4

1948 Words
"I WANT you out of my property immediately," sabi ni Max. "Max!" Napabangon si Rebecca. Malapad ang ngiti nitong sinalubong ang lalaki. Parang wala itong narinig. "Hindi ka man lang tumawag, sana nakapaghanda kami." Max sidestepped to avoid her sister. Saglit na nawala ang ngiti ni Rebecca pero agad ring nakabawi. "Uhm...we've been looking for a new place to stay." "Hindi ako komportableng may ibang tao sa pamamahay ko. I'll give you until tomorrow." "B-But may bahay ka naman. Bakit dito?" hindi nakatiis na tanong ni Jan. "Hindi ko obligasyong magpaliwanag." "Baka pwedeng---" Walang salitang tinalikuran na sila nito. "Ugh! Bwisit talaga siya!" KINAUMAGAHAN ay wala na ang Ate Rebecca niya nang magising si Jan. Iniwan nito sa vanity table niya ang isang sobre na naglalaman kulang-kulang kalahating milyon. Extensive ang collection ng Mommy nila. Hindi na nakapagtataka kung ganoon kalaki ang napagbentahan. Duda niya pati ang Ming vase sa library ay kasama sa binenta ng kapatid. Pagkatapos ng klase ay dumiretso sila sa ospital. Hindi pa man siya nagtatagal sa pagkakaupo nang dumating ang isang hospital staff. Pinapatawag daw siya sa admin. "Ikaw na muna dito Menchu ha," bilin niya. "Sige, Miss Jan." Sumunod siya sa staff sa opisina ng Admin. Pagdating niya doon ay inalok siyang maupo ng head. Bata pa pala ang head, tantiya ni Jan ay lagpas thirty years old lang ang lalaking nakaupo sa swivel chair. "I'm Juniel Fernandez, nice meeting you Miss Cordova." Tinanggap ni Jan ang kamay nito. The man's grip is warm and strong. "Same here, Mr. Fernandez." "Pasensya ka na kung biglaan. Tungkol ito sa hospital bill ni Mrs. Cordova," panimula ni Mr. Fernandez. Napalunok si Jan. Hindi pa sila nakakapagbayad this week. Dapat every week silang nagbabayad para kahit paano hindi lumobo ang bill nila. Kaso sa mahal ng mga gamot at aparatong nakakabit sa Mommy nila, umabot ng kulang kulang three hundred thousand ang gastos sa unang linggo ng ina sa ospital. "Pasensya na ho, Mr. Fernandez. Na-delay lang ng kaunti, pero magbabayad naman ho kami." "Bakit hindi n'yo ilipat sa ibang ospital si Mrs. Cordova? May sister hospital kaming malapit lang sa inyo, mas mura." "P-Pero sir, kumpleto ang facilities ninyo dito. Bukod sa comatose siya, mahina ang puso ni Mommy. Kaya nga ho dito namin siya dinala dahil nandito ang mga specialist sa kaso niya. I-I can't gamble on my Mom's life." "It's just that---" "Alam ko ho ang concern n'yo, naiintidihan ko rin po kayo. Pero sana naman maintindihan n'yo rin ako. Hindi ho kami tatakas sa bayarin namin dito. Bigyan n'yo lang ho ako ng panahon," pakiusap niya. "Alright. Pero hanggang two weeks lang ang maibibigay ko, Miss Cordova. Magkakaroon ng audit by the end of two weeks, I can't buy you time anymore. Masisipa ako sa trabaho." "Thank you, Mr. Fernandez! Maraming-maraming salamat po talaga." Parang lumuwag ang dibdib ni Jan nang makalabas sa opisina. Hindi man permanent solution pero importante para sa kanya ang panahon. Noon pumasok sa isip niya si Max. Ano kaya kung subukan niya ang ang suwerte niya ngayon? Dali-dali siyang bumalik sa kuwarto ng Mommy niya. "Menchu, dito ka muna. May pupuntahan lang ako." "Ha? Naku, sasamahan kita." "Hindi na," tanggi niya. "Pupunta ako sa bahay ni Max. Susubukan ko kung puwede niya tayong bigyan ng mas mahabang palugit. Malapit lang naman dito ang bahay niya. Mag-ta-taxi na 'ko. Kung gusto mo, samahan mo ako hanggang sa taxi bay para makita mo ang plate number." "Sige." Hindi nagtagal ay nasa tapat na siya ng gate ng bahay ni Maxwell. Nasa iisang subdivision lang nakatira si Anne at Maxwell kaya inakala ng security guard sa gate na kay Anne siya didiretso. Pagkatapos niyang magbayad ay nagdoor bell siya. Nakapagtatakang walang sumasagot. Nakabukas naman lahat ng ilaw pero bakit parang walang tao? Sinubukan uli niya pero wala pa rin. Nanlulumong napasandal sila sa pedestrian entrance. "Ay!" bulalas niya nang gumalaw ang kinasasandalan. Kung hindi siya agad nakakapit sa gilid ay bumagsak na siya sa semento. Why is this open? Cautiously, she pushed the door a little wider. Kita niya sa kinatatayuan ang front door na nakaawang. Weird. Wala namang lumabas para pagbuksan siya. Hindi ba siya narinig ng mga tao sa loob? Imposible namang walang katulong si Maxwell. "Tao po? Hello?" Katahimikan ang sumalubong sa kanya kaya naglakas-loob na siyang ituloy ang pagpasok. The house is empty. Ginalugad na niya ang kusina, living room, pati servant's quarters. Naikot na niya ang buong ground floor pati poolside pero wala talaga. Umakyat siya sa second floor. Nakaamoy na siya ng hindi maganda nang ma-confirm na walang tao alin man sa mga kuwarto ng bahay, kasama na ang master's bedroom. The moment she entered the blue room, nasiguro niyang kay Max 'yon. Kagaya ng may-ari, the room oozed a commanding aura. Library na lang ang hindi pa niya napupuntahan. Hula niyang doon nagkakampo si Max 'pag may uwing trabaho. Nasa pinakadulo ng hallway ang huling silid na hindi pa niya napapasok. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto. "Max?" Nang walang sumagot ay tuluyan niyang binuksan 'yon. What she saw had her gasping in horror. "Oh my god!" Nakahandusay sa sahig si Maxwell, nagsu-swimming sa sariling dugo. Umagos mula sa makintab na sahig papunta sa carpet ang dugo ng binata. Jan dropped on her knees beside him. Nanginginig ang mga kamay na inilabas niya ang cellphone. "No, no, no!" Tarantang inalog niya ang cellphone. Drained na ang battery niya. Napasulyap siya sa binata pero lalo lang siyang nataranta. Maxwell's skin looked pasty. Think, Jan Marie! Sinubukan niya ang landline. Walang dial tone. Mangiyak-ngiyak siya sa frustration. Binalikan niya uli si Max, pikit-mata niyang kinapa ang bulsa nito. Thank God! Nasa seventy percent pa ang battery ng cellphone ni Max. Problema naman niya ngayon ang screen lock. Kagat-labing sinubukan niya ang kahit anong maisip pero wala talaga. Hindi sinasadyang napatingin Siya sa pantalon ni Maxwell. Agaw pansin ang kumikinang na letrang "M" sa sinturon nito. That's it! Halos takasan siya ng lakas sa naramdamang relief nang bumukas ang screen lock ni Max. Mabilis siyang nag-dial ng emergency number. Sa ospital kung saan naka-confine ang Mommy ni Jan dinala si Maxwell. Dumating si Carmen kasama si Maximo pagkatapos niyang ipaalam ang nangyari sa binata. "What happened?" tanong ni Maximo habang naghihintay sila sa labas ng emergency room. "N-Naabutan ko po siyang duguan sa library. K-Kaya pala walang sumasagot kahit nag-do-doorbell ako," sabi niya. "Bakit ka nasa bahay ng apo ko?" "M-Makikiusap ho sana akong bigyan pa niya kami ng kaunting panahon. Hindi pa ho kasi kami nakakahanap ng malilipatan." Nailing si Maximo. "Maghanap muna kayo ng malilipatan. Ako'ng bahala kay Maxwell." "Thank you po." "No, thank you. Kung hindi ka dumating baka kung ano na ang nangyari kay Max." Noon bumukas ang pinto ng emergency room. "Doc, how's my son?" "He needs surgery immediately to drain the fluids caused by bleeding in his brain. Bago pa mag-build up ang pressure at mag-cause ng additional damage." Carmen burst into tears. LATANG-LATA ang pakiramdam ni Jan nang makauwi sila sa bahay. Pabagsak siyang naupo sa sofa. Diretso naman sa kusina si Menchu. Pagbalik nito ay may dalang isang baso ng malamig na tubig at isang bungkos ng mga sobre. "Inumin n'yo muna 'to. Dumating nga pala 'to kaninang umaga." Inabot ni Menchu sa kanya ang mga sobre. Kinalas ni Jan ang pagkakatali. Habang paisa-isa niyang binabasa ang mga 'yon ay nararamdaman niya ang pagpitik ng sakit sa bandang sentido. Puro bayarin. Kuryente, tubig, subscriptions at kung ano-ano pa. "Okay ka lang, Miss Jan?" tanong ni Menchu. Malungkot na ngumiti si Jan. "Masasanay din ako, Menchu. Makakaraos din tayo. Sa ngayon, tiis muna." Biglang nag-ring ang cellphone ni Jan. Nangunot ang noo niya dahil hindi pamilyar ang number na nasa caller ID. Tinanggap niya ang tawag baka