Chapter 5-Fight for her daughter

2503 Words
Chapter 5 ---Fight for her daughter--- Ivy P.O.V Sobra ang tuwa ni Candy nang malaman niya na may Papa pa siya. Pero ang tuwa na nararamdaman ng anak ko ay siyang takot naman para sa akin. Pinagbigyan ko muna ang gusto ni Candy na makasama ang Papa niya. Makausap at makayakap, habang pinagmamasdan ko silang masayang nag-uusap at nagtatawanan. Mula sa kinaroroonan ko ay kitang-kitang masaya si Kysler dahil sa mga ngiti nito habang kausap si Candy. Pinapangarap ko rin na ngitian ni Kysler pero tila napakailap ng ngiti niya sa akin. Masaya akong makitang masaya si Candy. Pero hindi ko maiwasan maramdaman ang takot na baka isang araw ay mawala na lang sa akin si Candy. Iba ang nagagawa ng pera, kung wala kang pera wala ka rin laban sa taong makapangyarihan sa pera. Ganun talaga sa mundo. Candy was wearing a smile while talking to her Dad. A strange smile that I have never seen it before. Paano ko ipagkakait iyon sa kaniya kung iyon ang nakakapagpangiti sa kaniya. Kumaway si Candy sa akin. Kumaway din ako sa kaniya. Napalingon naman sa kinaroroonan ko si Kysler. Bumaba ang tingin ko. Hindi ko siya kayang harapin ngayon. Inis at galit ang nararamdaman ko sa kanya. Niloko niya pa rin ako. Pinagmukha niya akong tanga noon na akala ko wala siyang girlfriend pero nalaman kong meron pala. Kaya ayaw niya sa akin. Pinaglaruan niya lang ako noon. Unti-unti silang lumapit sa kinaroroonan ko. Inabala ko ang aking sarili. "Mama..." tawag sa akin ni Candy habang hawak-hawak nito ang kamay ng heartless niyang ama. Kalaunan ay nakalapit na sila sa akin. Hawak-hawak ni Candy ang kamay ng Dad niya. Habang nakatingala sa akin. Naging abala naman ako.  "Hindi ibig sabihin na okay na kami ni Candy ay papalampasin ko na ang ginawa mo. Sinubukan mong itakas si Candy and take her away from me. Now, let's just meet in court," banta na naman nito. Pinikit ko ang aking mga mata at pilit na pinapakalma ang sarili. Gusto ko sana siyang sumbatan pero 'di ko magawa. Gusto ko siyang murahin pero wala akong lakas na loob para gawin 'yon sa kanya. Kapag kaharap ko siya nawawalan ako ng boses. Nawawala ako sa aking konsentrasyon. Pinipigilan ko ang sarili. Ayaw kong makita kami ni Candy na nag-aaway. Lumuhod siya pagkatapos at pinantayan si Candy. Ang anak kong inosente ay pinagmamasdan lang nito ang kaniyang daddy.` "Daddy is leaving, I'll promise I'll come back and you'll be with me daily, baby. "He kissed Candy on the cheek and stood up. Sinulyapan pa ako nito pero tumalikod na rin kalaunan. "Bye, Daddy! See you again next time!" Kaway ni Candy habang papalayo si Kysler. Hanggang sa makapasok ito sa kaniyang kulay pula na kotse. ***** Hanggang sa pagtulog ay dala-dala ni Candy ang kwento niya tungkol sa papa niya. Excited na naman siyang makita ito. Wala akong ibang nagawa sa gabing iyon kundi ang mag-isip ng mag-isip. Baka sa susunod na araw ay mamalayan ko na lang na wala na si Candy sa tabi ko. Hinawi ko ang kaniyang buhok na nakatakip sa kaniyang mukha. Hindi ko maiwasan na hindi mapatitig dito. Sa araw na ito ay sobrang saya niya. Ngayon ko lang siya nakita na ngumiti nang ganun. Pinagmamasdan ko lang ito habang mahimbing ito na natutulog. Bukas na bukas ay aalis ulit kami. This time ay hindi na niya kami makikita pa. Maaga pa lang ay nag impake na ako ng mga gamit. Ang buong akala ko kasi pagkatapos nilang mag-usap ni Candy ay magbabago ang desisyon ni Kysler. Pero hindi, hindi nagbago 'yon. Balak pa rin niyang kunin sa akin si Candy. Hindi ako makakapayag na makuha niya sa akin ang anak ko at tanggalan na lang niya ako ng karapatan. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon kung gagawin mo 'yan," habang inaayos ko ang mga damit ko sa bag ay lumapit naman sa akin si Anna. Alam kong ayaw niya kaming umalis pero buo na ang desisyon ko. Ilalayo ko si Candy sa lugar na ito kung saan malapit sa lugar ng lalaking nanakit sa akin. Ang ama ni Candy. Sabihin na nila akong selfish. Pero masama ba na iniisip ko lang ang mga mangyayari kapag nagharap na kami ni Kysler sa korte. Alam kong gagawin niya ang lahat para lang makuha sa akin ang anak ko. And that won't let happen. "Buo na ang desisyon ko Anna," sagot ko dito habang abala sa pag-aayos. Ginising ko na rin si Candy para maligo na at makapaghanda para sa pag-alis. "Pupunta po ba tayo kay Papa, Mama?" pagkatapos niyang maligo ay iyon kaagad ang tanong niya. "Hindi, uuwi tayo sa lolo mo," tanging sagot ko. Puno naman ng pagtataka ang reaksyon ng anak ko. "How about, Papa, Mama? Sasama din ba siya sa atin?" hindi niya alam na kaya kami uuwi ay para maiwasan ang ama niyang walang puso. "I'm sorry, Candy." Lumuhod ako para makapantay ko ang anak ko. "Uuwi tayo, tayong dalawa lang. Please, baby. Huwag na maraming tanong," Tumango naman ito. Nahihirapan ako para sa anak ko. Alam kong gusto niyang buo ang pamilya pero hindi yun mangyayari dahil hindi naman ako mahal ng ama niya.  Pagkatapos kong ayusin ang lahat ng gamit ko. Nagpaalam na ako kay Anna. Kailangan namin magmadali, baka maabutan na naman kami. Palabas pa lang kami ng bahay natanaw ko ang kakarating lang na kotse at hindi ako nagkakamali, kotse iyon ni Kysler. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Kung magtatago o tatakbo pero huli na para magtago nakita na niya kami. Tila napako ako sa aking kinatatayuan. Lumakas ang kapit ko sa aking dalang bag. Hindi ako nakagalaw para tumakbo.  Bakit sa tuwing itatakas ko si Candy dumadating ang lalaking ito? May malakas ba siyang pang-amoy? Wala na akong nagawa nakalapit na siya nang tuluyan sa amin. Tsaka pa lang gumalaw ang mga paa ko para maglakad pero nahawakan na niya ako sa aking kaliwang braso. "Do you really intend to run away with my daughter?" galit na tanong niya. Lumakas ang pagkahawak at pagpisil niya sa braso ko. Napangiwi ako. Napaharap ako sa kaniya. Tiningnan ko si Candy. Pagtataka ang bumalot sa hitsura ng anak ko. "Bitawan mo ako!" Wakli ko sa kamay niya. Pabalang niyang binitawan ang kamay ko. Sumenyas naman siya sa kasama niyang mga naglalakihan ang katawan. Lumapit ang mga ito sa amin. Bigla akong kinabahan. Humigpit ang kapit ko kay Candy. Pakiramdam ko sa ano mang oras ay kukunin ni Kysler sa akin si Candy.  "Get my daughter!" utos niya sa dalawang naglalakihang lalaki niyang kasama. Agad naman na sumunod ang mga ito sa kaniyang utos. "A-anong ginagawa niyo?" lumakas ang boses ko. Nanginginig na rin ang boses ko.  "Mama..." tila natatakot na tawag ni Candy sa akin. "Mas lalo mo lang pinalala ang sitwasyon." sabi pa niya. Mas lalo ko pa hinigpitan ko ang paghawak kay Candy para hindi nila makuha sa akin si Candy. Pero anong laban ko sa lakas nila. Tuluyan nilang nakuha si Candy at inilayo sa akin. Tanaw ko ang pag-iyak ni Candy habang buhat buhat ito ng isang lalaking malaki ang katawan. "Mama!" pagsisigaw ng anak ko. "Candy!" sagot ko rin na sigaw dito. Wala akong nagawa tuluyan na nga niyang nailayo sa akin si Candy. Sunod-sunod na pumatak ang aking mga luha. "Anong ginagawa mo? Kysler maawa ka, huwag mo gawin 'to!" pagmakaawa ko sa kaniya pero tila tuod na walang pakiramdam si Kysler sa pagmamakaawa ko. "Kung gusto mo makuha si Candy humanda ka ng malaking pera for your lawyer. Alam kong wala kang ganun kalaki na pera para mabawi sa akin si Candy kaya huwag ka na mag aksaya pa, leave Candy to me," pangmamaliit niyang sabi sa akin. Umiling-iling ako. "Huwag mong ilayo sa akin si Candy, please!" pagmamakaawa ko. Halos lahat ng dumadaan ay napapatigil dahil sa eksena naming dalawa. "Now you are begging to me," ngumiti ito na tila wala lang sa kanya ang pagmamakaawa ko. Tuluyan na siyang tumalikod sa akin pero agad ko siyang hinawakan sa kaniyang bewang. Nakaluhod akong niyakap ang kaniyang bewang. Para sa anak ko kahit magmakaawa ako at lumuhod sa kaniyang harapan na wala ng itinirang awa sa sarili ay gagawin ko. "Please! Nagmamakaawa ako," habang yakap ko pa rin ang bewang niya. Naramdaman ko ang pagtanggal niya ng mga kamay ko sa kaniyang bewang. Nanlambot ako, nang wala siyang pakialam na iniwan ako habang nakaluhod pa rin. Wala man lang iniwang salita.  "Ibalik mo sa akin si Candy!" pagmamakaawa ko pa rin. Nanatili pa rin akong nakaluhod, nagbabakasakaling ibalik niya sa akin ang anak ko.  "Candy!" sigaw ko habang nakatanaw sa kotse niyang pula kung saan naroon si Candy. Narinig ko ang sagot ni Candy sa pagtawag ko sa kaniya. Umiiyak din ito. Tumayo ako at agad na lumapit sa kinaroroonan ng kaniyang kotse. Ibinaba nito ang kaniyang tinted window.  "You are just wasting your voice. I already told you I will take Candy from you, at ngayon ang araw na iyon," patuloy niya. Tuluyan na nitong sinarado ang tinted window ng kaniyang kotse.  Hinabol ko pa ito. Hanggang sa marating ko ang kinaroroonan ng kotse niya. Hinihingal na naglakad ako palapit dito, dahil tumigil naman ito. "Buksan mo 'to!" pagsisigaw ko sa labas ng kotse niya. Puno na nang luha ng mukha ko.  Pinukpok ko pa ang bintana ng kotse niya pero hindi niya ako pinakinggan. "Ano ba buksan mo 'to!" pagsisigaw ko. Habang malakas kong pinupukpok ang bintanan ng kotse niya. Unti-unti na naman  nitong binuhay ang makina at wala akong nagawa. Nagtagumpay siya na makuha sa akin si Candy. Tanaw -tanaw ko ang kotse niyang papalayo sa kinaroroonan ko.  Pasalampak akong umupo sa semento. Hindi ko ininda ang mga sasakyang dumadaan at nakatingin sa akin. Iniisip ko kung paano ko makukuhang muli si Candy. Gulong- gulo na ako. "Beshie!" Lumapit sa akin si Anna at niyakap ako. "Anong nangyari? Nasaan si Candy? Akala ko ba nakaalis na kayo?" sunod -sunod niyang tanong sa akin. Napayakap ako ng mahigpit sa kaniya. "Anong gagawin ko?" humagulhol na ako ng iyak sa kaniyang balikat. Hinagod hagod naman niya ang aking likod. "Walang hiya pala ang lalaking 'yon. Paano niya nagagawang ipaglayo kayo ni Candy? Napaka selfish ng lalaking 'yon." gigil na sabi ni Anna. "Anong gagawin ko?" humigpit ang yakap ko kay Anna. "May gagawin tayo, hindi puwede na wala tayong gagawin. Anak mo 'yon. Ikaw ang ina. Ikaw dapat ang mas may karapatan. Ngayon lang siya dumating sa buhay niyo pero ang kapal ng mukhang kunin sa 'yo ang anak mo. Napakawalanghiya ng lalaking 'yon. Paano mo ba nagustuhan 'yon?" sunod -sunod na sabi ni Anna. ----- Naghanap ako ng lawyer para sa kaso pero halos lahat sila ay tinatanggihan ako. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko natatakot sila. Maybe natatakot sila dahil si Kysler ang kalaban ko. Marami akong naririnig about kay Kysler. Wala siyang puso. Lahat ng kumakalaban sa kaniya ay pinapabagsak niya. Anong gagawin ko kung lahat ng lawyer na kinakausap ko ay tila takot. Naglalakad ako papasok sa factory na tinatrabahuan ko. Halos wala akong tulog kakaisip kay Candy. Halos mababaliw na ako kakaisip kung paano ko siya mababawi. Bawat madadaanan ko ay napapatingin sa akin. Anong meron at napapatingin sila sa akin? Tuluyan na akong nakapasok. Nadatnan ko ang boss namin na nakapameywang habang nakatingin sa akin "Boss pasensya na...masyado lang maraming iniisip at maraming inaasikaso kaya na late ako," sabi ko kaagad dito habang nakatungo. Mugto pa ang aking mga mata. Dahil late ako. Anong oras na akong nakatulog kagabi kakaisip sa anak ko. "Wala akong pakialam kung may problema ka or  kung ano ang status sa buhay mo. Ang alam ko lang ngayon ay ang tanggalin ka!" bungad ng boss namin sa akin. Hindi ko akalain na ganun na kaagad ang mabungaran ko. Kakapasok ko pa lang. "B-boss...kailangan ko po ang trabahong ito. 'Wag niyo po akong tanggalin. Maawa naman kayo," naiiyak na pagmamakaawa ko. Hanggang ganito na lang ba ang rules ko sa buhay? Ang magmakaawa?  Kailangan ko ng pera ngayon kaya kahit magmakaawa ako at lumuhod sa harapan niya ay gagawin ko huwag lang akong tanggalin sa trabaho ko. "Hindi mo na nagagawa ang trabaho mo, Ivy. Palagi kang absent at ngayon pumasok ka nga pero late pa, ano ba talaga? Naiisip mo pa ba ang trabaho mo?" Lumuhod ako sa kaniyang harapan. Ganito naman ako palagi. Ganito naman palagi ang rules ko. Ang magmakaawa at lumuhod. Pero bakit kahit anong makaawa ko sa kanila ay hindi sila marunong maawa. Katulad ng stepmom ko. Pinalayas ako dahil nabuntis ako. At ang nag-iisang lakas ko sa buhay kinuha pa ng lalaking nagloko sa akin. Saan pa ako kukuha ng lakas para malampasan ang pagsubok na ito. Para sa anak ko. Lalaban ako. Babawiin at kukunin ko ang anak ko. "Boss, please, 'wag niyo naman po akong tanggalin. Kailangan ko ang trabaho na ito para sa anak ko. Nagmamakaawa na ako sa inyo," patuloy kong pagmamakaawa sa kaniya. Punong puno na rin ng luha ang aking pisngi. "Tumayo ka na, Ivy. Kahit ano pa ang pagmamakaawa na gawin mo ay hindi na magbabago ang desisyon ko. Maghanap ka na lang ng ibang pagtatrabahuan mo," Pagkatapos ay iniwan na niya ako. Hindi ko siya nagawang pakiusapan. Bakit ang unfair ng mundo? Laglag ang mga balikat kong tumayo mula sa pagkakaluhod. Isa isa naman na lumapit sa akin ang mga ka workmates ko. "Pasensya ka na Ivy ito lang talaga maitutulong ko," iniabot ng isa kong ka workmate ang pera. Sumunod naman ang isa pa. Ganun din ang binigay sa akin. Sabi nga nila, kapag gusto may paraan at kapag ayaw maraming dahilan. Ngayon ang nasa isip ko lang ay ang makahanap ng trabaho. Kailangan ko ng malaking pera para makakuha ako ng lawyer at para mabawi ko si Candy. ---- "Hay naku! Ilang araw ka nang walang gana kumain. Kumain ka naman kahit kaunti besh." yaya sa akin Anna. Paano ako makakakain kung bawat pagsubo ko ay naiisip ko si Candy. Bawat pagpikit ko ay mukha ni Candy ang nakikita ko. Gusto ko siyang makita. Ilang araw na rin na hindi ko siya nakikita. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Anna. Kasunod nang pag -upo niya sa aking tabi. Hinawakan naman niya ang aking mga kamay. "Makikita mo rin si Candy, babalik din sa dati ang lahat. Bakit naman kasi napaka walang puso niyang Ex mo. Kinuha na lang niya basta-basta si Candy. Napakawalang hiya. Porke't mayaman siya at maraming pera. Ginagamit niya ang pera niya para managasa ng tao. Napakawalang hiya niya. Hays! Ang gwapong nilalang pero napakawalang puso. Sasabunutan ko bulbul nun eh!" natawa ako nang bahagya sa sinabi ni Anna. Niyakap naman niya ako. "Basta besh, nandito lang ako. Ano man ang hirap na nararamdaman mo. Nandito ako dadamayan kita, uh. Huwag ka nang umiyak." ni tap pa niya ang likod ko. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD