Chapter Three - DNA test

1257 Words
Chapter Three ---DNA TEST--- "Investigate this woman!" Kysler threw the envelope on the table. The secret investigator immediately took it. "Gusto kong malaman kung nagsasabi nga ba siya ng totoo." "And also, don't forget to take an example of her child's hair for the DNA test. Siguraduhin mong hindi niya malalaman." "Yes, Boss." Tumayo na ang secret investigator at nagpaalam na rito. Alam ko na ang mga palusot niyo? Hindi mo ako maloloko, Ivy. Is this one of your ways to earn money? That woman is a f*****g gold digger. Ginagawa niya ba ito para perahan ako. Nakatulog na si Ivy sa pagtabi sa kaniyang anak na mahimbing na natutulog. Ngayon ay magaan na ang kaniyang pakiramdam. Pagkatapos nito masalinan ng dugo. Nagpapasalamat siya at nakumbinsi niya pa rin si Kysler. Habang kinukuhanan si Kysler ng dugo ay hindi niya maiwasan na hindi mapatitig dito. Ang gwapo pa rin nito at walang kupas katulad noong una niya itong makilala. Hindi niya akalain na sa daming taong tutulong sa kaniyang anak at sa daming taong makakakita sa aksidente ay mismong si Kysler pa ang makakakita at tutulong sa pagdala sa hospital. She is very thankful. Alam naman niya na hindi siya minahal ni Kysler. Kaya wala siyang aasahan dito. Pero sinisigaw ng kaniyang puso ay sana sabihin din nito na minahal din siya nito kahit kaunti. Pero ang pagtulong nito sa kaniyang anak ay sapat na upang matuwa siya. Kysler save her princess. Pagkatapos makuhanan ng dugo ni Kysler ay hinarap na siya nito. "Make sure that this is not your freaking drama. At kapag nalaman kong nagsisinungaling ka. Alam mo na kung anong mangyayari sa 'yo!" mariin nitong sabi sa kaniya. "Wala akong panahon para mag-drama. Buhay ng anak ko ang nakasalalay dito, at kung inaakala mo na nag-d-drama lang ako, huwag kang mag-alala. Dahil pagkatapos nito, hindi mo na kami makikita pa," sagot niya dito. Kumunot ang noo ni Kysler sa kaniyang sinabi. "Do you think na hindi ko kukunin sa 'yo ang anak ko kung sakaling totoo nga na nagsasabi ka ng totoo?" mariin ulit na sabi sa kaniya ni Kysler. Hinawakan pa siya nito sa kaniyang pulsuhan. Agad niya iyong winakli. "Di mo siya puwede kunin sa akin," nakipagtagisan na rin siya nang tingin dito. "Well---let us see. Kapag napatunayan kong anak ko nga ang batang 'yan. Maghanda ka na, dahil kukunin ko siya sa 'yo!" matalim na tingin ang ibinigay nito sa kaniya, kasabay ang pagtalikod nito at lumabas na sa room na iyon. Naiwan siyang tulala. Mali, nga talagang sinabi pa niya dito na anak nito si Candy. Dahil mukhang totohanin talaga ni Kysler ang kaniyang sinasabi. Na kukunin nito si Candy sa kaniya. Iyon ang hindi niya makakaya. Ipaglalaban niya ang karapatan niya kay Candy. Ipaglalaban niya kahit mahirapan pa siya. Lumipas ang ilang linggo, nakalabas na si Candy sa hospital. Isang linggo din na hindi nakapasok si Ivy sa factory na kaniyang tinatrabahuan. Unang araw din ni Candy sa kinder school. Kaya walang mapagsidlan ang tuwa ng kaniyang anak, nauna pa nga itong lumabas sa bahay habang hawak hawak ang bag nito. Excited na excited ito na pumasok. Pumara siya ng trysicle para maghatid sa kanila sa papasukan na skuwelahan ni Candy. "Mama, excited na excited na akong magsulat," masayang sabi ni Candy. Ginulo niya ang buhok ni Candy, "Talaga?" yumuko siya upang makita ang reaksyon ng anak. "Opo!" Tumingala ito upang makita siya. Napangiti si Ivy sa reaksyon nang kaniyang anak. Kapag nakangiti ito ay nakukuha nito ang mukha ni Kysler. "Mama, kamukha ko ba si, Papa?" inosente nito na tanong sa kaniya. Her eyes full of curiousity. Hinaplos niya ang buhok nito at inilapit sa dibdib na parang nakayakap. "Kamukhang kamukha mo siya baby," sagot niya, dahil 'yon ang totoo. Napangiti naman ito. "Siguro ang gwapo ni Papa, kasi maganda ako eh!" sabay natawa ito. Nagtawanan silang dalawa. Hinalikan niya ang buhok nito at inilapit muli sa kaniyang dibdib. Hinatid lang ni Ivy si Candy sa school at umuwi din naman kaagad. Bago umuwi nang tuluyan ay dumaan muna siya sa book store. Balak niya kasi bumili ng books na mga kwentong pambata. Balak niya kasi kwentuhan muna si Candy bago matulog. Habang tumatawid sa kalsada ay may bigla na lamang tumigil na kotse sa kaniyang harapan. Lumabas mula doon ang isang lalaking hindi niya kilala. Sinulyapan niya ang nasa likod ng kotse na ibinaba ang tainted window. Naka shades ito. Unti-unti naman nito ibinaba ang suot na shades. Ganoon na lang ang kaniyang pagkagulat nang makilala ang lalaking nasa loob ng kotse. Binuksan nito ang kotse at sinenyasan siyang pumasok sa loob "Kysler," bulong ng kaniyang isip. Hindi niya ito pinansin. Humakbang siya para layuan si Kysler. Pero sinundan lang siya ng kotse. "What do you think you are doing? Do you want me to drag you into the car, huh?" inis na sigaw nito sa kaniya habang nakasunod. Huminto si Ivy sa paglalakad at inis na hinarap si Kysler. "Anong gusto mo na pag-usapan natin?" "About your daughter," direct to the point na sagot ni Kysler. "Anong meron sa anak ko?" tanong ni Ivy. Hindi na muli sumagot si Kysler. Huminto ito sa tapat ni Ivy at binuksan ang kotse. Pinapapasok siya nito sa loob. Wala siyang nagawa kung 'di ang sundin ito. Kakausapin ko ito para matapos na. "Anong pag-uusapan natin?" agad niyang tanong dito. Seryosong nakatingin sa kaniya si Kysler. Nakataas ang isang kilay. Sumenyas ito sa driver sa unahan. May kinuha naman na envelope ang driver at ibinigay iyon sa amo. "About this!" Itinapon iyon ni Kysler sa kaniyang harapan na ikinagulat niya. Pinagmasdan niya ang envelope na nasa kaniyang harapan. "A-anong gagawin ko dito?" nauutal niyang tanong. Maraming pumasok sa isip niya. "Open it!" utos nito. Nanginginig na binuksan ang envelope at kinuha ang laman no'n. Isang papel. Napalunok siya nang makita niya ang nakasulat dito. "DNA test?" tanong ni Ivy. "Yes, f*****g DNA test!" minulatan siya ng tingin ni Kysler. Lalo siyang kinabahan sa reaksyon nito. "Three years? Four years mo itinago sa akin ang anak ko!" singhal nito sa kaniya na parang mabibingi na siya sa lakas ng boses nito. "Kukunin ko siya sa 'yo!" Mariin na hinawakan nito ang kaniyang pulsuhan. Agad niya naman ito winakli. "T-teka nga muna. Bakit ako ang sinisisi mo kung 'di mo nakilala si Candy or hindi mo siya nakasama? Ilang beses akong nagmakaawa sa 'yo na 'wag kang umalis. Pero umalis ka 'di ba? Tapos ngayon ako ang sisisihin mo kung bakit hindi mo nakilala ang anak mo!" singhal niya rin dito. "Ibigay mo siya sa 'kin!" ulit ni Kysler. "Hindi ko ibibigay sa 'yo ang anak ko!" diin niya rin sagot dito. "Well, let see in court," mahinahon na sabi sa kaniya ni Kysler. Sinamaan niya ito ng tingin. Mukhang seryoso talaga ang lalaki na kunin sa kaniya si Candy. "Hindi na natin kailangan pa na umabot sa korte. Ipapahiram ko sa 'yo si Candy kung gusto mo," sabi niya. "Narinig mo ang sinabi ko 'di ba? Kukunin ko siya sa 'yo. You're not included. I don't want to see you! I don't want to see your fvcking face for the rest of my life!" Unti-unting nahulog ang luha ni Ivy sa kaniyang pisngi. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin siya sa mga masasakit na salita mula kay Kysler. Pinunasan niya ang kaniyang luha at binuksan ang kotse. Hindi na niya hinintay pa na sabihin ni Kysler na lumabas na siya. Kusa na siyang lumabas. Hindi na rin siya tinawag pa ni Kysler.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD