Chapter 5

2064 Words
Miracle Florence Geronimo “Sir!” malakas na sabi ko. Bigla kong tinanggal ang mga braso kong nakakapit kay Sir Jarred at tinulak ang dibdib niya. Nabigla pa ako nang mahawakan ‘yon dahil sa tigas ng muscles. Pinilit kong lumayo sa katawan niya. Binaling ko ang tingin sa lapag at mas lalong nagkalat ang mga documents na kanina ay pinulot ko na. Napahawak ako sa bibig ko at matapos ay muling nilipat ang tingin kay Sir Jarred na tila gulat na gulat sa ginawa kong pagtulak sa kanya. Nataranta na ako at hindi ko kinaya na magkatama ang tingin namin ng CEO. Ilang sandali ko pa lang siya nakita ay parang tatakasan na ako ng ulirat. Sakto pa na narito kami sa loob ng elevator at tila nade-deprive na ako ng hangin. Parang lalo akong nahihirapan na huminga. Agad akong lumuhod para magsimulang magpulot muli ng mga documents. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagluhod ni Sir Jarred. Napatingin ako dahil kung kanina ay labis ang galit nito sa akin ay ngayon ay nagpupulot na rin ito ng mga papel na nahulog. Tumutulong siya sa akin. Hindi nakatingin sa akin ang boss ko kaya namasdan ko ang mukha niya habang naka-sideview at napapa-OMG ako sa isip ko sa sobrang gwapo niya. Akmang titingnan ako ni Sir Jarred na malamang na nakita akong natigilan mula sa gilid ng mata nito kaya bigla muli akong kumilos at nagpulot ng documents. Pero parang bigla akong nakuryente nang mahawakan ko ang isang folder ay sakto na hahawakan rin pala ni Sir Jarred ‘yon kaya ang nahawakan nito ay ang kamay ko. Napaawang ang labi ko na biglang binaling ang tingin sa lalaki na sakto na nakatingin sa akin. “I’ll help you.” Bigla nitong sambit na ito rin ang nagtanggal sa kamay nito sa akin. Lahat ng pagsusungit sa boses nito kaninang madilim pa ay bigla na lang nawala. Nang binaling na ni Sir ang tingin sa mga files at nag-concentrate sa pinupulot ay pati ako ay gano’n n rin ang ginawa hanggang sa makuha namin lahat ng files. Tumayo ako at doon ang tingin ko sa hawak ni Sir Jarred na inaabot sa akin. “S-salamat po, Sir. At pasensya na rin po dahil natakot ako kanina.” Yumukod pa ako para hindi na magtama pa ang tingin namin. Wala naman akong narinig man lang na sagot sa lalaki hanggang sa maramdaman ko na bumukas ang pinto ng elevator. Humakbang si Sir Jarred palabas at nang inangat ko ang tingin ay nakita ko na lang ang matipunong likod nito. Pati likod niya ay ang sexy. First time ko yata na humanga nang ganito sa mas matanda sa akin ng maraming taon. Natatandaan ko pa nang una kong makita ang picture ni Sir Jarred at sa picture pa lang ay sinikap ko nang ma uncrush siya. Pero ngayon na nakita ko siya sa personal ay ewan ko ba, para s’yang artista na kulang na lang ay malaglag ang panty ko sa tingin niya. Parang bigla ko na naman siya naging crush. Hindi ko na tuloy namalayan na sumara na ang pinto ng elevator. Nang tiningnan ko kung nasaang floor ako ay nakita kong naroon sa floor kung nasaan ang CEO’s office. Dahil sa taranta ay hindi ko pala napindot man lang kung saan ako bababa. Pinindot ko ang 18th floor para makabalik ako sa workstation ko. Sinaway ko naman ang sarili sa isipin na may crush ako sa amo namin. Though, sa edad kong ito ay normal naman naman na magkagusto sa isang lalaki ay ayoko pa rin na maramdaman na mahulog kahit kaninong lalaki, lalo na at may goal pa ako na maging stable muna ako sa trabaho para aming magkapatid. Namalayan ko na lang na bumukas na ang elevator at nagtungo ako sa workstation ko. "Oh, buti bakabalik ka na?” Sambit ni Ate Ryza. “Nasaan ka nang inabot ng blackout?” “H-ha? N-nandon sa elevator,” sagot ko inilapag ang mga documents na para sa kanya sa table niya. “P-pasensya ka na, Ate Ryza… Bigla kasing nahulog ‘yan sa elevator at sakto pa na nawalan ng ilaw. Nagulo tuloy ang files.” “Okay lang, Mira… Aayusin ko na lang. Almost lunch na. Saan ka kakain? Lalabas ka ba? Maraming fastfood sa labas. Meron din naman tayong tenant na canteen dito. Mas mura ng kaunti kesa sa fastfood maliit nga lang ang serving. Pero masasarap ang mga lutong bahay nila. Sama ka sa akin?” “H-ha?” tanong ko. Hindi kasi masyadong marinig ng tainga ko ang sinasabi ni Ate Ryza kahit magkaharap kami dahil occupied pa rin ang utak ko. “Sabi ko sasabay ka ba?” Kunot ang noo na tanong niya. “Bakit pala para kang kinakabahan d’yan na hindi ko maintindihan?” “W-wala, Ate… Natakot lang ako kanina ng namatay ang ilaw sa elevator. Natatakot kasi ako sa dilim kapag bago sa akin ang lugar. Parang feeling ko laging may masamang mangyayari sa akin.” Sambit ko. Totoo naman ang sinabi kong natatakot ako sa dilim. Pero hindi ko na lang binanggit kay Ate Ryza na malaking factor kung bakit mukha akong kabado ay dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang tension sa nangyaring awkward sa pagitan namin ng hot CEO na si Sir Jarred. “Ganon ba? Sige prepare ka na for lunch. Namatay ang laptop mo. Check mo na lang at baka may files kang nawala at hindi na-save. Sabay na tayong bumaba sa canteen.” “O-oo, Ate. “ Magalang na sabi ko at matapos ay nagpunta na sa table ko. Ilang minuto na lang at alas dose na. Nang nilibot ko naman ang tingin ay napansin ko na ang iba kong ka-department ay hindi na nagtatrabaho at mukhang naghihintay na lang ng lunch. Ang ibang lalaki ay napapasulyap pa sa akin. Kinuha ko na lang ang bag ko para kunin ang wallet ko. Nang saktong alas dose na ay nagsitayuan na halos lahat. Inaya na ako ni Ate Ryza at sumunod naman ako. Nang nasa elevator na kami ay naririnig ko pa ang mga tuksuhan ng ilan kong ka-department. Nagpaparinig ang ilan. Mukhang may tinutukso ang ilan na isang lalaki. “Baka simula ngayon ay hindi ka na mag-file ng leave, pre?” Sambit ng isang lalaki. Hindi ko naman kasi tanda ang mga pangalan nila dahil first day ko pa lang. “Oo nga. Kapag may maganda kasing babae na makikita, nakakaganang mag-work!” Sambit ng isang lalaki. Nasa likod ko lang sila at ayoko naman na lingonin pa. Pero parang ako ang pinag-uusapan dahil kanina ay ang lalaking ‘yon ay malagkit ang tingin sa akin. “Hoy! Hands off na kayo… Mukhang type din ni Sir Justin!” sambit ng isa na babae naman ang nagsalita. “Hoy! Ano ba kayo? Kabago-bago ni Mira, pinopormahan niyo! Ang bata pa nito noh.” Saway naman ni Ate Ryza. “Tsk! Binuko mo naman agad Ryza. Masama ba na manligaw?” Sagot ng lalaki. So ako talaga ang pinag-uusapan? Tsk! Mga lalaki talaga! Ligaw agad? Ayoko nga! Bumukas na ang elevator kaya hindi na nakaimik ang mga nasa likod ko. Pinulupot naman ni Ate Ryza ang braso niya sa akin at iginiya ako sa canteen. Doon din pala papunta ang grupo ng ka-department ko. Hindi ko na lang pinansin ang presensya nila habang nagtatawanan pa. Nag-order na kami ng pagkain namin. Nag-offer pa ‘yung lalaking may crush sa akin na ililibre ako pero tinanggihan ko. Mabuti na lang at kasya ang pera ko pambili ng ulam. Medyo pricey rin para sa akin ang mga ulam dito sa canteen pero wala naman akong choice dahil mas mahal pa rin kung sa fastfood ako kakain. Ilang araw pa ako na kailangan na magtiis dahil hindi pa naman ako agad na makakasahod. Kapag naubusan ako ng budget ay no choice talaga na mangungutang ako. Bahala na kung kanino. Inaya ko si Ate Ryza na maupo sa pang-dalawahan na tao matapos namin na makuha ang mga order namin. Ayoko na kasi na sumabay pa sa amin ang iba dahil naiimbyerna lang ako. Maluwag ang canteen. Maraming empleyado ang naa-accommodate galing sa iba’t ibang tenant ng building. “Naku, ‘wag kang magpadala sa mga lalaking ‘yon ha? Maraming babaero sa department natin, eh.” Natatawang sabi naman ni Ate Ryza pagkaupo namin. Na-sense niya yata na hindi ako comfortable sa mga kasama namin. “Oo, Ate Ryza. Halata naman sa tabas ng mga dila nila.” “Ang ganda mo kasi, noh? May lahi ka ba?” tanong ni Ate Ryza. “May lahi akong Espanyol, Ate.” Sagot ko. “Owww, kaya naman pala iba ang ganda mo. ‘Yung father side or mother side mo ba?” Tanong muli ni Ate Ryza. Binaling ko na ang tingin sa pagkain ko at hinawakan ang kutsara’t tinidor. Hindi na ako kumportable sa takbo ng usapan namin. “Ang father ko ang Espanyol, Ate.” Sagot ko sabay subo ng pagkain para hindi na niya ako tangkain na kausapin pa. “Ibang klase talaga kapag nalalahian ang Pinoy noh? Ang ganda ng kinalalabasan. Sobrang ganda mo, eh. Sobrang fresh at batang-bata. Parang pwede kang mag-audition na lang ng artista. Bagay na bagay ka talaga na maging brand ambassador natin.” Sagot ni Ate Ryza na sumubo na rin kaya hindi na muling nagtanong pa. Mabuti naman dahil ikinahihiya ko ang maging anak ng isang dancer sa club. Baka malaman pa ng mga kasama ko at mag-iba ang tingin sa akin. Baka isipin na suma-sideline rin ako sa club at maging dahilan pa para bastusin ako. Mabuti na nga lang at hindi personal ang mga tanong sa akin sa interview kaya hindi nabulatlat ang pagkatao ko. Nag-concentrate naman na kami sa pagkain. May ilang personal na tanong pa sa akin si Ate Ryza pero pinilit kong i-divert at ako ang nagtanong sa kanya ng personal. Hanggang sa natapos na kaming kumain at bumalik na sa workstation namin. Ang ibang officemate naman namin ay wala pa roon. Naiwan pa kasi sa canteen ang iba. Ang iba naman ay lunch out. Naupo ako sa table ko. Nakapatay ang ilang ilaw kaya medyo dim. Pwedeng sumaglit ng idlip dahil maaga pa naman. Nang tiningnan ko si Ate Ryza ay akmang matutulog din ito sa table niya pero biglang dumating ang na humahangos sa table ko ang HR Staff na si Miss Jenny. Pati tuloy si Ate Ryza ay naistorbo at agad kaming nilapitan. “Mira! Pwede ba na paistorbo sandali?” “Miss Jenny, bakit anong problema? Anong nangyari at kailangan mo si Mira? Tsaka bakit parang namumutla ka?” singit ni Ate Ryza na puno ng curiousity ang mata. “Eh, kasi si Sir Jarred. Biglang nag-utos na i-send daw sa kanya lahat ng 201 ng employee ng CBC.” “H-hah? Bakit anong meron? Bakit lahat ng detalye natin ay kailangan niya. Naku nakakakaba naman ‘yan ha. Anong meron may tanggalan ba? My re-shuffle? Oh, baka naman may salary increase?!” exaggerated na sunod sunod na tanong ni Ate Ryza. Siya na ang kumakausap kahit ano ang sadya. “O-oo nga, Miss Jenny. Tsaka bakit may kailangan po ba kayo sa akin?” Kinakabahan na singit ko naman. Diyos ko! H’wag naman sana na kabago-bago ko dito ay tatanggalin na ako. Bigla ko pang naalala na galit na galit sa akin si Sir Jarred kanina sa elevator nang namatay ang ilaw. “Oo, kasi kumpleto naman ang files ko. Kaso nakalimutan ko palang i-photocopy ‘yung ID mo kanina. Pwede ba na hiramin ko sandali para maipasa na kay Sir Jarred. Biglang naglaho ang kaba ko. Akala ko kung ano na. Agad kong binigay ang ID ko. “Salamat, Mira… Para maipasa ko na kay Sir at makakain na.” “S-sige po.” Sagot ko. “Akmang aalis na si Miss Jenny sa harap ko nang nagsalita pa si Ate Ryza. “Basta, Miss Jenny… Sabihan mo kami kung para saan kung bakit gustong malaman ni Boss ang mga employment details namin ha.” Sambit ni Ate Ryza. “Oo. Basta ang alam ko lang din ay pagkarating na pagkarating kanina ni Sir Jarred galing sa meeting ay biglang naging curious sa mga details ng employee niya. Himala ‘di ba?!” sagot naman ni Miss Jenny.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD