Ivy's POV "Ivy may lakad ka ba? Nagmamadali ka masyado eh," tanong ni Dalia habang nakasunod sa akin. Hindi naman ako nagmamadali, mukha lang akong nagmamadali dahil sa bagal niya maglakad. Kakalabas lang namin sa studio. "Wala naman akong lakad. Ang bagal mo kasi kaya ka naiiwan sa paglalakad," sabi ko naman habang nililingon ko siya. Nag-text nga pala si Christian na nasa parking lot siya naghihintay. Niyaya niya nga pala akong mag-dinner ngayon. "Weeeh...sigurado ka? Wala kayong lakad ni Mr. Handsome?" pangungulit na naman ni Dalia. Naglalakad kami papasok na sa elevator pababa na sa building. "Ivy!" sabay kaming napalingon ni Dalia nang marinig kong may tumawag sa akin. Si sir Albert pala. "Mabuti at naabutan pa kita. Akala ko nakauwi ka na. Hinihingal pa talaga ako da