Chapter 4 Escape
"Ano sa tingin mo, Mr. Serapina? Ngayong engage na kayo ni Miss. Mercedez. Isusunod niyo na ba agad ang magka-baby or pagkatapos na ng kasal?" tanong ng reporter kay Kysler.
Habang nakakapit ng mahigpit ang sexy at napakaganda nitong fiancee. Isang model ang fiancee ni Kysler. At hindi lang ito isang model, kilala pa ang angkan nito sa bansa. Isa sa mayaman katulad ni Kysler. May iba't-ibang negosyo din ito.
Hinapit ni Kysler ang bewang ng kaniyang fiancee at ngumiti.
"After marriage, ofcourse," tipid na sagot ni Kysler sabay hapit nito ng mahigpit sa katabing fiancee.
Halos madurog ang puso ni Ivy habang pinagmamasdan si Kysler at ang fiancee nito sa telebisyon. Pinunasan niya ang naligaw na luha sa kaniyang pisngi. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin pala siya kapag nakikita na masaya sa tunay na minamahal si Kysler.
"Bongga pala ang tatay ni Candy. Hindi ko akalain na ang bilyonaryong masungit pala na 'yan ang tatay ni Candy." habang may nginunguya na pagkain si Anna. Hindi man lang nito sinulyapan si Ivy. Kaya malaya na pumatak ang luha ni Ivy.
"Akalain mong makakapit parang tuko 'yong girlfriend. Akala mo naman aagawin sa kanya eh!" lait nito sa girlfriend ni Kysler.
"Sabagay, maganda kaya ayan mahal na mahal ng bilyonaryong masungit na 'yan." dagdag pa ni Anna.
"P-paano mo nasabing masungit?" tanong ni Ivy.
"Paanong hindi ko masasabing masungit? Narinig ko ang usapan niyo. Pagkatapos niya makuhanan ng dugo. Akala mo kung sino na sasabihan kang nagda-drama. Porke't ba mayaman siya ay sasabihan ka na niya ng ganoon. Akala ba niya hinahabol mo siya dahil sa pera niya. Nasa bingit na nga ng kamatayan ang anak niyo. Ganoon pa rin iniisip niya. Tss!" mahabang sabi ni Anna sa kaniya.
Narinig pala nito ang kanilang usapan.
"So, anong plano mo? Mukhang totohanin niya pa ata ang banta niya, na kapag nalaman niya na anak niya nga si Candy ay kukunin niya sa 'yo. Ibibigay mo ba si Candy?" tanong ni Anna.
"Alam na niya," malungkot na sagot ni Ivy.
"Ano?" gulat naman na sagot ni Anna. Bigla itong sumeryoso at lumapit sa kanya.
"A-anong sabi? I mean...totoo ba 'yong banta niya?" excited na tanong nito. Tumango si Ivy bilang sagot.
"Oh my god! Beshie! Paano na 'yan? Paano mo ipaglalaban si Candy?" halos mabingi sa lakas ng boses ni Anna si Ivy.
"Bilang ina." huminga siya ng malalim.
"Gagawin ko ang lahat, Anna. Hindi ako papayag na makuha ni Kysler si Candy. Ayaw kong malayo kay Candy." Niyakap niya bigla si Anna.
Tinapik naman ni Anna ang kaniyang likod.
"Tama ka beshie. Lalaban tayo para kay Candy. Hindi porke't mayaman siya ay matatalo ka na. Ikaw pa rin ang ina. At ang ina ang mas may karapatan sa anak." payo ni Anna.
"Paano kung gagamitin niya kapangyarihan niya sa pera at tuluyan niya makuha sa akin si Candy? Hindi ko ata kaya 'yon, Anna. Ikamamatay ko kapag nalayo sa akin si Candy." maluha luhang sabi niya.
Muli ay niyakap siya ni Anna at tinapik ang likod.
"Hindi niya makukuha ang anak mo. Ipaglaban mo si Candy, beshie. Ipaglaban mo ang karapatan mo bilang ina." tanging sabi ni Anna. Ayaw niyang nakikita na umiiyak ang kaniyang bestfriend. Dahil kapag umiiyak ito ay nasasaktan rin siya para dito.
-----
"Congratulations, son," bati ng ama ni Kysler na si Kyfier. Kakauwi lang nito galing sa ibang bansa.
Umuwi pa ito mula sa ibang bansa para lang maka- attend sa engagement party ni Kysler. Kasama ang ina ni Kysler na si Tasha. Ksalukuyan na kasi itong naninirahan na sa ibang bansa, kaya lahat ng naiwang business at ibang mga ari-arian nila ay si Kysler ang nagha-handle.
"Thanks, Dad." Tinapik nito pabalik ang braso ng ama.
"Ilang taon ka na? Hindi mo pa ako binibigyan ng apo. Kami ng Mom mo." Lumapit ito kay Kysler at iyon ang ibinulong.
"I already have, Dad. You have a grandchild. and soon you will see her," nakangiti na sabi ni Kysler sa Dad niya.
Halos 'di makapaniwala ang reaksyon ng Dad niya. "R-really? ---Her? Ibig sabihin babae? Buntis ba ang fiancee mo?" naguguluhang tanong ng kaniyang Dad.
"No, at the right time, Dad. You will see her, or you and mom will see her." balik na tapik ni Kysler sa braso ng Dad niya.
"Ibig sabihin hindi sa fiancee mo? Ibig mo bang sabihin sa ibang babae?" hindi makapaniwala na tanong nito kay Kysler. Umiling- iling ang Dad niya.
"Oh, noh! Son." Umiling-iling ito. "If your Mom finds out this. I don't know if she'll be happy with it." Umiiling pa rin na sabi ng Dad niya at uminom ng wine.
Natigilan ang kanilang pag-uusap nang lumapit sa kanila si Klyverie. Si Klyverie ay anak ng Tito Klyde at Tita Vanessa niya. Napakaganda rin ng pinsan niya.
"Hi, couz. Congratulations." Nakipagkamay ito kay Kysler. Lumapit na rin sa kanila si Joana ang fiancee ni Kysler.
Hinapit ni Kysler sa bewang si Joana at hinalikan sa lips.
"Thanks, couz," he replied.
"So, kailan ang kasal?" sunod na tanong ni Klyverie.
"Kung ako ang tatanungin gusto ko sa lalong madaling panahon. Sa totoo, si Kysler na lang ang hinihintay ko kung kailan 'yon. Isn't it, hon?" Ipinulupot ni Joana ang sariling braso kay Kysler.
"Sapat na sa akin na fiancee na kita. The rest, I still have important things to take care of," tipid na sagot ni Kysler. He smiled at them.
"Yeah, I'm willing to wait naman." Ngumiti ulit si Joana kay Kysler.
"Sweet..." tukso ni Klyverie.
*****
Pagkatapos ng engagement party kinausap ni Kysler si Joana. Nasa office sila habang nakaupo sa mesa ni Kysler si Joana at nakaharap naman si Kysler sa kanya.
"What is it all about, hon? May sasabihin ka bang importante sa akin? Kaya mo 'ko pinapunta dito sa office mo?" tanong ni Joana.
"I have something to tell you." Tumitig siya kay Joana. Puno nang katanungan ang mga tingin ni Joana sa kanya.
"What is it? Tell me?" excited pa natanong nito.
"I have a daughter," agad niyang sabi dito. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.
Tumawa ng malakas si Joana. Sabay tapik nito sa kaniyang dibdib.
"Oh, god! Tell me, is it a joke or a prank? Are you kidding me?" hindi makapaniwala na tanong ni Joana habang tumatawa pa rin ito.
"I'm not kidding. I have a daughter and this is a serious." seryoso na sabi ni Kysler kay Joana. Natigilan ito sa pagtawa at sumeryoso na rin kalaunan.
"This has happened when I'm in Batangas, and you broke up with me that day," patuloy ni Kysler.
Napanganga si Joana sa nalaman.
"On that day, may nakilala akong babae. And because i'm broken pinatulan ko ang babaeng 'yon. And f**k! I'm f*****g drunk that night because you broke up with me." patuloy na kwento ni Kysler.
Umiling-iling si Joana.
"Nang dahil lang doon. Pinatulan mo na ang babaeng 'yon. Dammit! Kysler! Pagkatapos ang tapang mo na ikwento sa akin 'to. f**k! Kysler, f**k!" Humawak sa gilid ng kaniyang ulo si Joana at sinabunutan ang sariling buhok.
"I'm sorry, I didn't mean it. Wala akong ibang nasa isip sa oras na 'yon kung 'di ikaw, ikaw lang Joana." nagsusumamo na paliwanag ni Kysler.
"At anong gusto mong iparating ngayon? Gusto mo na panagutan ang babaeng 'yon? Ngayong engage na tayo? What the f**k! Kys!" halos umalingaw-ngaw ang boses ni Joanna sa office.
"Of course not, Joana. I'll take my daughter to that woman. I don't care about that woman. All I want is my daughter... no more, " inis din na sagot ni Kysler.
"Mabuti na nagkakaintindihan tayo, Kys! Ayoko na may kaagaw sa 'yo." Napahilot sa sintido si Joana.
"So, kailan mo kukunin ang anak mo? Babae ba ang anak mo?" tanong ni Joana.
"Yes, she's a girl, starting tomorrow aasikasuhin ko na ang lahat, para makuha ko siya, I want my daughter as soon as possible."
----
"Beshie..." sigaw ni Anna. Mula sa banyo ay lumabas si Ivy na nakatapis pa lang. Papasok na siya sa trabaho kaya maaga siyang nagising. Si Candy ay iiwan niya kay Anna. Si Anna na rin ang maghahatid kay Candy sa school.
Pinupunasan niya ang kanyang buhok na humarap kay Anna.
"May notice ka." Iniabot iyon ni Anna sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo.
"A-ano 'to?" naguguluhan niyang tanong at tuluyan na binuksan ang papel na nakatupi.
"Imbitasyon sa korte," basa niya.
"Ano daw? Imbitasyon? Para saan?" naguguluhan na tanong ni Anna. Hindi siya sumagot. Nilukot niya ang papel at pinunit iyon.
Nagmadali naman na inagaw ni Anna ang hawak niya na punit punit na papel. Kusa na tumulo ang kaniyang luha.
"Oh my god, beshie. Desidido talaga ang lalaking 'yon na makuha si Candy. Anong gagawin natin ngayon?" Unti-unti siyang umupo sa upuan habang himas-himas ang kaniyang noo.
"A-anong gagawin ko? Hindi niya puwede kunin sa akin si Candy." naguguluhan na sabi niya kay Anna. Maging si Anna ay napahilot na rin sa noo.
"Harapin mo siya, besh. Alam kong malaki ang laban mo dahil ikaw ang talagang may karapatan kay Candy. Huwag kang matakot. Nandito lang ako para sa 'yo." Niyakap ni Anna si Ivy.
"Itatakas ko si Candy." Nagmadaling pumasok si Ivy sa kwarto at iniwan si Anna. Sumunod naman sa kaniya si Anna habang kumakamot sa ulo.
"Besh, mas lalo mo pinapalala ang sitwasyon." Nakakamot na sabi ni Anna.
"Mas lalong hindi ko puwede ibigay si Candy kay Kysler. Kapag nangyari 'yon. Ilalayo niya sa akin si Candy. Ayoko mangyari 'yon." Habang inaayos ni Ivy ang kaniyang mga damit. Isa-isa nitong nilagay sa bag.
Pagkatapos nang mahabang oras na pag-aayos. Nagmadali na siyang lumabas. Desidido na siyang itakas si Candy.
Habang naglalakad palayo. Kumakaway naman sa kaniya si Anna.
"Ma-ma, saan po tayo pupunta? Bakit niyo po dala-dala ang malaking bag? 'Di ba po may pasok ako?" tanong ni Candy na kakagising lamang pagkatapos niya ayusin ang mga damit at nailagay sa bag.
Bitbit ang bag at hawak naman niya ang isang kamay ni Candy. Desidido na rin siyang dalhin sa Batanggas si Candy. Kahit pa hindi niya alam kung anong madadatnan niya.
"Candy, uuwi tayo sa Batanggas. Doon ka na rin mag-aaral." Pumara siya ng bus at pinaunang pinapasok si Candy.
Sa huling upuan ang pinili niyang pwesto.
"Gutom ka ba?" tanong niya kay Candy na abala sa pagsulyap sa labas ng bintana ng bus.
Umiling-iling ito.
"Bakit naman po, biglaan ang uwi natin, Mama? May problema po ba?" inosenteng tanong nito. Umiling-iling naman siya. Pagkatapos ay niyakap ito.
Kung alam mo lang kung bakit? Ayaw kong malayo ka sa 'kin.
Bigla na lang huminto ang bus.
"Pasensya na po! Mayroon daw kasi inspection ang mga pulis. May hinahanap daw kasi silang dalawang babae, mag-ina, " biglang announce ng konduktor. Biglang umakyat ang kaba niya sa narinig.
Kinuha niya kaagad ang jacket at tinakpan si Candy. Ganun din ang ginawa niya. Tinakpan niya ang kaniyang mukha. Pero huli na dahil bago pa man niya matakpan ang kaniyang mukha ay may lumapit na sa kaniya.
"Excuse me, miss." hindi niya ito pinansin. Pinagpatuloy niya ang pagtakip sa kaniyang mukha.
"Miss, puwede ba namin makita ang iyong mukha?" tanong nito.
"Pasensya na pero hindi puwede," sagot niya. Pero abot-abot na ang kaniyang kaba, dahil mahuhuli na sila at hindi niya na tuluyang matatakas si Candy.
"What do you think you are doing? Sa tingin mo ba hindi kita makikilala?" nanlaki ang mga mata niya na tumingala sa familiar na boses. Boses pa lang ay alam niya na kung sino ang nagsasalita sa kaniyang tabi.
Her heartbeat quickened.
Kung gaano kaganda at ka-sexy ang boses nito ay kabaliktaran naman sa ugali nito na pinapakita sa kaniya. Mas lalong bumilis ang t***k ng kaniyang puso at the same time ganun din ang nararamdaman niyang kaba. Nagkasalubong ang kanilang tingin na akala mo ay isang maamong tupa itong kaniyang kaharap. Kung gaano kaamo ang mukha ng kaniyang kaharap ngayon ay ganun din kabangis ang ugali nito.
Mas lalo siyang kinabahan nang titigan siya nito. Bago pa man siya makapagsalita ay nagsalita na si Candy.
"Sino sila, Mama?" tanong ni Candy. Ang inosente niyang anak ay naguguluhan na.
"Ahm..." naghahanap siya ng palusot. Pero bago pa man ulit siya makasagot kay Candy ay naunahan na siya ni Kysler.
"I am your Dad," agad na sagot ni Kysler. Napanganga naman si Candy sa sagot ni Kysler. Ganoon din si Ivy. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari pagkatapos nitong pangyayari.
Napasulyap Sa kaniya si candy. Nagtatanong ang mga mata kung totoo ba talaga ang sinasabi ng kanilang kaharap ngayon. Puno ng maraming katanungan ang mga mata at ang mga tingin na ipinukol ni Candy sa kanila. Nagpalipat-lipat din ang paningin nito sa kanilang dalawa.
"Ma-ma..." nagtatanong ang mga mata nito na sambit sa kaniyang pangalan.
Tumayo siya at hinila patayo si Candy. Agad niyang binuhat ito at akmang tatakas. Pero agad siyang napigilan sa braso ni Kysler. Mariin na pinisil nito ang kaniyang braso kaya natigilan siya at napaharap dito.
"Escape is not the solution. Give me my daughter. I can give her everything." tila isang tinik sa kaniya ang sinabi nito. Hindi niya nga maibibigay ang lahat kay Candy pero puno naman niya ng pagmamahal.
"Ma...ma..." kahit si Candy ay naguguluhan na. Halata ang pagkatakot sa mga mata nito. Alam na ni Candy ang mga bagay-bagay. Kung ang isang tao ay nagagalit. Nakakaintindi na ito. Humigpit ang kapit niya kay Candy.
"Why don't you tell her the truth. You are keeping my daughter away from me," anger was evident on Kysler voice.
To be continued...