Ivy's POV Tanghali na nang magising ako. Magdamag kasi akong gising at hindi makatulog dahil kakaisip sa nangyari. Nadatnan kong nagsasampay ng mga nilabahan si Anna. Mabuti pa siya tapos na habang yung labahin ko, tambak na. "Gising ka na pala, beshie. Kumain ka na at tanghali na," pagyaya niya sa akin. Dumiretso ako sa kusina para kumain muna bago gawin ang lahat ng gawain. Hindi ko na muna iisipin ang mga problema ko at kutang-kuta na ako sa problema at stress. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Talaga bang minamalas ako dahil palagi akong nawawalan ng trabaho o dahil sa kagagawan ng lalaking nang-aapak sa akin. Abala akong kumakain nang may marinig akong humintong sasakyan sa tapat ng bahay. Binalewala ko na lang 'yon at nagtuloy-tuloy sa pagkain. Ilang minuto pa ay