5

1940 Words
PAGLABAS niya ay nagulat na lang siya nang hawakan siya ng kung sino sa magkabilang braso. "Careful, iha." "Sorry po." Napasulyap si Maximo sa pinanggalingan niyang pinto. "May problema ba?" "Lumolobo na ho ang bill ni Mommy. Kamusta na ho si Maxwell?" "Nagpapagaling na lang. Naglabas na rin ng bulletin ang mga pulis para mahuli ang kasambahay ni Maxwell at kasabwat nito sa nangyari. Thank God for CCTVs." "That's good." Saglit siyang tinitigan ng matanda. "May proposal ako sa 'yo, iha. Gusto mo bang marinig?" "S-Sige po." Sana lang ay hindi niya kailangang magbenta ng kaluluwa para sa proposal na 'yon. "Magpanggap kang fiancee ni Maxwell." "A-Ano ho?!" Binayo niya ang dibdib. Nabulunan siya ng sariling laway sa pagkabigla. "Okay ka lang, iha?" "Wag ho kayong mag-jo-joke nang ganoon, Mr. Quintanar. Hindi nakakatawa," maluha-luhang saway niya. "I'm not joking. May butas sa memory si Max nang magising. It's bad enough that the board doesn't approve of him because he's single. What more 'pag nalaman nilang may problema sa memory ni Max?" "Paano kung ma-in love sa akin ang apo n'yo?" pananakot niya. "Lalong mabuti. Malay natin, ikaw lang pala ang hinihintay ni Maxwell para gustuhin niyang magkapamilya." "That won't happen, Mr. Quintanar," kontra niya. Nagkibit-balikat ang matanda. "I'm offering you a once in a lifetime chance.'Pag tinanggap mo ang alok ko, mawawala lahat ng alalahanin mo sa pera. Think of your mother." "Maniwala naman kaya si Max? Sa pagkakatanda ko, lagi akong sinusungitan ng apo n'yo." "Hindi kasama sa nakalimutan ni Maxwell na may babae siyang inalok ng kasal. Hindi ko alam na may itinatagong kasintahan pala ang apo ko. Mabuti na lang malabo sa alaala niya ang mukha ng babaeng 'yon. Hindi ako papayag na makasal sa kung sino lang si Maxwell." "Hindi kukuha ng pipitsuging babae ang apo n'yo," sabi niya. Umiling ang matanda. "It doesn't matter kung mahirap o mayaman ang babae. Ang importante, mahal niya ang apo ko at hindi ang pera niya. I want him to find love." "Hindi ko mahal ang apo n'yo. Pera lang din ang hahabulin ko sa kanya." "That what makes you the best choice. Umpisa pa lang malinaw na ang intensyon mo. Isa pa, baka matutunan mo rin siyang mahalin. Maxwell is not that bad. Kung sakaling yayain ka ni Max na magpakasal, 'wag kang mag-alala dahil sisiguruhin kong mapapawalang-bisa ang kasal n'yo." "Gaano ho katagal ang pagpapanggap ko?" "Hangga't kailangan." Nakakatukso ang alok ng matanda. Sa isang kisapmata, mawawala lahat ng problema nila. Hindi lang 'yon, hindi na sila maghihirap. She doesn't have to give up her studies. Pero sa isang banda, kaya ba niyang pakisamahan si Maxwell? Hindi maganda ang impression na ibinigay nito sa kanya. Paano kung abutin ng fifty years bago bumalik ang memory nito? Plus, Maxwell is a virile man. Hindi yata niya kaya, virgin pa siya! Pero parang tuksong umalingawngaw sa isipan niya ang sinabi ni Maximo. Think of your mother. Bahala na ang X-Men. Jan squeezed her thigh. "I accept." KINOKONTAK niya si Rebecca pero hindi ito sumasagot. Gusto sana niyang sabihin sa kapatid ang gagawin para hindi ito magulat pag-uwi. O mas tamang sabihing gusto niyang magkuwento dito. Kung bakit hindi kay Anne niya ikinukuwento ay hindi rin niya maipaliwanag. Somehow, Jan felt her sister would understand. Humingi siya ng isang araw kay Maximo para paghandaan ang paghaharap nila ni Maxwell. Pinakiusapan niya ang matanda na magdahilan na lang sa binata kung bakit hindi pa siya nakakadalaw. Ang totoo ay naghahalo ang hiya niya sa ina ni Maxwell at kaba niya sa gagawin. But Maximo assured her that Carmen knows about the deal. Imbes na mapanatag ay lalo lang siyang nakonsensya. Kaya heto siya ngayon, paulit-ulit ang ginagawang paghinga sa labas ng suite ng binata. Parang tumutugtog na banda sa fiesta ang kabog ng dibdib niya. With one final intake of breath, she twisted the door knob. Gising na si Maxwell at nakatanaw sa bintana. Jan cleared her throat to grab his attention. "H-Hi," alanganin ang ngiting bati niya. Nangunot ang noo nito, parang kinikilala siya. "J-Jan Marie?" Namilog ang mga mata niya. Hindi niya inasahang natatandaan siya ng binata. Paano na ngayon? Parang gusto niyang tumakbo palabas. Hindi na matutuloy ang deal nila ng matanda, kilala siya ni Maxwell! "Babe? What took you so long?" Laglag ang panga ni Jan sa narinig. Babe? Sandali siyang nalito. Inakala nitong siya ang fiancee nito? Wala sana siyang balak lumapit sa higaan nito pero mukhang balak bumaba ng binata sa higaan. "No! Stay there. Baka kung mapaano ka," pigil niya kay Maxwell. Sa unang pagkakataon, ngumiti sa kanya si Maxwell. Jan was instantly blinded. Ganoon pala ang epekto ng ngiti nito. Hindi pa niya nararasan mangitian ni Maxwell. For a moment, she lost herself. "Are those for me?" Tukoy ni Maxwell sa hawak niyang bouquet ng rainbow roses. Paborito raw ni Maxwell 'yon. Siyempre, si Maximo ang nag-provide ng impormasyon. Lalabas namang weird na wala siyang kaalam-alam tungkol sa fiance niyang peke. "Y-Yes. Teka, ililipat ko muna sa vase." Nagkandabaluktot na yata ang dila niya. Hindi naman siya bulol. Pero hindi siya hinayaan ni Maxwell. Hinatak siya nito bago pa siya makatakas. Resulta, napasubsob siya sa katawan nito. Then his arms circled around her. "I'm sorry. Natatandaan kong nag-away tayo before everything happened. I was just bluffing when I said sa iba ko iaalok ang singsing. Ikaw naman kasi, magpo-propose na ako bigla kang lalayas," bulong ni Max sa tainga niya. Jan found it hard to breathe. Hindi lang siya sigurado kung ano ang dahilan; ang sinabi ng binata o sa higpit ng yakap nito sa kanya. Ang alam niya, naipon sa dibdib niya ang mga nagkakarerang grupo ng rhinoceros sa tindi ng pagkabog nito. "I-It's o-okay," she croaked. Sa wakas, binitiwan siya ng binata. His eyes searched her face. Hindi makatingin ng diretso si Jan. Pakiramdam niya ay mababasa ni Maxwell ang totoo 'pag sinalubong niya ang mga mata nito. "Saan ka nga ba ulit nagpunta?" tanong nito. "A-Ah...B-Boracay. Tama, sa Boracay ako nagpunta." "Boracay?" salubong ang kilay na tanong nito, "ano'ng ginawa mo doon?" "P-Para sa OJT ko. I'm a Culinary Arts student, remember? One year na lang graduate na ako." "Now I understand why tinanggihan mo ang proposal ko. Nag-aaral ka pa pala. God!" tinampal nito ang noo, "I'm such an inconsiderate ass." "Don't do that!" saway niya. "What?" nakangiting tanong nito, parang aliw na aliw na hindi niya maintindihan. "Kailangan mong ingatan ang ulo mo." Lalong lumapad ang ngiti ni Maxwell. Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. "Yes, Ma'am. Hindi na po mauulit." There goes her heart again. Napapansin niya, masyado ito kung makapag-react sa tuwing ngumingiti si Maxwell. Pasimple niyang hinagod ang tapat ng puso. Baka sakaling kumalma naman kahit slight lang. Na-ra-rattle siya sa pinanggagawa nito eh. At puwede ba, Maxwell Quintanar? Hinay hinay sa ngiti! Gusto niyang sabihin sa binata pero hindi niya ginawa. Baka tumalon siya sa bintana sa kahihiyan. MAX TURNED out to be a lot different from the man she knew. Sino'ng makakapagsabing capable din pala ng sweetness ang lalaki? Kahit ito ang pasyente, matindi pa kung mag-alala sa kanya. Sa tuwing dinadalaw niya ang binata, lagi siya nitong kinakamusta. "How's your Mom?" Pinagbabalat niya ng grapes ang binata. Ayaw nitong kumain 'pag may balat. "Stable naman kahit comatose pa rin." Naikuwento niya kay Maxwell ang nangyari sa Mommy niya pero hindi lahat. Sinadya niyang i-omit ang tungkol sa Daddy niya at kasalukuyan nilang estado sa buhay. Magtataka si Maxwell kung bakit bilang fiance ay hindi ito tumulong sa pamilya niya. Noong una ay nag-aalala siya na baka naaalala nito ang Ate niya. Mabuti na lang at kasamang nakalimutan ng binata ang ano mang tungkol kay Rebecca. Ang alam lang ni Max, kapatid niya ito. "How are you?" Natigil siya sa