Ivy's POV Nagpalipat-lipat rin ang tingin ko sa anak ko at kay Tita. Mukhang magkasundong-magkasundo silang dalawa. Sa uri ng kanilang tinginan at mukhang naisahan pa nila si Kysler. Plano ba nila 'to? "Your daughter is right, son. Because Candy needs her mom, so this is where Ivy will live as well." final na salita ni Tita. Sinulyapan ko si Kysler na hindi maipinta ang mukha. Sinulyapan niya rin ako, kaya nagkasalubong ang tingin namin dalawa. "If Joanna found out this. Joanna might be mad at me." paliwanag pa ni Kysler sa mom niya. Kaya pala ayaw niya akong nandito dahil iniisip niya ang mararamdaman ni Joanna. He really loves his fiance. Sino ba naman kasi ako para mahalin niya. "She must learn to accept everything. I won't let you take Candy away from her mom. If Joanna real