umaga."
"I'm leaving for Sudan to shoot my show's anniversary special."
"At ngayon mo lang sinasabi 'to sa akin?!" hindi niya napigilang magtaas ng boses.
Isa ito sa kinaiinisan niya kay Yvonne, biglang aalis nang hindi nagpapaalam. He understands that being a TV personality is not easy. Pero sa loob ng isang taon nilang relasyon, mabibilang ang mga pagkakataong nagkasama sila nang matagal. Conflicting ang schedules nila. The fact that they're dating in secret is not helping either.
"Come on, Max. 'Wag ka nang magalit. One week lang naman akong mawawala. I promise I'll spend more time with you pagbalik ko."
Punong-puno na siya sa mga pangako nitong hindi naman natutupad. His eyes narrowed at the velvet box on his hand. Lagi na lang niyang pinagbibigyan si Yvonne. Kaya siguro namihasa na.
"Pag umalis ka, wala ka nang babalikan."
"B-Babe! I know you don't mean that. I have to go. I love you!"
Sa inis ay naibato niya ang cellphone.
I need a drink.
"JAN, MAG-BREAK ka na," sabi ni Stanley.
Para siyang may kuya. Istrikto ang lalaki sa trabaho pero maayos itong makisama. Hindi niya inasahang mag-e-enjoy siya sa unang gabi niya sa trabaho.
"Yes, boss."
Imbes na sa break room siya tumambay, sinamahan niya si Stanley sa bar. Pero itinaboy siya ng lalaki kaya napilitan siyang maupo sa isa sa mga stool sa labas.
"Ano'ng gusto mo? Treat ko," tanong nito sa kanya pagkasampa niya sa stool.
"Piña colada please."
"Coming right up."
Pagdating ng order niya ay iniwan na siya ni Stanley. Fifteen minutes lang ang break niya kaya dapat na niyang bilisan. Paalis na sana siya sa stool nang biglang may humarang sa kanya.
"Excuse me." Hindi niya kilala ang lalaki pero kung makangiti akala mo close sila.
"Can I buy you a drink?"
"No, thank you."
"How about a dance?"
Hindi ba ito makaintindi?
Gusto niyang bulyawan ang lalaki pero nagpigil pa siya. "Look, I need to get back to work. My break time is over."
"Marlon!" Isang babae ang biglang sumulpot. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin kay Jan.
"Harriet..."
"Who is she?" matalim ang mga matang tanong ng babae sa kasama.
"S-She approached me f-first."
What? "Hoy! Ikaw 'tong lumapit!"
"You b***h!"
Napaatras si Jan sa nakikitang bangis sa mukha ng babae. Inunahan kaagad siya ng takot. Pero bago pa may mangyari ay may sumingit sa kanila.
"'Yang boyfriend mo ang rendahan mo at nang hindi makawala."
"Max..." sambit niya nang malingunan ang nagsalita.
"You want me to kick you out, Harriet?" banta ni Maxwell.
Namutla ang babae, hinila ang kasamang lalaki na parang tatakas. "M-Max...I-I didn't know. Pasensya na."
"Kay Jan ka mag-sorry," Walang kangiti-ngiting utos ng binata.
"S-Sorry."
"Now, get lost. Naaalibadbarad ako sa pagmumukha n'yo."
Nakahinga ng maluwag si Jan nang makaalis ang dalawa. Pagbaling niya sa binata para magpasalamat ay tuluyang nalulon ni Jan ang mga sasabihin nang bumanat uli si Maxwell.
"Sinusundan mo ba ako?" akusa ng binata.
Bakit ba sa tuwing magpapasalamat siya ay ganito ang napapala niya? Tuloy ay hindi niya mapiglang pumatol.
"Wow! Petronas Tower ang level ng kakapalan ng mukha. Hindi ka araw para maging sentro ng solar system. Dito ako nagtatrabaho!"
"Then why are you not working?"
"May tinatawag na break time, asshole!"
"May proper break room ang mga empleyado dito. Ah, so you're like your sister," parungit ni Max.
Kumunot ang noo niya. "What's that supposed to mean?"
Max smikred. "Your sister is a Grade-A gold digger."
She literally saw red. Walang pagdadalawang-isip na sinipa niya ang binti ni Maxwell, sapol sa ibaba ng knee cap. Steel toe lang naman ang suot niya ngayon. His exclamation of pain was satisfying to her ears.
MALAPIT nang magtanghalian nang magising siya kinabukasan. Pagbaba ni Jan sa kusina ay napa-double take siya. Wala nang laman ang china cabinet ng Mommy nila.
"Menchu, nasaan ang collection ni Mommy?"
Malungkot na umiling si Menchu. "May dumating na tao kanina, mukhang Chinese. Kinausap ng ate mo. Pagkatapos hinakot na nila lahat."
Napapikit siya sa nararamdamang frustration. Ano ba ang gagawin niya sa kapatid? Baka matuluyan ang Mommy nila 'pag nalaman ang ginawa ng Ate niya.
"Nasaan si Ate?"
"Nasa pool."
Naabutan niyang nagpapaaraw ang kapatid, naka-two piece red bikini at sunnies.
"Ate!"
"Yes?"
"Bakit mo ibinenta ang collection ni Mommy?!"
Patamad na bumangon si Rebecca. "Paabot nga n'yan," turo nito sa bote ng sun screen na nakapatong sa mesang nasa likod ni Jan. Padabog na dinampot iyon ng dalaga at inihagis sa kapatid.
"Kailangan natin ng pera. Aanhin naman naman natin 'yon kung tirik na ang mga mata natin sa gutom," balewalang sagot ni Rebecca habang nag-a-apply ng lotion sa mga binti.
"Kailangan natin o kailangan mo? Ate naman! Wala ka ba talagang pakiramdam? Hindi mo dapat ginalaw ang collection ni Mommy!"
Tumigil si Rebecca. "Kung nandito si Mommy ngayon, tingin mo hindi niya pakakawalan ang china collections niya para mabuhay tayo?"
"Kahit na!" Napapadyak na siya. "Siya dapat ang magdesisyon sa bagay na 'yan."
Umiling ang kapatid niya. "Matalino ka pero hindi mo ginagamit ang utak mo. Mag-aral ka na lang, 'wag mo akong pakialaman sa diskarte ko. Ibibigay ko sa 'yo ang kalahati, para may dagdag kang panggastos. Sapat na 'yon para tustusan ang pag-aaral mo hanggang maka-graduate ka. Ang gastusin sa ospital, gagawan ko ng paraan. Naghahanap na rin ako ng malilipatan natin, magtiis ka muna."
Parang binuhusan ng nagyeyelong tubig ang galit niya. May kung ano'ng bumara sa lalamunan ni Jan.
"Ate..."
Tapos nang mag-lotion si Rebecca. Nahiga uli ito. "Kung wala ka nang sasabihin, lumayas ka na sa harapan ko. You're blocking my sun."
"Miss Jan, may bisita po kayo," anunsyo ni Menchu.
Lumitaw sa likuran nito si Maxwell. Naka-beige shorts ito, brown loafers on his feet and untucked blue gingham button down shirt. Kung laid back ang attire ng binata, kabaliktaran ang mukha nito. Napasulyap si Jan sa binti ni Max. Wala siyang maramdamang pagsisisi nang makita ang nangingitim na pasa doon.