importante. "Hello, si Miss Jan Marie Cordova ho ba 'to?" boses lalaki ang nasa kabilang linya. Maingay sa back ground. "O-Opo. Sino po sila?" "PO3 Regan Palma po ng Manila Police District, Ma'am. Kakausapin daw kayo ng kapatid n'yong si Miss Rebecca." Gumuhit ang lamig sa gulugod ng dalaga. Bakit nasa presinto ang Ate n'ya? "S-Sige po." "Hello, Jan? Puntahan mo ako dito." "Ano'ng ginagawa mo d'yan, Ate?!" "Mahabang kuwento. You still have the money, right? Kausapin mo si Attorney, ilabas kamo niya ako dito. I don't want to sleep here tonight!" "A-Ate, bawas na po 'yong pera." "Okay lang. Kailangan ko lang ng pangpiyansa." "Sige. Hintayin mo kami d'yan." Pagkatapos nilang mag-usap ay mabilis na tinawagan ni Jan ang abogado ng pamilya. Sabi nito ay magkita na lang sila sa presinto. Pagdating doon ay naabutan niya ang kapatid na magulong-magulo ang buhok. "Ate! Ano'ng nangyari?" "Your sister is charged with assault. Nasa ospital ang nakaaway niya," sabi ng abogado nila. "f**k you! It was self-defense!" pagtatama ni Rebecca. "My client suffered multiple injuries. Hindi mukhang self-defense 'yon. Anyway, hindi kami magdedemanda kung sasagutin n'yo ang bayarin sa ospital. Pwede naman nating pag-usapan nang maayos." "Sinasabi ko na nga ba! Peperahan lang kami ng babaeng 'yon! Kunwari siya ang biktima!" bulalas ni Rebecca. Hindi pinansin ni Jan ang kapatid. "Attorney, payag kayo sa isang amicable settlement?" "Yes. Ayaw din ng kliyente ko na umabot pa sa korte 'to. It is a waste of time sa amin at sa inyo. Maraming witness ang client ko na ang kapatid mo ang nagpasimuno ng gulo." "Hindi ako papayag!" si Rebecca. Helpless na napatingin kay Jan ang abogado nila. Tumango ito sa kanya. "Sige po, papayag kami." "Jan!" Inilayo siya ng kapatid, dinala siya sa sulok malapit sa bintana. "Peperahan lang tayo ng babaeng 'yon!" "Kaysa naman mag-drag on pa sa korte. Saan tayo kukuha ng pambayad sa abogado?" Nakita ni Jan ang pagdaan ng pag-aalinlangan sa mga mata ng kapatid. "At ano'ng gusto mong gawin ko, hayaan na perahan tayo?" Jan stuffed her hands on her pockets. Pakiramdam niya masasakal niya ang kapatid. "May pagpipilian ba tayo?" Walang naisagot si Rebecca. "Okay lang kahit hindi mo gampanan ang pagiging panganay. 'Wag mo na sanang dagdagan ang problema." She turned and left her sister. HINDI alam ng dalaga kung paanong hindi pa siya bumabagsak sa tindi ng mga naranasan niya nitong nakaraan. Puyat man ay nairaos niya ang exams. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi na siya sinundo ni Menchu. 'Yon lang panay ang text sa kanya. Sinabi niya kay Menchu na dadaan muna siya ng ospital bago umuwi. Nag-alok si Anne ng hatid, hindi niya tinanggihan. Sayang din ang pamasahe sa taxi. Pagbaba niya sa ospital ay dumiretso si Jan sa ATM machine sa gilid mismo ng ospital. Nanlumo siya nang makumpirma ang natitirang pera. Mahigit three hundred thousand na lang ang natitira. Sa susunod na linggo ay magbabayad na naman sila sa ospital. Hindi na yata aabot 'yon hanggang katapusan ng buwan. Tinext niya ang kapatid. Mayamaya ay tumawag ito. "Ikaw na muna ang bahala kay Mommy. Mawawala ako ng three months, may training kami sa Singapore. Mag-a-advance ako ng suweldo sa trabaho para may panggastos ka. Check mo rin ang e-mail mo, nandoon ang detalye ng bago nating titirhan. Lumipat ka na agad," tuloy-tuloy na bilin ni Rebecca. "P-Paano ang bills ni Mommy sa ospital?" "May iniwan akong promisory note sa mesa ko sa kwarto. Isang buwan lang ang kailangan natin, Jan. After a month magpapadala ako ng pera. I promise when I get back, hindi mo na sosolohin lahat." "Ate..." "Sige na, marami pa akong gagawin. Bye." Litong tinitigan lang niya ang cellphone. Alam niyang walang magagawa ang promisory note ni Rebecca. Sagad na ang binigay sa kanyang palugit ni Mr. Fernandez. Ayaw din naman niyang malagay sa alanganin 'yong tao. Sila na nga ang binigyan ng pabor. Ano'ng gagawin mo, Jan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD