Miracle Florence Geronimo
"Good morning, for final interview po ako." bungad ko sa guard nang makarating sa Caballero Building.
Isang malagkit na tingin ang binigay ni kuya guard sa mukha ko na ikinailang ko. Hindi ito ang guard na naka-duty last time nang nagpunta ako.
"Paki-iwan na lang ang ID, Miss," sambit ni Kuya.
Matapos kong mag-iwan ng ID at magsabi sa receptionist ng pakay ko ay agad naman akong pinapunta sa floor kung saan ako i-interview-hin ng manager na magiging boss ko if ever.
Kabado ako hanggang makarating sa 18th floor kung nasaan ang office ng manager. Maraming floor itong building dahil pinaparentahan ang iba sa mga tenant. Marami rin na sister company ang Caballero Brewery dahil may ilang line of business sila. Ang major product nga lang nila ay alak at drinks na kung saan ang pinakamalaking percentage ng sales ng buong Caballero Group of companies ay galing sa Caballero Brewery.
Nitong natapos lang kasi ang initial interview ko nagawang mag-research tungkol sa company. Doon ko tuloy nakita ang picture ng CEO na si Mr. Jarred Karl Caballero. At totoo pala ang tsismis na gwapo siya. Unang tingin ko pa lang sa picture niya ay feeling ko ay crush ko na siya. Natatandaan ko pa na ilang minuto kong tinitigan ang gwapo nitong mukha. Pero dahil matanda na ang lalaki compare sa edad ko ay na-uncrush ko agad ito.
Pagdating sa floor na binanggit sa akin ay agad naman akong inasikaso ng isang staff at dinala sa isang office na may nakalagay na Marketing Department na ipinagtataka ko.
Ang alam ko kasi ay dapat na nasa purchasing or Admin department na more on clerical job lang ang gagawin. Pwede rin sa Finance na taga-encode ng mga reports na hindi na kailangan ng analytical expertise.
"Good morning, Ma'am." Agad kong bati sa isang babae na sa tingin ko ay nasa 40’s na ang edad.
Magiliw na ngumiti sa akin ang babae at sumenyas na umupo ako sa swivel chair na nasa harap niya na ginawa ko naman.
"Good morning, hija. How are you?" nakangiting tanong ng manager.
"Good morning po, Ma'm. Mabuti po," sagot ko na mas ngumiti pa ng malapad sa babae at mukhang gandang ganda siya sa akin sa titig niya.
Nilahad ng manager ang kamay sa akin at tinanggap ko naman agad. “You’re so young and beautiful, Ms. Geronimo.”
“S-salamat po.” Mas nahihiyang sabi ko.
“Anyway, hindi ko na patatagalin ang interview na ito. Mr. Caballero, the CEO, set a sudden meeting in an hour and I need to be there. Let’s try to wrap things up quickly.”
Pagkasabi ng manager ay agad na itong nagtanong tungkol sa mga work expectations ko. Pero nabigla rin ako sa sinabi nito na ilalagay ako sa marketing department at dahil doon nababagay ang itsura ko.
Sinabi ng manager ang job description ko. Parang feeling ko nga ay sa paraan ng pagkakasabi nito ay tanggap na ako. Though, hindi ko type kung ano ang mga gagawin ko dahil kinakailangan na mag-field ako kapag wala ako dito sa office. Kapag may events daw ay parang brand ambassador ako na ihaharap sa mga tao.
In short, parang model ng company products na hindi ko ine-expect na gagawin ko dahil sa totoo lang ay ayokong nakikihalubilo sa maraming tao.
Introvert kasi ako at sanay lang din na mapag-isa o kasama ang kapatid kong si Heaven, o ang malalapit na kaibigan. Lalo na simula noong ma-kidnap ako ilang taon na ang nakakaraan at nalagay sa bingit ng kamatayan. Kaya kahit na ang magpaligaw ay inaayawan ko. Naiinis din ako kapag may umaaligid na lalaki sa akin.
Pero dahil no choice ay kailangan kong gustohin na lang ang sinasabi sa akin ng manager. Aarte pa ba ako dahil wala naman akong experience na maipagmamalaki na naka-work na ako sa office? Doon lang sa fastfood ang meron at hindi naman fastfood chain itong ina-apply-an ko.
Panay sagot na lang tuloy ako sa tanong ng manager na halatang nagmamadali dahil panay tingin nito sa wristwatch.
Parang wala pa nga na 10 minutes ang pagtatanong nito at tinawagan na ang isang staff para asikasuhin ako.
Doon ko pa lang tiningnan ang pangalan ng manager na nasa table.
“Thank you so much, Mrs. Perez.” Magalang na sambit ko nang sinabi ng babae na tumayo na ako.
Sakto naman na may kumatok at bumukas ang pinto at pumasok ang babae na nagdala sa akin dito. Sinamahan niya ako palabas matapos magpaalam kay Mrs. Perez at dinala ako sa isang room at naupo kami ng harapan sa isang table.
“Ahm, Miss Geronimo. Ako nga pala si Ryza.” Nakangiting sabi sa akin ng babae na sa tingin ko ay nasa mid-twenties na ang edad. “Ano nga ba ang itatawag ko sa’yo? Miracle ba o Florence?”
“Miracle na lang, o kaya ay Mira po, Ma’am. ”
“Naku, ‘wag mo na akong tawagin na Ma’am. Ate Ryza na lang ang itawag mo. Magka-level lang naman tayo ng trabaho. Kaka-regular ko lang din kasi.” Sambit ni Ate Ryza na titig na titig sa akin. Titig na alam ko naman na dulot ng paghanga.
“Ahhm, Ate Ryza. Kailan po ba ako tatawag para malaman kung tanggap na ako?” tanong ko.
“Naku, hindi ka ba nasabihan ni Mrs. Perez? Pasensya na, ha. Aligaga kasi lahat ng managers ngayon dahil sa biglaang pagpapatawag ng CEO ng meeting. Pero, huwag mo na lang sabihin na sinabi ko, ha? Kasi hindi ka pa tinatawagan hired ka na talaga. Hindi ka kasi qualified doon sa admin department dahil may mas maganda daw ang credentials. Pero nakita kasi ng mga taga marketing 'yung itsura mo. Bagay na bagay ka sa position dito... kaya 'yon, tinawagan ka kaagad at hindi ka na nila pakakawalan. Ang lakas ng hatak mo, eh." Mahabang turan niya.
Nabigla naman ako sa sinabi ni Ate Ryza. Pero kahit papaano ay natuwa ako. Dahil hindi na ako mag-aalala pa pag-uwi ko sa bahay kung may aasahan akong trabaho.
'Yon lang ay hindi ko sure kung kakayanin ko ang trabaho. Bahala na! Para sa amin ng kapatid ko, willing akong magsakripisyo. Wala na kasing choice kung hindi ang magbanat ng buto dahil mahirap umasa kay Tita Mayet.
"Ganun ba ate, Ate Ryza? Maraming maraming salamat!" Puno ng emosyon na sabi ko.
"Oo, Mira... Pag-usapan muna natin ang job descriptions mo." Sambit ni Ate Ryza na nagsimula ng magsalita ng tungkol sa trabaho.
Halos kulang 30 minutes ang inabot ng orientation sa akin ni Ate Ryza regarding sa work ko. Feeling ko naman ay kaya ko ang clerical jobs na iaatang sa akin.
Diskumpyado lang ako do'n sa field part na kailangan kong sumama sa event. Kagaya nga ng naisip ko kanina, parang model ang dating ko. Sana lang ay kayanin ko 'yun dahil may stage fright ako. Kaya nga hindi ko talaga ginusto ang maging artista kahit todo support sa akin si Tita Olga dati pa man.
"Pumunta ka na sa HR department para mag-sign ng contract. Io-orient ka rin nila sa company policies, tapos pwede ka ng umuwi. Kapag start mo ay ako ang mismong mag-train sa'yo sa clerical work at si Sir Justin naman tungkol sa ibang trabaho mo... Ingat ka lang do'n at chickboy 'yon, hah . Maganda ka pa naman. " Sabi sa akin ni Ate Ryza.
Bigla naman ako natakot sa sinabi nito. Hindi na yata ako malalayo sa mga manyakis na lalaki. Binalewa ko muna ang sinabi ni Ate Ryza at nagtungo sa HR department.
Pagkarating ko ng HR ay agad rin akong inasikaso ng staff na nag-asikaso sa akin nang initial interview ko. Doon ko lang nalaman ang pangalan nito na Jenny.
Pinapirma ako ni Miss Jenny ng kontrata at nagulat ako sa monthly salary ko— 22 thousand per month plus benefits! At marami silang benefits. Like meal and transpo allowance kapag nag-oovertime. May rice at medical allowance din. May increase din once na ma-regular sa trabaho at mas malalaking benefits.
Wala pa man ang first day ko ay tila bigla akong ginanahan na magsimula na sa trabaho. Walang alinlangan na akong pumirma ng kontrata. Bigla ay nawala sa isip ko ang mga negative kong na-experience dito sa kumpanya.
Lumipas pa ang ilang minuto ay nagsimula na mag-discuss sa akin si Miss Jenny ng company policies. Lahat ay na-tacle naman sa akin. Bigla ko naman na-realize kung gaano kahigpit dito. Binalaan din ako ni Miss Jenny na mahigpit ang CEO dito. Naninigaw raw. Well, hindi pa man nito sinasabi ay aware na naman ako.
Mas lamang ang excitement sa akin kahit na ilang babala pa ang sabihin sa akin dahil sa nakita kong amount ng starting salary ko. Nang natapos na ang kulang na isang oras ay umalis si Miss Jenny at iniwan muna ako sa room.
Napapangiti akong mag-isa dahil sa swerte na nararanasan ko. May awa talaga ang Diyos at hindi hinayaan na malugmok kaming magkapatid sa lusak.
Ilang sandali lang ako naghintay ay bumalik na agad si Miss Jenny na may dalang set of uniform na binigay sa akin. Malapad ang ngiti kong tinanggap iyon.
“Magsisimula ka na sa darating na lunes.” Nakangiting sabi ni Miss Jenny.
“Thank you, Miss Jenny.” Magalang na sabi ko.
Hindi na rin ako nagtagal sa kumpanya. Masaya akong umuwi ng bahay at binalita kay Heaven ang good news.
“Talaga, Ate Mira?! Congrats!”
Niyakap pa ako ni Heaven nang mahigpit at yumakap din ako pabalik sa kanya. Sa gano’n sitwasyon kami naabutan ni Tita Mayet na kakabalik lang sa trabaho.
Mukha pa siyang puyat. Dapat ay kanina pa siya nakauwi rito dahil lagpas na ang tanghalian.
“Tita Mayet, natanggap po ako sa trabaho!” Puno ng excitement na balita ko.
Deretso lang na naglakad si Tita papunta sa ref para buksan iyon at uminom ng tubig habang kami ni Heaven ay umayos ng tayo at pinagmasdan na lang siya.
“Malaki ba ang sahod d’yan sa pinasukan mo? Baka mamaya ay kulang pa ‘yan sa pag-aaral ni Heaven Venice at humingi ka pa sa akin?” Biglang sambit ni Tita Mayet dahilan para mapalitan ng sama ng loob ang saya ko.
“Sapat naman po, tita.” Ang nasambit ko na lang.
“Tsk! Kung sa club siguro ay baka sobra sobra pa ang kitain mo!” Parang galit pa na sabi ni Tita Mayet at matapos ay nagpunta na ng kwarto nito.
Binalewala ko na lang ang sinabi ng Tita ko dahil madalas niya naman na litanya ‘yon. Baka sobrang pagod lang siya. O, baka naman natalo na naman sa sugal.
Mabuti na lang at hindi siya interested sa sahod ko. Akala siguro niya ay maliit lang ang salary offer sa akin.
Ang hirap kasi sa tao kapag close-minded, eh. Akala ni Tita Mayet ay tanging pagtatrabaho lang sa club ang magbibigay ginhawa sa amin. Pero maginhawa ba kami? Hindi naman, dahil may bisyo siya. Walang panalo kapag may bisyo.
Mabuti na lang at inasikaso ako ni Heaven dahil hindi pa ako kumakain. Naging positive na lang ako para sa mga susunod na araw ay maganda ang awra ko na magsisimula sa trabaho.
Natulog ako ng gabing iyon na may malaking ngiti sa labi at nagpasalamat sa Diyos dahil binigyan ako ng blessing.
Lumipas pa ang ilang araw hanggang sa dumating ang araw ng first day ko. Gumising pa ako ng 2 hours advance sa normal na gising ko h’wag lang ma-late sa first day work.
Dahil takot akong ma-late ay maaga rin akong umalis ng bahay. Suot ang uniform ko na bumagay sa akin. Puro sipol ng mga manyak ang narinig ko habang naglalakad sa eskinita namin papalabas para makasakay ako ng jeep. Labas ba naman ang hubog ng katawan ko sa suot, eh. 2 inches above the knee ang skirt kaya litaw ang maputi kong legs. Parang sinukat sa akin ang uniform na hindi ko na kinailangan pang ipa-repair. Kaya ang mga manyakis ay parang mga asong ul*l na nakakita ng lalapain.
Hanggang sa makarating ako sa Caballero Building. Magalang na akong binati ng guard at hindi na nagpa-cute sa akin. Siguro dahil nakita na nitong nakasuot na ako ng uniform. Takot siguro na isumbong ko sa agency nila.
Nagpunta muna ako ng HR at pinagawan ako ng ID kaya pinicturan muna ako. Si Miss Jenny ay inilibot ako sa iba’t ibang floor kung saan ipinakilala ako. Kita ko ang mga paghanga ng empleyado sa akin. Ang ibang lalaki ay nagparinig agad na sinaway ni Jenny. Ako naman ay nakisama na lang at tamang ngiti lang para naman hindi ako magmukhang mataray sa paningin nila.
“Finally, do’n naman tayo sa executive office at ipapakilala kita sa CEO. Tapos ay dadalhin na kita sa Marketing department para si Miss Ryza na ang bahalang magpakilala sa’yo sa magiging teammate mo.”
Kinabahan ako dahil baka pati sa CEO ay ipakilala ko. Pero nang naglakad na si Miss Jenny ay sinundan ko na lang siya. Hanggang sa makarating kami sa floor kung saan ako naki-CR.
Nang bumungad kami sa entrance ng office ay nakita ko na may ilang cubicle na naroon. Pinasadahan ko ng tingin ang mga naroon at ang iba ay subsob sa work. Wala pa naman na 10 ang empleyado na naroon at bigla kong napansin ang isang employee na nakita ko na naroon sa CR dahil nakatayo ito sa may tabi ng photocopy machine at busy do’n.
“Hello, guys, Let’s welcome the new employee of CBC, Miracle Florence.”
Nagsitayuan ang mga nasa cubicle at kita ko ang excitement sa mga mata nila kagaya ng mga reaction ng nasa ibang department. Sandali lang naman akong ipinakilala isa-isa at sinabi ni Miss Jenny ang mga pangalan nila na wala akong natandaan except do’n sa Lucy na naalala ko dahil ito ‘yong umiiyak sa CR.
Ilang sandali at naglakad si Miss Jenny na sinundan ko naman. Dumaan kami sa isang maikling hallway at matapos ay bumungad sa aking ang isang spacious na area at mayroong isang table roon na may naka-upong babae na estimate ko ay nasa late twenties na.
“Ma’am Lori.” Tawag ni Miss Jenny.
Napangiti naman ‘yung Ma’am Lori sa amin.
“Siya ba ang new employee sa marketing? Ang ganda at sexy, ha. Batang-bata. Fresh na fresh. Good morning, Miss beautiful.”
Ngumiti ako sa babae. Sa paraan ng pagsasalita nito ay feeling ko ay kalog siya.
“Oo, 'di ba? Ang ganda ganda niya.” Sambit ni Miss Jenny na matapos ay tumingin sa akin. “Mira, siya si Ma’am Lori ang secretary ng CEO na si Sir Jarred.”
“Good morning, Ma’am.” Sambit ko na nakangiti.
“Pwede bang kumatok sa office ni Sir Jarred? Ipapakilala ko lang si Mira.” Sambit ni Miss Jenny dahilan para kumabog ang dibdib ko sa kaba at hindi pa ‘yata ako ready na makilala ang masungit na boss.