PIKIT-MATANG inabot niya ang nag-iingay na alarm clock at ini-off. Para lang mabulahaw ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto.
"Ma'am, gising! Si Madam Regina!"
Napabalikwas siya ng bangon. Mabilis niyang isinuot ang robe na nakasampay sa isang upuan. Hindi na siya nag-abalang magtsinelas.
Pagbukas niya ng pinto ay ang namumutlang mukha ni Menchu ang nabungaran niya. Mangiyak-ngiyak ang katulong nilang mas bata sa kanya ng dalawang taon. Agad ang pag-ahon ng kaba sa dibdib niya.
"S-Si Madam ho, h-hinimatay sa kitchen pagkatapos makatanggap ng tawag!"
Patakbo siyang bumaba, dumiretso sa kusina. Naabutan niyang inaasikaso ng dalawa pa nilang katulong ang Mommy niya. Nakabukas ang malaking TV. Nakahiga ang Mommy niya sa divan sa tabi ng bintana.
Pakiramdam ni Jan ay sasabog ang dibdib niya sa kaba. Nakailang lunok muna siya bago nakapagsalita. "Tumawag na ba kayo ng ambulansya?"
"On the way na po sila," ang kusinerang si Tessa ang sumagot.
May sakit sa puso ang Mommy niya kaya kaunting kibot ay ospital agad. Kahit parang nanghihina na siya sa sobrang takot ay pinilit ni Jan na kumalma.
"Si Ate?" tanong niya habang pumupuwesto para mag-CPR kay Regina.
"Maagang umalis," si Menchu.
Itinapat niya ang magkabilang palad sa dibdib ng ina at nagsimulang isagawa ang CPR. Pagkatapos ay tsinek niya ang paghinga nito. Wala pa rin. Inulit uli ni Jan ang ginagawa pero sa malas ay walang response ang Mommy niya.
Come on, Mom!
Nag-uunahanan ang pawis at luha niya sa mukha. Hindi pa rin siya tumigil. Mayamaya ay naramdaman niya ang paghawak ng kung sino sa balikat niya.
"Ma'am, hintayin na lang ho natin ang ambulansya."
"Kailanganng i-CPR si Mommy!"
"Baka lalong makasama kay Madam 'pag pinilit n'yo," si Menchu.
May point si Menchu. Hindi siya medical practitioner, CPR lang ang alam niya. Sumusukong napaupo si Jan sa bandang paanan ng ina. Hilam sa luhang pinagmasdan niya ang maputlang mukha ng Mommy niya. She hated how helpless it made her feel.
"Ma'am, i-angat po natin ang paa ni Madam." Binigyan siya ng dalawang cushion ni Tessa.
Right. Her mother's feet should be above heart level. Walang kibong tinanggap niya ang cushion at ipinatong ang mga paa ng Mommy niya doon.
God! Bakit ang tagal ng ambulance?
"Flash report. Natagpuang patay sa kanyang opisina ang singkwenta y nueve anyos na negosyanteng si Manuel Cordova, may-ari ng Pleides Philippines. Para sa iba pang detalye, i-re-report ni Maurice David. Maurice?"
"Yes, Andrew. Nandito kami ngayon sa Jose Garcia Building sa Makati kung saan naroon ang head office ng Pleides Philippines, isang import and export company na itinatag noong nineteen sixty three ng yumaong mga magulang ni Manuel Cordova. Natagpuan ng kanyang sekretarya si Mr. Cordova na wala nang buhay sa kanyang opisina bandang alas diyes singko ng umaga kasunod ng declaration of bancruptcy ng kumpanya..."
Marami pang sinasabi ang reporter pero wala nang maintindihan ang dalaga. Jan literally felt her world came crashing down.
HER MOTHER fell into a coma. Nagkaroon ng aberya ang ambulansya kaya hindi agad nakarating. Sabi ng mga doktor ay kinapos ng oxygen ang utak ng Mommy niya. Si Rebecca ay nawalan ng kibo, kundi man tulala ay lasing sa alak. Pakiramdam ni Jan nag-iisa siya sa mundo. Mabuti na lang at laging nakaalalay ang kaklase at kaibigan niyang si Anne.
She went through the notions, half-aware of what's happening. Habang nag-fi-fill up siya ng mga forms para sa burol ng ama ay wala siya sa sarili. Hindi naman niya maasahan ang Ate niya.
Her sister fared no better than her. Tingin ni Jan sa kapatid ay parang robot; gumagalaw pero walang pakiramdam. Hindi na ito umaalis ng bahay. Rebecca was just there but not really there. Madalas naiinggit siya sa kapatid. Gusto niya ring takasan lahat ng nangyayari.
Ulilang lubos ang Mommy niya at nasa ibang bansa ang mga kapatid. Nagpadala naman ang mga ito ng tulong pinansyal nang mabalitaan ang nangyari sa pamilya nila. Ang natitirang kapatid naman ng Daddy niya ay sa Mindanao nakatira at bed ridden na. Hindi rin naman niya mapipilit ang mga pinsan dahil medyo hirap din sa buhay.
Sa araw ng libing ng ama, sumaglit muna si Jan sa hospital room ng Mommy nila. Hirap na hirap ang kalooban niya habang pinagmamasdan ang inang wala pa ring malay. 'Pag hindi ito tuluyang nagising, paano na sila?
Mommy, gumising na po kayo. I'm scared. I need you.
"Girl, tara na," pukaw sa kanya ni Anne.
Tumango siya. Bago umalis ang dalaga ay hinalikan niya ang ina sa noo.
"Alis na po ako, 'My. Daddy has suffered too much, it's time to let him go. Pero ikaw, 'wag muna ha? Nandito pa kami ni Ate. Kailangan ka pa namin."
Pinigl niya ang pag-iyak. Hangga't kaya, ayaw niyang ipakita sa ina na nadudurog siya sa bawat dalaw niya dito. Her mother doesn't need to see her crumbling.
I'll be strong for all of us, Mom. But please, hurry.
DALAWANG araw matapos ang libing ng ama ay dumating si Atty. Vasquez, ang abogado ng Daddy nila. Somehow, Jan sensed he brought bad news. Kaya hindi na siya nagulat nang marinig ang katotohanan.
"Y-You mean, walang matitira sa amin?" namamaos na tanong ni Rebecca.
"Yes."
Nahilot ni Jan ang sentido. Wala siyang ideya na lubog na lubog na talaga ang kabubayan nila. Wala na silang maisalba alin man sa mga pag-aari ng ama.
"Ang pera ni Daddy sa bangko?" tanong niya.
Umiling si Atty. Vasquez. "Kasama na 'yon. Sa laki ng pagkakautang ng Daddy n'yo sa iba't ibang bangko at private individuals, wala nang natira. Kahit itong bahay at lupa, naisanla ni Mr. Cordova ang titulo two years ago."
Napadilat si Jan. "Saang bangko po?"
"Hindi bangko kundi kay Maximo Quintanar."
Daig pa ng dalaga ang pinasabugan ng bomba habang nasa ilalim ng tubig. Saan sila pupulutin ngayon?
"Anyway, 'yan lang ang ipinunta ko dito. Anumang araw mula ngayon, baka kontakin kayo ng mga Quintanar. I suggest maghanap na kayo ng malilipatan habang maaga pa. Good day, ladies."
Matagal nang nakaalis si Atty. Vasquez pero hindi pa sila kumikilos ng kapatid sa kinauupuan. Manhid ang pakiramdam ni Jan. Parang na-blender ang utak niya. Idagdag pang malapit na rin pala ang midterm exams niya. Hindi pa siya nagbabayad ng tuition.
"Magkano ang pera mo sa bangko?" Mayamaya ay narinig niyang tanong ni Rebecca.
"N-Nasa five hundred thousand lang, Ate."
"Ibigay mo sa akin ang kalahati. I need money to execute my plans," matalim ang mga matang utos ni Rebecca.
"Are you crazy? Nasa ospital si Mommy, saan tayo kukuha ng panggastos kung gagalawin mo ang savings ko? Ikaw ang may trabaho, estudyante lang ako. Siguro naman mas malaki ang naipon mo. "
"Wala akong savings," amin ni Rebecca.
"What?"
"I'm going to go all out in seducing Maxwell. Siya na lang ang pag-asa natin ngayon."
"Ate naman! Kung gusto ka ni Max, matagal mo na siyang nakuha," exasperated na sambit niya.
"Kaya nga bigyan mo ako ng pera. Kailangan kong makasama sa cruise na sasamahan ni Max sa susunod na linggo. 'Pag nakuha ko si Max, wala na tayong problema sa pera." Nilapitan siya ni Rebecca at ginagap ang mga palad niya.
Kahit anong justify niya sa isipan sa mga pinagsasabi ng kapatid ay hindi niya magawang umoo. Sugal ang plano ng Ate niya. Sa pagkakakilala niya kay Max, strict ito pagdating sa usaping pinansyal. Kaya nga nahahanay ito bilang isa sa pinakabata at magaling na negosyante ng bansa.
Jan shook her head. "I'm sorry, Ate. Hindi ko kayang isugal ang perang 'yon. Si Mommy ang priority ko."
Bumakas ang pagkairita sa mukha ni Rebecca. Pabigla nitong binitiwan ang mga kamay niya. "Wala ka talagang silbi! Bahala ka na nga sa buhay mo!"
Tuloy-tuloy na umalis ang kapatid niya. Parang nauga ang buong library sa lakas ng pagkakasara ni Rebecca sa pinto. Nanginginig ang babang pinigilan niya ang maiyak.
"Ma'am?"
Nalingunan niya si Menchu sa pinto, kasama ang iba pa nilang kasambahay. Anim lahat ang kasambahay nila, kasama na ang hardinero at dalawang driver. Lahat ngayon ay nakapila sa labas ng library. Nagbilin nga pala siya kay Menchu na ipatawag silang lahat.
"Pasok kayo."
Nang makumpleto ang lahat ay humugot ng hininga ang dalaga at diretsong tinitigan ang mga kaharap.
"Tatapatin ko na kayo, hindi ko na kayo kayang pasuwelduhin. Bukas na bukas din ay kailangan n'yo nang umalis at maghanap ng bagong amo."
"Pero Ma'am, biglang-bigla naman ho 'ata?" si Tessa. Maluha-luha ang babae.
"Pasensya na kayo. Kagagaling lang ni Attorney Vasquez dito. Hindi na kami ang may-ari ng bahay. Pinapaalis na kami ng bagong may-ari. 'Wag kayong mag-alala, hanggang katapusan pa rin naman ang ibibigay kong sahod n'yo."
Mula sa isang drawer ay inilabas niya ang mga sobreng naglalaman ng huling sahod ng mga kasama nila sa bahay. Ilang sandali pa ay isa-isa nang nagpaalam ang mga ito. Lahat ay nangako ng tulong kung sakaling kailanganin niya 'yon.
Pigil ang luhang pinasalamatan ni Jan ang mga ito sa paglilingkod sa pamilya nila. Si Menchu ay parang walang balak umalis. Wala na ang mga kasama nito ay nasa pinto pa rin ang babae, hawak sa dibdib ang sobre.
"Menchu? May nakalimutan kang sabihin?"
"M-Ma'am, pwede ho bang isama n'yo na lang ako sa lilipatan n'yo?"
"Ha?"
"Kahit walang sweldo, Ma'am. Makakain lang ako ng tatlong beses sa isang araw, okay na 'yon. Isa pa, hindi kayo sanay sa gawaing bahay. 'Pag nakalabas ng ospital si Madam, kakailanganin n'yo ng mag-aalaga sa kanya," pangungumbinsi ni Menchu.
May punto ang babae. Pero unfair dahil hindi ito susuweldo. "Menchu---"
"Ang totoo ho, wala na akong uuwian sa probinsya. Alam n'yong patay na ang mga magulang ko. Hirap din sa buhay ang mga kapatid ko."
"Tutulungan kitang maghanap ng bagong amo kung gusto mo."
Actually si Anne ang iniiisip niya. Restauranteur ang Mommy nito at may catering business. Sisiw lang kay Menchu ang trabaho kung sakali. Mabait din sa mga tauhan si Mrs. Yulo.
Umiling si Menchu. "Noong pinalayas ako ng huli kong amo dahil nakabasag ako ng mamahaling plato sa party, kinuha nila ako. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko alam kung saan ako pupulutin."
"Pero sigurado kang ayos lang na walang suweldo?"
"Opo, Ma'am."
For the first time since tragedy strucked her family, she smiled. "Sige. Thank you, Menchu."
"Thank you din, Ma'am."
Hindi na umuwi ng bahay ang Ate niya nang sumunod na araw. Tinatawagan niya ang kapatid pero naka-off ang cellphone nito. She hoped her sister is okay kahit pa galit ito sa kanya. After all, ang kapatid ay kapatid kahit baliktarin man niya ang mundo.
Dahil wala na silang kotse, mapipilitan na siyang mag-commute sa araw-araw. Sinamahan siya ni Menchu. Tinuruan siya ng babae kung anong dapat niyang sakyan, saan dumadaan at saan siya dapat bumaba. Hindi siya marunong makipagbalyahan sa sakayan at nahihiya siyang makisiksik. Iyon ang unang natutunan niya sa babae.
Nang marating nila ang school niya ay maraming bilin si Menchu. Pakiramdam ni Jan ay para siyang kindergarten at first day niya.
"Uuwi muna ako. Mamaya susunduin kita, hindi mo pa kabisado ang pabalik. Isang oras bago ang uwian, nandito na 'ko," sabi ni Menchu.
"Mag-ta-taxi na lang ako, Menchu." Nanliliit siya. Kung ikukumpara kay Menchu, wala siyang alam sa buhay.
"Hindi pwede Miss Jan." Napapayag nga niyang 'wag na siya nitong tawaging Ma'am pero Miss Jan naman ang ipinalit. Ayaw naman nitong tawagin siyang Ate. "Baka kung saan ka dalhin ng driver. Gastos lang ang taxi. Kailangan mong magtipid."
"Titigil ako sa susunod na sem. Maghahanap ako ng trabaho," aniya.
"Ikaw ang bahala. Magpaka-masteral ka sa pagko-commute. Papayagan lang kitang mag-isa 'pag ekspert ka na."
Natawa na lang si Jan. Thank god for Menchu.