Miracle Florence Geronimo
“Hindi na kita ipapakilala sa CEO, ha? Medyo mainit kasi ang ulo niya ngayon. Tsaka lalabas siya ng office maya-maya dahil may ka-meeting siya sandali.” Sambit ni Ma’am Lori.
“Kailan ba hindi uminit ang ulo niya?” Tukso naman ni Miss Jenny.
“Uyyy… Baka matakot si Mira… First day niya pa naman ngayon.” Natatawang sabi ni Ma’am Lori na tumingin pa sandali sa akin.
“Oh, siya sige aalis na kami.” Sambit na lang ni Miss Jenny.
Dinala na ako ni Miss Jenny sa ka-department ko at sinalubong naman ako ni Ate Ryza. Ipinakilala niya ako sa ka-department ko at halos lahat naman sila ay mababait.
“Sir Justin, ito na po si Miracle.” Pakilala ni Ate Ryza sa akin do’n sa Team Leader na in-charge sa marketing events na madalas ko raw makakasama kapag naka-official business kami.
Nakipagkamay ako sa kanya at naramdaman ko ang pagpisil nito sa kamay ko na nagdulot ng pagkailang sa akin. Sa tingin sa akin ni Sir Justin ay parang hinuhubaran na niya ang buo kong katawan.
Agad ko naman na kinuha ang kamay ko at pilit na ngumiti sa TL ko. Parang nasa early thirties na ito kaya bigla akong kinilabutan na pati bata pa na gaya ko ay pagti-trip-an nito.
“I’m just busy now, Ryza. Paki-assist mo muna si Miracle at ituro ang iba niyang work. Sa susunod na araw ay isasama ko siya at makikipag-meet ako sa isa natin na client dahil may sponsorship tayo sa isang event.” Sambit ni Sir Justin.
Iniwan na kami ni Sir Justin na tinapunan ako nang malagkit na tingin bago tuluyan na umalis. Parang nanuyo ang lalamunan ko at biglang nag-worry sa safety ko kung sakali man na may balak na masama sa akin ang TL ko kapag magba-byahe kami.
Dinala na ako ni Ate Ryza sa workstation ko na magkatabi lang kami. Naging busy kami sa pagtuturuan. Paminsan minsan ay lumalapit ang ilan kong ka-department at binabati ako o tinatanong. Halatang nakikipag-kaibigan. Ang ibang boys ay nagpapa-pansin.
Mababait naman ang mga ka-department ko at nasa walo kaming under ni Sir Justin na team leader at manager namin si Mrs. Perez.
Malapit ng mag-lunch ay biglang may tumawag kay Ate Ryza habang may tiuturo sa akin.
“Sandali lang at sasagutin ko lang, Mira.”
Nakatingin lang ako sa monitor habang may kausap si Ate Ryza. So far ay nage-gets ko naman ang mga turo ni Ate. Mahinahon lang din siya magpaliwanag kaya hindi ako naiilang na magtanong kapag may hindi agad ako naintindihan.
“Mira, pumunta ka muna sa HR para ma-issue na ang company ID mo at pagkatapos raw ay pumunta ka sa IT department at ipapa-register mo 'yong biometrics kapag nagta-time in ka sa umaga.” Sambit ni Ate Ryza matapos nitong kausapin ang tumawag sa kanya.
Ako naman ay sumunod sa instruction sa akin. Nang nagpunta ako sa HR ay binigay naman agad sa akin ang ID ko.
Imbes na papuntahin ako ni Miss Jenny sa IT department ay tinawagan pa nito ang isang staff para samahan ako sa may lobby.
Dumating naman ang isang lalaki at sinundo ako sa HR para magpunta kami sa may lobby kung saan nakalagay ang biometrics. Matapos mag-enroll ng mga fingerprint pati na rin ang ID ko na i-swipe lang ay may time in at out na ako ay bigla naman akong tinawag ng receptionist.
“Hi, Miss Miracle. Pwede ba humingi ng favor? May ipabibigay akong documents para kay Ryza?”
“Sure, Ma’am.” Nakangiting sabi ko.
“Salamat, ha… Sandali lang at kukunin ko muna.
Naging busy ang receptionist sa pagkalkal sa may drawer niya. Pero hindi niya naman pinatagal ang paghihintay ko at inabot sa akin ang ilang folder at papel. Parang mga resibo or billing documents ‘yun.
“Salamat, Mira, ha… Pasensya na at baka may tumawag kasi na importante at hindi ko masagot. Wala kasi ‘yung isa kong kasama.”
“Okay lang, Ma’am.” Sagot ko matapos halukipkipin ang mga documents para hindi ‘yon mahulog.
Tinalikuran ko na ang receptionist at naglakad na patungo sa elevator. Malapit lapit na ang lunch at siguradong maya-maya ay magsisibabaan na ang mga empleyado.