ginagawa. "Araw-araw mong tinatanong sa akin 'yan, ano ka ba." "But tell me, are you really okay?" Nanunuot ang mga titig ni Maxwell. All of a sudden, she felt the sting beneath her eyelids. Umahon sa puso niya ang itinatago niyang takot, lungkot at pag-aalala sa inang nakaratay. Napayuko si Jan, sinisikap na itago ang mukha sa binata. Hindi siya makapagsalita dahil may humaharang sa lalamunan niya. "'Yan na nga ba ang sinasabi ko. Halika nga dito." Umiling siya, pilit na pinaglalabanan ang nararamdaman. "Tatayo pa ba ako?" banta ni Max. "Oo na!" padabog niyang itinabi ang mga ubas. Busangot ang mukhang lumapit siya sa higaan nito. Hinila siya nito palapit nang mahagip ng kamay ni Maxwell ang braso niya. Then, he smoothed the crease between her eyebrows. "Wag kang sisimangot, lalo kang gumaganda. Baka naman kaya ka simangot nang simangot, gusto mo nang pakasalan kita?" Buti na lang hindi nalulunok ang dila. Siguradong nabulunan na siya. Parang magic, nakalimutan niya ang pamimigat ng dibdib. Pumalit doon ang bagong klase ng pagkabog. 'Pag ganito kalapit si Maxwell, pakiramdam ni Jan ay nag-declare ng permanent residency ang buong animal kingdom dibdib niya! "W-Wag ka ngang magbiro nang ganyan." "Upo ka." Walang angal siyang sumunod. Hindi pa rin bumibitaw si Maxwell. Parang batang pinaglalaruan ng hinlalaki nito ang ibabaw ng palad niya. The invisible circles he drew made her gasp involuntarily. May maninipis na kuryenteng gumagapang mula sa daliri nito papunta sa balat niya. Ewan niya kung aware si Maxwell doon. Basta siya, aware na aware sa epekto nito. She wanted to snatch her hand away but it would look odd. Engaged sila, natural lang ang ganoong skinship. Pero peke kayo. Ano man ang kilabot, kuryente, alon, ulan, bagyo o delubyong hatid ni Maxwell sa damdamin mo, hindi mo pwedeng i-entertain! Sa naisip ay bigla niyang binawi ang kamay. "It tickles," palusot niya. "Sorry. Marami akong nakalimutan. Pasensya ka na ha?" Napalunok si Jan nang sundutin siya ng konsensya. "O-Okay lang. Pasensya ka na rin, nabigla lang ako." Siya na mismo ang kumuha sa kamay ng binata. Jan gritted her teeth when the familiar zing from touching him came back, and it seems likely to stay. Pilit siyang ngumiti kay Maxwell para pagtakpan ang pagkaasiwa. "So, what's your answer?" Huh? Nagtanong ba siya? "Sa alin?" A dimple appeared on his left cheek when he smiled. Jan blinked. Kailan pa nagkaroon ng dimple si Maxwell? "Sa tanong na will you marry me?" She slipped off her seat, bagsak siya sa semento. Nakangiwi siyang tumayo. "Are you alright?" tanong ni Max. Parang gusto niyang singhalan ang binata at sabihing hindi siya okay. "O-Okay lang." "Umayos ka kasi ng upo. Dito ka, masyado kang malayo." Tinapik ni Maxwell ang space sa gilid ng kama nito. "So, ano'ng sagot mo?" Expectant ang mukha nito. "K-kasi ano...d-don't you think it's too soon?" Hindi niya napaghandaan ang sumunod na ginawa ng binata. His forefinger brushed against her cheek. Ramdam ni Jan ang pag-akyat ng init sa mukha niya. "I'm marrying you because it feels right when I'm with you." "M-Max..." "Please say yes?" May halong pagmamakaawa ang boses ng binata. Lumamlam ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya. And she found that look unbearably irresistible. "P-Pero kasi---" Kailan pa siya naging marshmallow sa lambot pagdating dito? Damn! Kaunti na lang bibigay na siya! Just then, Max drove the final nail into her coffin. He cupped her nape, bringing their faces closer together. Nagdikit ang mga noo nila. Nanlaki ang mga mata ni Jan. Nang tingnan niya si Max ay nakapikit ito. "Please?" bulong ng binata. Magaspang ang dating ng boses nito na parang nagpipigil ng emosyon. Literal na nanlambot si Jan. Wala siyang mahugot na lakas para tumanggi. Umalingawngaw sa isang sulok ng utak niya ang pangako ni Maximo Quintanar. "Yes." Then Maxwell gave Jan her first ever kiss. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD