I am a naturally optimistic person who loves to write, which is my greatest passion.
Words are my wand, my sword and shield.
Though not perfect in my craft yet, I know I can do better by learning and will continue to learn to become a great writer I can be.
Welcome readers to my vivid imagination, the WONDROUS world where my sorrow dissapears and my courage arises.
Please support me on my journey...
You can follow me on my
Facebook account ; Re Ya Galindes
Facebook page; Re-Ya G.
IG; Rea Galindes
Maagang naulila pagka't parehong nasawi ang mga magulang sa isang engkuwentro.
Kaya't sa murang edad ay napagkaitan ng isang pamilya.
Ang kanyang kamusmusan ay namulat sa mundo ng diskriminasyon, kalupitan, karahasan at kahirapan dahilan upang mauwi siya sa paggawa ng masama sa tawag ng gutom upang mabuhay.
Natutunan niyang maging matigas, matapang, at mabagsik upang maipagtanggol ang sarili laban sa lipon ng mga manlulupig at mapagsamantala't mapang-aping sistema ng lipunan at rehimen.
Kaya't Lumaki syang walang kinatatakutan at balot ng kabuktutan.
Handang lumaban at pumatay para sa pansariling interes lamang.
Magkaroon kaya ng puwang sa puso nitong sing tigas ng bakal ang kalambutan ng kalooban kung ito ay hinabi't hinulma sa kabalakyutan?
Kilalanin ang malupit at mapanganib na si HORAN.
Papangarapin mo ba ang isang bituin sa langit, kung ikaw ay isang hamak na maglulupa lamang?
Si Rada Buenavista - ang bratinelang heredera. Susubukan ang pasensya ng simple at mailap na si - Rafael Samaniego. Saan hahantong ang isang pagtatagpo na babalutin ng samut-saring lihim?
Handa ba sila sa isang katotohanan na magdadala sa kanila sa labis na kalungkutan, kabiguan at kapighatian?
Saan sila dadalhin ng kanilang katatagan? Kung ang pinaghuhugutan nila ng lakas ang sa kanila'y siya ring wawasak.
Bata pa lamang si Athena ay kinalakhan na niya ang hindi pantay na pagtrato ni Don Bedicto sa kanilang magkapatid.
Lagi na'y ang papuri nito ay nasa nakatatanda niyang kapatid na si Marga.
Si Marga ang matalino at mabait samantalang sya ang salbahe at mahina ang ulo.
Sa mata ng ama ay isa syang disappointment at kahihiyan sa pamilya.
Bedicto always calls her sybarite and a damn pain in his neck.
Wala raw siyang alam gawin sa buhay kundi ang magpasarap at umagaw lagi ng atensyon sa mundo ng social media na pawang trouble naman ang dala.
Kaya naman nakilala sya as a bad daughter. Dahil roon ay pinutakti siya ng milyon-milyong haters at bashers.
Higit pang naging kasuklam-suklam si Athena sa mata ng nakararami nang pikutin niya si KALIXX MONDRAGON.
One of the powerful young and rich innovative doctor in the world.
At fiance ng kapatid niyang si Marga na isang title holder beauty queen.
Kourtney is an only child.
At dahil may edad na pareho ang mga magulang nang magpakasal ay nahirapan na ang kanyang mama na magbuntis ulit pagkatapos syang maipanganak, kaya naman hindi na sya nasundan pa.
Sa kagustuhan na magkaroon ng kapatid ay naging malapit ang loob niya kay Ram-ram ang sampung taon gulang na half pinoy- half German na anak ng kanilang kapitbahay.
Palibhasa laking states ay hindi ito marunong managalog kaya naman ay sumayd-line siyang Filipino tutor nito dahil nahihirapan ito sa mga aralin.
Isa pa gusto ni Mrs Harris ang mommy ni Ram-ram na matuto itong magsalita sa lengguwaheng Filipino at magkaroon ng kaalaman sa kulturang Pinoy.
Subalit may katigasan ng ulo si Ram-ram palibhasa ay ayaw nitong manirahan sila sa Pinas.
Lalo na at sa isang malayong probinsya pa. Kaya naman medyo may attitude ang bata.
Kalaunan sa pagpupursige ni Kourtney ay lumambot din ang loob ni Ram-ram.
Nagustuhan na rin nitong manirahan sa kanilang bayan.
Natuto itong makibagay at makihalubilo sa kapwa nito bata.
Higit sa lahat natuto itong gumamit ng po at opo na kanyang ikinasiya.
Nang magdalaga si Kourtney at maging isang ganap na guro ay naroon pa rin sa tabi niya si Ram-ram na noo'y binatilyo na.
Lagi syang hinahatid-sundo nito sa iskwela na siya namang ikina-iinit ng ulo ng nobyo niyang si Marco.
Reklamo ng lalaki ay lagi na lang raw nakabuntot sa kanya ang binatilyo.
Dagdag pa ng nobyo sa tingin nito ay may gusto raw sa kanya si Ram-ram.
