"Where is the woman you are waiting for?" umalingaw ang boses ni Kysler. Kausap niya si Albert ang pinamahala niya sa fashion industry. Yumuko naman si Albert para humingi ng pasensya. "Pasensya na, Sir. Tinawagan ko na kanina at na-traffic pa raw ito." hingi ng pasensya ni Albert. Napasapo sa noo si Kysler. "Ang sabi ko kumuha ka ng staff na hindi marunong sa salitang excuse. Interview pa lang niya palpak na kaagad siya. Paano pa kapag nagsimula na siya?" galit na galit na sabi niya kay Albert. "Tatawagan ko na lang ulit, Sir." Kinuha ni Albert ang cellphone niya at agad di-nial ang number ng babaeng nagustuhan niya para mag-design sa kanila. Actually hindi talaga si Albert ang nagkakagusto sa design kun 'di ang fiance ni Kysler. "Tell her if she hasn't been here in ten minutes, h