Ivy's POV Bigla akong natauhan sa nakakahiyang pangyayari. Nagmamadali akong lumabas ng banyo. Iniwan ko si Kysler na tumatawa-tawa pa. Bakit ba kasi bumigay na naman ako? Hindi na mauulit 'yon. Habang naglalakad ako, napapailing-iling na lang ako. Inaayos ko ang sarili. Ang buhok ko ay pasimple kong sinuklay ng mga daliri ko. Naramdaman kong sumasakit ang mga paa ko at malamig ang pakiramdam ko. Sinipat ko ang aking mga paa. Ganun na lang ang paglaki ng mga mata ko nang makitang wala akong suot na sandals. Napakamot naman ako sa aking batok. Nagdadalawang isip pa ako na bumalik dahil kapag bumalik ako panigurado nandun pa si Kysler. Wala akong ibang nagawa kun 'di ang bumalik. Naka- ilang hakbang pa lang ako nang may tumawag sa akin. "Hey, Ivy!" boses iyon ni Christian. Natig