Para nang magkapatid ang turingan nila ng binatilyo sa isa't-isa kaya naman ay tinawanan na lamang niya at ipinagkibit-balikat ang mga sinasabi ng kasintahan.
Subalit mukhang tama nga ang sapantaha ni Marco. Pagka't isang gabi ay naging bisita nya si Ram-ram.
Mula sa bukas niyang bintana ay bigla na lang itong lumitaw tulad ng lagi na nitong nakagawian.
Nakatakda nang bumalik sa states sila Mrs. Harris. Sinadya siya ni Ram-ram para magpaalam, kasabay niyon ay ang pagtatapat naman nito ng tunay na saloobin sa kanya.
Inamin ng binatilyo ang damdaming mayroon ito na matagal na raw nitong inaalagaan. Sa pagkabigla ay hindi sya nakahuma kaya nang dumampi ang mga labi ni Ram-ram ay tila nagpatianod na lamang sya.
At nang magtanong ang binatilyo kung sila na ay wala sa sarili na napatango na lamang sya. Animo sya nahipnotismo sa hindi nya malamang dahilan.
Nang tumimo sa isipan niya ang tila kidlat sa bilis na pangyayari ay bigla syang natauhan.
My God! sa tanda niyang iyon pumatol sya sa bata? Ano na lamang ang sasabihin ng mga co-teachers nya, ni Marco at lalo na ng kanyang mama Elisa?
Nakakahiya! Pero sya na rin ang nagsuweto sa sarili.
Nakaalis na sila Mrs. Harris at wala namang nakakaalam bukod sa kanila ni Ram-ram sa nangyari.
Kaya't pinalis niya ang pagsigid ng konsensya at pagkabahala. Isa pa bata pa si Ram-ram hindi pa mature mag-isip malamang ay paghanga lamang ang nararamdaman nito na ipinagkamali sa pag-ibig.
Matatauhan rin ang binatilyo at siguradong makakalimutan rin ang isang tulad niya. Sino ba sya para pag ukulan nito ng panahon balang araw eh pagkadami-daming magaganda sa tate?
Pero bakit bumigat ang dibdib niya sa naisip? Ibig bang sabihin ay the feeling is mutual? Que horror! Erase, erase, erase. aniya.
"Hindi nababagay sayo ang kasuotang puti pagka't busilak ang simbolo nito. Isa kang maruming babae at higit kong Ikasisiya ang mamasdan kang tanging basahan ang nakabalabal sa iyong katawan. Pagka't iyon ka, isang basura na dapat itapon dahil walang gamit at halaga."---Governor Nathaniel Delacosta---"Pinili kong mamatay ng paulit-ulit pagka't nais kong mabuhay ka."---Raya Samara---Saan hahantong ang pagmamahalang winasak ng panahon?
Ang kapangahasan ni Rose ang nagdala sa kanya sa isang malaking panganib.
Sa malayong probinsiya at liblib na bayan sa Cotabato hinarang ang kanyang sinasakyang bus ng masasamang loob.
Binitbit siya ng mga armadong lalaki na may nakakatakot na pagmumukha. Animo mga buwitreng gutom na nakakita ng karneng pag-aagawan sa katauhan niya.
Nanganganib siyang malapastanganan.
Subalit sa kabila ng takot ay hindipl pinanghinaan ng loob si Rose. Napasakamay siya ni Dimitri. Ang lalaking may mala-leon na lisik ng mata. Ngunit Imbis na mas lalong mangamba sa kaligtasan ay natagpuan niya ang sariling nais na mahulog sa mga bisig ng lalaki. ?
Lancelot VergaraThe trouble maker. The black sheep. Mayor Luisimo Vergara youngest child.Niyanig ng eskandalo ang pamilya. Ipinakulong ng sariling ama. Dahil sa pagkakasangkot sa pang-aabusong sekswal. Ng walang iba kundi ng kanyang pinakamatalik na kaibigan. Si AyanaNalagay sa bitag ng alanganin ang ama. Nanganganib na makulong sa kasalanang hindi ito ang may sala. Kakailanganin niya ang tulong ng batikang abogado na si Lancelot Vergara upang maipagtanggol ang ama. Ngunit kaya ba niyang harapin si Lance at manikluhod rito? Kung ang dating matalik na kaibigan ay minsan na niyang ipinahamak at winasak ang buhay. Handa ba siyang anihin ang poot nito't galit?
Rising hard court superstar at naging MVP si Clark Zantillan.
Bukod sa unico hijo, si Clark ay mula din sa old-rich lineage sa kanilang bayan.
Sa murang edad ni Anya, unang nahulog ang damdamin nito kay Clark.
Mulat ang kaisipan na kailanman hindi n'ya inasam na siya ay magkakaroon ng kaugnayan kay Clark.
Subalit, tulad ng sikat ng araw at paglubog nito sa dapit-hapon, nag-krus ang kanilang landas.