bc

Demon's Love

book_age16+
47
FOLLOW
1K
READ
HE
age gap
tragedy
bxg
campus
war
cruel
like
intro-logo
Blurb

Maagang naulila pagka't parehong nasawi ang mga magulang sa isang engkuwentro.

Kaya't sa murang edad ay napagkaitan ng isang pamilya.

Ang kanyang kamusmusan ay namulat sa mundo ng diskriminasyon, kalupitan, karahasan at kahirapan dahilan upang mauwi siya sa paggawa ng masama sa tawag ng gutom upang mabuhay.

Natutunan niyang maging matigas, matapang, at mabagsik upang maipagtanggol ang sarili laban sa lipon ng mga manlulupig at mapagsamantala't mapang-aping sistema ng lipunan at rehimen.

Kaya't Lumaki syang walang kinatatakutan at balot ng kabuktutan.

Handang lumaban at pumatay para sa pansariling interes lamang.

Magkaroon kaya ng puwang sa puso nitong sing tigas ng bakal ang kalambutan ng kalooban kung ito ay hinabi't hinulma sa kabalakyutan?

Kilalanin ang malupit at mapanganib na si HORAN.

chap-preview
Free preview
Prologue
“Prologue “ “Anong ibig mong sabihin? Kinukuwestiyon mo ba ang aking pamamahala bilang pinuno ng kilusan?" alsa ang boses na wika ng puno ng mga rebelde na si Ka Mario. Matalim ang mata na sinuyod nito nang tingin ang mas nakababata ritong kapwa rebelde. “Hindi Ka Mario, ako'y nagpapa-alaala lamang. Hindi ba at isa sa ating mahigpit na panuntunan ay ang pantay na pagtrato at pagtingin sa mga tao maging ito man ay isang kaaway?" mahinahong pagpapa-unawa rito ni Pedring. Subalit ay hindi nagbago ang paraan ni Ka Mario ng pagtingin. Naroon ang pang-uusig sa mga mata nito para sa kausap. Maya-maya ay tumayo ang punong rebelde sa kinauupuan. At mula sa kubol na kinaroroonan ay tinanaw nito sa nakabukas na bintana ang lalaking sugatan na nakagapos habang nakabilad sa kainitan ng araw at halos panawan na ng ulirat. Isa iyong sundalo na nasakote nila sa isang engkuwentro. Malas lang nito at patay lahat ng kasamahan sa ginawa nilang pang a-ambush. “Walang puwang ang habag sa mga katulad nilang humahadlang sa ating mga misyon."mariin na pahayag ni Ka Mario."Nararapat lamang na sila'y maparusahan." dugtong pa nito sa matigas na tinig. “Ngunit taliwas ito sa ating sinumpaang mga alituntunin. Isang paglabag sa karapatang pantao ang ating pagmamalabis. Hindi na ito makatwiran Ka Mario." Muling kontra ni Pedring. Sa mukha ay lumarawan ang pagkadismaya. “Tumahimik ka Pedring, anong alam mo sa karapatan gayung ika'y isang palalong mapagsuway. Baka nakakalimutan mong isa kang tulisan. At kung nabubuhay lamang ang iyong ama ay sigurado akong hindi niya sasang-ayunan ang iyong mga katwiran." mariing sansala pa rin ng matanda. “Iyan ba ang natututunan mo sa maestra mong asawa? Baka akala mo ay hindi ko nalalaman na pilit ka niyang hinihimok na bumaba ng bundok at kumalas sa kapatiran. Iyan ang napapala mo sa pagkakaroon ng asawang sibilyan. At hindi na ako magtaka kung sya pa ang maging dahilan ng iyong pagkalupig. " usig pa ng pinuno na nagtaas muli ng tinig. Naikuyom naman ni Pedring ang mga kamao. Hindi niya nagustuhan ang katatapos lang na pahayag ng kanilang lider. Maging ang pagbanggit nito sa namayapang ama ay hindi niya rin naiibigan. “Walang kinalaman dito ang aking maybahay. Kailanman ay hindi pinanghimasukan ni Susan ang mga paniniwala at prinsipyo ko sa buhay. Naging maunawain ang aking asawa at lagi na'y iginagalang ang aking mga pasya." Mahinahon na pagtatanggol ni Pedring sa esposa sa kabila nang pagtatagis ng kanyang mga bagang. Isang bagay na pinakaaayaw niya ay ang sinasangkot ang pangalan ni Susan sa mga usaping wala naman itong kinalaman. Maluwa't na tinanggap ng babae ang kanyang pagiging rebelde sa kabila nang pagtutol ng mga magulang nito. Bagama't puno ng pangamba sa araw-araw niyang kaligtasan si Susan ay labis ang suporta sa kanya ng may-bahay. Kaya naman ay ganoon na lamang ang paggalang at pagmamahal niya rito. At hindi sya papayag na may yumurak sa pagkatao nito ng dahil lamang sa