Chapter Two ---Accident---
Sa isang factory ng mga damit si Ivy namamasukan bilang isang mananahi.
Isa sa pinakamalaking factory ang napasukan niya, sikat din ito dahil kilala ito sa magandang design at makapal na tela. At dahil doon, naging proud siya, dahil isa siyang tauhan sa factory na sikat na sikat sa buong Manila.
Isa sa mga gawa no'n ay siya ang may gawa.
Pero minsan, ay may nga tao pa rin na naiinggit sa kaniya, siya lang kasi ito ang tinataasan ng sahod. The rest ay hindi.
Kita naman kasi ang kaniyang kasipagan, samantalang ang iba ay nagiging masipag lang kapag mayron nakatingin.
Kaya gustong-gusto siya ng kanilang boss na lalaki.
Minsan ay sinisiraan na siya ng mga kasamahan niya sa boss nilang babae.
Ang akala ng mga ito ay may relasyon sila ng kanilang boss na lalaki. Kaya naman galit na galit sa kanya palagi ang kanilang boss na babae, ang asawa ng may-ari ng factory.
Kahit birthday ni Candy ay hindi niya nagawang mag-absent. Dahil hindi siya pinayagan ng kanilang boss. Nagpaalam siya dito pero hindi siya pinayagan.
"Awts!" napasigaw siya nang matusok siya ng sewer machine. Hindi niya napansin ito. Sa kakaisip sa kaniyang anak na si Candy.
Napatingin sa kaniya ang lahat.
"Okay, ka lang?" pag-aalala nang kaniyang kasamahan.
May kaunting dugo sa kamay niya pero hindi niya iyon ininda. Kung tutuusin, sanay na siya sa ganitong sitwasyon.
Noong first time niya pa nga lang sa factory ay nakailang tusok ng karayom ang kaniyang kamay. Kaya sanay na siya sa sakit.
Nilagyan niya iyon ng bulak upang mawala ang dugo.
"Ivy!" Tumatakbo na sigaw ng isang lalaking nagtatrabaho din sa factory. Mabilis niya itong nilingon.
Humahangos pa nga ito na papalapit sa kaniya.
"Bakit?" sumilay ang pagtataka sa kaniyang mukha.
Halos hindi pa ito makapagsalita dahil sa naubusan na ng hininga. Siguro ay tinakbo nito ang palapag dahil sira ang elevator sa floor na ito.
Si Dan ang kaniyang ka-work mate. Isa din itong trabahador sa factory. Pero sa ibaba lang ito. Kaya hindi na nakapagtataka kung mauubusan na ito ng hininga kung tinakbo nito ang palapag na kinaroroonan niya sa pagmamadali.
"Ang anak mo!" habol pa rin ang hininga nito.
Nanlaki ang kaniyang mata.
"A-anong nangyari s-sa anak ko?" hindi mapakali niyang tanong.
"Kausapin mo ang kaibigan mo, dala ko naman itong cellphone." Agad nito ibinigay sa kaniya ang cellphone.
"H-helo! Anna!" kinakabahan niyang sagot dito.
"Beshie... Im sorry, sorry talaga," umiiyak nitong sagot.
"A-ano? B-bakit ka nag-so-sorry? A-ano ba nangyayari?" kinakabahan niyang tanong dito.
"Eh, kasi...si...Candy..." patuloy ito sa paghikbi.
"A-anong nangyari kay Candy!" lumakas ang kaniyang boses.
"Si, Candy... Na-sagasaan."
"A-ano?" her voice cracked
"Nasaan kayo ngayon?" pagmamadali niyang tanong na may luha sa kaniyang mga mata. Nanginig na rin ang kaniyang boses.
"Nandito kami sa St. Luke hospital!" nag- cracked na rin ang boses ni Anna.
Walang salita na binitawan at tinakbo na niya ang gusali. Hindi niya ininda ang pagod. Mabuti na lang at pababa siya dahil kung hindi ay pagod na pagod na siya ngayon kung paakyat siya sa gusali.
Balak pa niyang sorpresahin ang anak niya pag-uwi pero tila siya ata ang nasorpresa nito.
Kinakabahan habang hindi mapakali sa sinasakyang bus si Ivy. Kagat- kagat ang kaniyang kuko.
"Kuya, wala na po bang bibilis po dito!" nanginginig ang kaniyang boses na sabi.
"Aba, nagmamadali ka ba, Miss. E 'di sana eroplano ang sinakyan mo!" sagot naman ng kunduktor sa kanya sabay tawa nito.
"Kuya, hindi po ako nagbibiro. Nagmamadali ako dahil nasa hospital ang anak ko!" sagot niya.
"Ganoon ba! Pasensya na, akala ko kasi nagmamadali ka dahil gusto mo makita mister mo," sabay tawa na naman ng kunduktor.
Nagsalubong ang kaniyang kilay.
Halos mabaliw na siya kakaisip sa anak niya.
Kahit malayo pa ay pinara niya na ang bus at tinakbo na ang hospital na kinaroroonan ng kaniyang anak. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao, ang gusto lang niya ay makita ang kaniyang anak.
Pagpasok ay nagtanong siya kaagad.
Hinanap niya ang kinaroroonan ni Candy.
Sa wakas, ay nakita niya ito na may nakasalpak na dextrose. Walang malay at puro galos ang katawan. Meron din itong benda sa noo.
Lumapit siya at agad na niyakap ito.
"Candy..." umiiyak niyang tawag dito. Niyakap pa niya ito ng mahigpit. Sunod-sunod na tumulo ang kaniyang luha. Habang yakap ang anak.
"Kung sana sinamahan kita ngayong araw na ito. Sana wala ka ngayon dito. Sorry, anak," umiiyak pa rin niyang sambit dito.
"I'm sorry," muli ay bulong niya sa walang malay niyang anak.
"Besh...i'm sorry, ako ang may kasalanan nito," mula sa likod ay nagsalita si Anna.
Unti-unti siyang tumayo at humarap kay Anna. Agad na niyakap ito.
"Hindi mo kasalanan," sagot niya habang sunod-sunod na tumutulo ang kaniyang luha.
Habang nakikita niya ang anak na halos galos ang natamo sa katawan at may benda pa ito sa kaliwang bente.
"A-anong nangyari? Anong nangyari?" her voice cracked.
"I'm sorry, beshie...kasalanan ko kung bakit? Napabayaan ko si Candy. Dapat hindi na ako bumili pa sa tindahan. Bibili lang sana ako sa tindahan pero biglang tumakbo si Candy patungong kalsada. Huli na para mapigilan ko siya, dahil sa isang iglap, bumulagta na si Candy, nadaplisan ang kaniyang hita," hagulhol na sambong sa kanya ni Anna.
"Kaya ba may bandage ang kaniyang hita? N-nasaan na ang nakasagasa sa anak ko? Nandito ba siya?" palingon-lingon niyang tanong.
Umiling-iling si Anna.
"Pagkatapos ng nangyari bigla na lang itong pinaharurot ang kotse. Mabuti na lang at may isang mabait na lalaking tumulong sa amin," patuloy na kwento sa kaniya ni Anna.
"Sino?" tanong niya.
Bago pa man nasagot ni Anna ang kaniyang tanong ay pumasok na ang doctor.
Hinarap ni Ivy ang doctor. "Sad to say, Miss. Pero kailangan na niyang masalinan ng dugo. Because of the amount of blood lost to her," patuloy ng doctor.
"Handa po ako, doc," sang-ayon niya.
"Type A, ka ba Miss?" tanong ng doctor.
" Type A?" natigilan siya, umiling-iling siya pagkatapos.
"Type AB ako..." tila natinik siya sa nalaman. Bakit hindi pa sila ang magkatulad ng kaniyang anak. Nakakasiguro siya na magkatulad si Candy at ang ama nito.
"Kung ganoon, meron pa ba siyang ibang relatives na match to her blood?"
Sandali siyang natahimik.
Wala akong ibang kilala na puwedeng magsalin sa anak ko kung 'di walang iba kung 'di ang tatay nito.
Pinunasan niya ang kaniyang luha, dahil para naman sa anak ay gagawin niya ang lahat.
"If meron. Sabihin mo lang sa amin. Kailangan na siyang masalinan ng dugo, dahil sa dami ng dugong nawala sa kaniya. At kapag hindi kaagad ito masalinan. I'm sorry to say, but, manganganib ang buhay ng anak mo," mahabang litanya ng doctor.
Napasalampak siya ng upo nang tumalikod ang doctor para lumabas. Pinagmasdan ang mahimbing niyang anak na natutulog.
Hindi pa man nakakalabas ang doctor ay may narinig siyang familiar na boses.
"How is the baby? Is she fine?"
Nabuhayan siya bigla ng dugo sa boses na kaniyang narinIg mula sa likod. Ang boses na iyon ay minsan na niyang narinig at hindi niya makalimutan iyon.
Bumilis ang t***k ng kaniyang puso, parang sa ano man na oras ay gusto niyang lingunin ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
"Yes, she's okay, for now." sagot ng doctor na kanina lang ay kausap niya.
Unti-unti niyang nilingon ang nagmamay-ari ng boses na iyon. She was shocked to see Kysler.
She couldn't believe, Kysler was here at the hospital.
Umalis na rin ang doctor, pagkatapos magpaalam nito kay Kysler. Nagtila tuod siya sa kaniyang inuupuan. Hindi malaman kung ano ang gagawin.
Paalis na si Kysler nang maisipan niya itong lingunin. Agad niya itong hinabol.
Napalingon ito sa kanya and she didn't know what Kysler reactions, when he saw her.
Wala akong pakialam kung magalit man siya sa akin. Ang gusto ko lang ngayon ay iligtas ang anak ko.
Unti-unti siyang lumapit dito.
Pinagmasdan lamang siya ni Kysler habang papalapit.
Baka nga hindi na siya nakikilala nito.
"Kysler..." She knelt in front of it.
Sumilay ang pagtataka sa mukha ni Kysler.
"Please! Save my daughter." Hinawakan niya ang magkabilang tuhod ni Kysler. Magmamakaawa siya dito. Mabuhay lang ang kaniyang anak.
Kysler reaction was confused.
"Hey, what are you doing?" Pilit nito inilalayo ang mga tuhod.
Pero pilit na lumalapit pa rin si Ivy.
"Please, nagmamakaawa ako, save my daughter, please!" She cries to pity him.
Tumingala siya dito. Ganoon na lang ang gulat ni Kysler nang makilala siya nito.
"Y-you!" tila nagulat nang makilala siya nito.
"Kysler, please! Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa anak ko," patuloy niya na makaawa.
"Give me a reason, why? I will do that, what kind of help?" seryoso nitong tanong sa kaniya. Hindi agad siya nakasagot.
Ano nga ba isasagot niya dito?
"Now, what?" untag nito sa kaniya.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at unti-unting nagsalita.
"D-dahil..."
"What?" naiiritang tanong nito.
"Dahil...dahil..."
"Dahil, Ano?" naiirita nitong tanong.
"Dahil anak mo siya!" she shouted.