Sarado ang elevator at wala naman na gumagamit kaya pinindot ko pa ang open button. Pero kung minamalas ka nga naman dahil natapilok pa ako at tumama ang sapatos ko doon sa sahig papasok sa elevator.
“Ahhh…” Mahinang sigaw ko.
Hindi naman ako nahulog pero lahat ng dala ko ay tumapon sa lapag.
“My goodness!” Bigla akong nataranta dahil kumalat pa ‘yon mismo sa loob ng elevator.
Bigla akong pumasok sa loob no’n at lumuhod para kunin isa isa ang papel. Bigla naman na sumara ang elevator at ilang sandali ay bumukas rin. Napatingin ako sa pinto at nakita ko ang isang paa at may papasok pala sa loob. Hindi ko na nagawang tingalain pa kung sino ‘yon at abala ako sa pagpulot ng documents at folder hanggang sa biglang humakbang ang tao papasok.
Napatingin ako sandali sa sapatos ng taong pumasok. Lalaki ‘yon dahil leather shoes ang suot nito. Narinig ko na lang ang pagpindot nito sa button.
“Tsk! Kalalaking tao ay hindi man lang ako tulungan dito.” Sa isip isip ko.
Hindi ko na tuloy napindot kung saang floor ako bababa. Hanggang sa mapulot ko ang lahat ng documents at akmang tatayo nang biglang nawalan ng ilaw.
“Ahhh!” Bigla akong napasigaw dahil sa dilim at nabitawan ko muli ang mga documents at alam kong nagkalat na ‘yon sa lapag.
“F*ckingsh*t! What happened?” Narinig kong malakas na mura ng kasama ko. Ang baritono ng boses nito.
Bigla ay para akong masu-suffocate. Wala akong makita. “Tulong!” Sigaw ko.
Bigla kong kinapa ang taong alam kong kasama ko sa elevator. Unconciously ay bigla akong napayakap sa kanya. Kung sino man siya ay wala akong pakialam sa ganitong sitwasyon.
Sobrang kinakabahan akong napayakap sa lalaki.
“Ahhh… Tulong! Please! Tulong!” Patuloy kong sigaw feeling ko ay may sasaksak na naman sa akin kapag ganitong kadilim. Bigla na naman bumalik sa akin ang alaala ng kahapon.
“D*mn you, stupid woman! Don’t touch me!” Galit na sigaw ng lalaki.
Pero wala akong pakialam kahit magalit ito. Ramdam ko na sobrang dikit na dikit ang katawan ko. Pero ayokong humiwalay dito dahil sa takot.
“Please! Natatakot ako!” Pagmamakaawa ko sa lalaking pilit na nilalayo ang katawan ko.
“I swear that I will fire you kung sino ka man na empleyado ka! Stupid!” Pagkasabi ng lalaki ay nagawa nitong ilayo ang katawan sa akin pero ikinawit ko ang kamay ko sa feeling ko kung nasaan ang batok nito.
“Ahhhh!” Napasigaw ako nang tumama ang likod ko sa dingding ng elevator.
Kung may liwanag lang ay makakaiwas ako. Pero wala. Naramdaman ko naman na tila napatianod ang katawan ng lalaki sa akin na ngayon ay nakadikit ang katawan nito sa akin at ang kamay nito ay napahapit sa beywang ko.
Ilang sandali lang ay biglang bumukas ang ilaw at biglang nanlaki ang mata ko nang mabungaran kung sino ang lalaking kasama ko sa elevator sa akward na sitwasyon.
“Siya ‘yon! Siya ‘ang nasa picture na na-research ko. Jarred Karl Caballero. Ang CEO namin!”
Bakit sa dinami-dami ng tao ay siya pa ang makakasama ko dito? Bigla ko tuloy naalala ang sinigaw niya kanina. Tatanggalin niya ako sa trabaho!
Sobrang lapit na pala ng mga mukha namin na ngayon ko lang na-realize dahil sa sobrang taranta ko. Pero lalo yatang nag-iba ang pintig ng puso ko nang magtama ang tingin namin. Galit ang itsura ng mukha ni Sir Jarred.
Shit! Sobrang gwapo niya kahit mukhang sasakmalin ako sa galit! Ang bango ng hininga niyang tumatama sa mukha ko. Humahangos ako dahil sa panic kaya malamang ay nasasamyo niya rin ang hininga ko.
Gustohin ko man na gumalaw ay tila nanlambot na ang katawan ko at kapag bumitaw ako ng yakap sa kanya ay matutumba ako.
Hindi ko maintindihan kung bakit biglang napalitan ng pagkagulat ang tingin sa akin ni Sir Jarred hanggang sa naging malamlam habang bumababa pa ang tingin niya sa ilong ko patungo sa naka-awang kong labi.