mga haka-hakang wala namang basehan. “Kung nabubuhay lamang si Tatang siguradong makikinig ako sa kanyang mga payo. Subalit kung wala na sa katwiran ang ating ipinaglalaban na ideolohiya ay baka nga mapilitan akong tumiwalag sa ating samahan sa sarili kong kagustuhan. Kahit ito pa'y sansalain ng aking sariling ama." makahulugang sambit ni Pedring. “ Ngunit duda akong sasang-ayunan ni Tatang ang mga paglabag na ito, Ka Mario.” ang tiyak na dagdag pa niya. “Walang umaalis ng basta-basta sa ating kilusan Pedring,alam mo iyan. Ang sinumang mangahas at hindi sumunod ay may karampatang hatol." Ang tila may laman na pagpapa-alaala rin ng lalaki. Sa tono nito ay naroon ang bahagyang pagbabanta. Ngunit hindi nagpatinag si Pedring. “Batid ko ang kaakibat na parusa pinuno at kung ako man ay tunay na nagkasala ay maluwa't ko itong tatanggapin." tugon ng rebelde. “Subalit ay lumalabag na tayo sa ating tunay na adhikain. Mistula na tayong mga tulisan na basta na lamang nananakot at nangingikil sa mamamayan. Higit pa roon tila tayo mga berdugong walang habas kung pumatay. Resonable pa bang matatawag ang ating mga gawa? Kung ang pag kondena ko sa lahat ng iyan ang magiging dahilan ng aking kamatayan ay isang karangalan ang magbuwis ng buhay." matigas at matapang na pahayag ni Pedring. “Kay tapang mo magsalita Pedring. Hindi mo ata sini-sinu ang iyong kasalitaan?" sabad ng nakababatang kapatid ni Ka Mario na si Ka Tonyo. Katulad ni Pedring ay mayroon din itong katungkulan sa samahan. Halos magsalubong ang mga kilay ng lalaki. Medyo umalsa rin ang boses nito at tiningnan nang masama si Pedring. “Ang katapangan ng aking salita ay aking isinasalugar ka Tonyo. Inilalahad ko lamang ang mga bagay na sa tingin ko ay sumasalungat na sa ating tunay na layunin. " Baling rito ni Pedring. "Kung ito'y inyong mamasamain ay hindi malayong magkaroon tayo ng mga hidwaan at hindi pagkakaunawaan. Ipagpaumanhin niyo kung ako man ay lumalabis sa aking mga iminu-mungkahi. Ngunit sa aking tingin ay wala na tayong ipinagkaiba sa mga ganid na tauhan ng Gobyernong ating tinutuligsa." mahaba at huling pahayag ni Pedring bago umalis ng kubo. Masama naman ang tingin na sinundan ito ng tanaw ni Ka Tonyo habang nangangalit ang mga bagang. Noon pa man ay mainit na ang ulo nito sa kasamahang si Pedring. Kadalasan kasi ay mas pinapaboran at pinagkakatiwalaan ito ng kapatid na si Ka Mario. Hindi lang iyon may lihim na inggit ito sa lalaki dahil sa galing nitong humawak ng mga armas. “Mukhang magiging suliranin natin si Pedring, kuya." sambit ni Ka Tonyo sa nakatatandang kapatid. "Sabihin mo lamang kung may naiisip kang plano, kami'y nasa likod mo lamang at handang sumunod sa anumang iyong ipag-uutos." may laman na wika pa nito sa matandang pinuno. “Sa ngayon ay wala muna tayong gagawin na pagkilos. Ngunit bantayan niyong mabuti si Pedring pagka't hindi ko nagugustuhan ang talas ng kanyang dila. Subaybayan niyo ang bawat kilos na kanyang gagawin at agad na ipaalam sa akin." utos ni Ka Mario. “Masusunod kapatid- sagot ni Ka Tonyo habang lihim na nadismaya. Umaasa pa naman itong ipag-uutos ng kapatid na agad nang kitlan ng buhay si Pedring. “Ano pala ang balak mo sa sundalong iyan?" tukoy ni Tonyo sa kanilang bihag. “Bantayang maigi at huwag hayaang makatakas. Magagamit pa natin ang isang iyan laban sa mga kaaway. At patayin kapag nawalan na ng silbi." Ngumisi si Tonyo. "Hindi na ako makapaghintay na kitlan ng buhay ang isang iyan, kapatid." gigil na sabi nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.3K
bc

Man of Vengeance [Roxanne Montereal Series19]

read
11.2K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.8K
bc

BS05: Carrying My Husband's Child[COMPLETED]

read
50.2K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
77.3K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.1K
bc

Dangerous Spy

read
311.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook