Ivy's POV "Ako ang tumanggap ng bisita sa gabing ito, hindi si Ivy. Anong Kinagagalit mo, Kys?" Sabay-sabay kami napalingon sa kinaroroonan ni tita. Bumalik rin pala kaagad si tita. Akala ko hindi na ito bababa at matutulog na. "Masyado ng gabi para tumanggap pa ng bisita. You don't even know him very well, mom!" mukhang walang pakialam si Kysler kung marinig man ito ni Christian ang mga sinasabi niya. "Watch your words, Kys! He's not just a visitor to me. He is the son of your aunt Jesica, if you don't know," paliwanag ni tita. Bigla naman natahimik si Kysler. Agad na napatingin kay Christian. Mukhang napahiya pa ito dahil sa sinabi ni tita sa kaniya. "Babalik na lang po siguro ako bukas, tita. Salamat po sa pagpapatuloy sa akin kahit gabing gabi na para bisitahin si Ivy," nahihiyan