Chapter 1

2436 Words
Miracle Florence Geronimo "Kinakabahan ako, sis, baka hindi ako matanggap." Sambit ko sa kapatid ko habang nasa harap ng salamin at tinitingnan ang itsura ko. Suot ang skirt na 3 inches above the knee at white blouse na pinatungan ko ng blazer ay mukha na akong pormal. Pinusod ko ang lagpas balikat na buhok. Naglagay ako ng lipgloss sa natural kong kissable lips na mamula mula pa. Kahit wala namang make-up ay mapapa- second look ang kahit sino sa mala-artista kong itsura. Pero gusto kong mag-make up para magmukha talaga akong aplikante. Bihis na ako at paalis para sa pupuntahan ko. Maaga pa para sa interview ko mamayang alas 10 ng umaga bilang office clerk sa isang kilalang company sa Pilipinas, ang Caballero Brewery na major supplier ng mamahaling alak sa merkado. Sa lawak ng operations ng kumpanya ay kasama ito sa top companies sa buong Pilipinas. Kaya nga labis ang kaba ko sa interview na ito. Hindi ako graduate ng 4-year course pero meron akong diploma para sa vocational course na office administration. Kaka-graduate ko lang nitong nakaraang buwan at gusto ko na ring gamitin ang pinag-aralan ko. Tinapos ko lang ang kontrata ko sa pinasukan kong part-time job sa isang sikat na fastfood chain para maging maganda naman ang record ko sa resume' na ginawa ko. At kung sakaling tawagan ang mga character reference ko ay maganda naman ang feedback na tinapos ko ang kontrata ko at hindi nag-awol. Mataas ang standard ng Caballero company para sa mga employee nila na malamang ay pipiliin ang isang may 4-year diploma kesa sa akin. Pero may backer ako. Alam ko naman na madalas na dito sa Pinas ay lamang ang may backer kesa sa qualification. Kaya umaasa ako. Tutulong ang naging supervisor ko sa fastfood chain na pinasukan ko nang nagwo-working student pa lang ako. May kapatid kasi ito na nagtatrabaho sa Caballero Brewery na nasa mataas na posisyon. Sobrang bait sa akin ng supervisor ko na ‘yon at feeling ko ay naawa talaga sa akin at nakita kung gaano ako kasipag na estudyante kaya tinutulungan ako. “Ate, kaya mo ‘yan. Ikaw pa ba?” Pagpapalakas ng loob sa akin ng highschool student kong kapatid. Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong hininga para paalisin ang kaba sa dibdib ko. Hinarap ko ang kapatid ko. “Kakayanin ko, Heaven. Para sa pag-aaral mo. Para maka-alis na rin tayo sa poder ni Tiya Mayet.” sambit ko na seryosong tumingin sa kapatid ko. Nakita ko agad ang mapait na ngiti ng kapatid ko. Alam ko naman na gaya ko ay takot din ito na mapunta kami sa trabahong hindi namin makakayanan na sikmurain. Ang magbenta ng aliw sa mga lasing na lalaki sa isang club. Ang Tita ko kasi kung saan kami nakadepende ngayon ay nagta-trabaho sa isang night club. Matagal na nitong sinasabi na pasukin ko ang pagiging dancer sa club dahil mas malaki ang kikitain ko. Pero ayoko. Ayokong ibenta ang puri ko kahit kanino kapalit ng pera. Bahala nang mahirap ang buhay basta disente ang magiging trabaho ko. Hindi naman sobrang sama ang ugali ng Tita ko. Pero minsan ay napapasobra na rin ito sa pagpaparinig sa amin ng kapatid kong si Heaven Venice na nagiging pabigat na kami dito sa bahay. Dati naman ay hindi gano’n si Tiya Mayet. Pero simula nang namatay ang kapatid niya na si Tita Olga na mas mabait sa amin ay nagbago na ang pakikitungo niya sa amin na halos isumbat na lahat ng ginagastos sa amin. Limang buwan na ang nakakalipas no'n at medyo hindi na kinakaya ng tainga ko ang mga naririnig dito. Tatlong magkakapatid sina Nanay, si Tiya Mayet at ang isa nitong kapatid na nagtatrabaho sa isang factory ng canned goods na si Tita Olga. Si Nanay ay matagal nang namatay na kagaya ang trabaho kay Tiya Mayet na nagbebenta ng aliw. Bunga kami ng madilim na trabaho ni Nanay. Hindi namin nakilala ni Heaven ang mga tatay namin. Oo, magkaiba kami ng ama dahil nabuntis lang naman si Nanay ng kung sinong customer niya. May lahing Espanyol pa nga ako dahil sa kakaibang kutis ko na mala-Marian Rivera sa puti at kinis at nakuha ko sa naka-buntis kay Nanay na foreigner. 'Yon ang kwento nito dati sa akin nang nabubuhay pa ito. Si Heaven naman ay Pinoy ang ama dahil sa Morena nitong kutis. Pero maganda rin siya kagaya ko. Maganda naman kasi si Nanay na kahit papaano ay nakuha namin ang resemblance sa kanya. Nang nabubuhay pa si Nanay ay binusog niya naman kami sa pagmamahal. Medyo wala pa kasi kaming muwang sa buhay ni Heaven kaya hindi pa namin naiintindihan ang trabaho niya. Basta ang natatandaan ko na lang din ay madalas kaming matukso ni Heaven dahil sa trabaho ng nanay namin na isang dancer sa club. Idagdag sa panunukso sa amin na putok sa buho lang kami dahil wala kaming kinagisnang na ama. 12 years old ako nang namatay si Nanay na nadamay sa gulo sa night club na pinapasukan nito. Sobrang iyak namin ni Heaven dahil wala na nga kaming Tatay tapos nawalan pa kami ng Nanay. Sa huling hininga ni Nanay ay binilin niya sa akin ang kapatid ko na alagaan ko si Heaven at h’wag na huwag kaming gagaya sa trabahong kinasadlakan niya. Magtapos daw kami ng pag-aaral at itaguyod ang buhay namin. Magkasamang naninirahan sa isang bahay si Tita Olga at Tita Mayet. Pero si Tita Olga ang nag-aruga sa amin ni Heaven nang nawala si Nanay. Maalaga sa amin si Tita Olga na bina-budgetan talaga kahit ang skincare namin ni Heaven dati na nabubuhay pa siya kahit na maliit lang ang sahod niya sa pagtatrabaho sa factory. Tumutulong din naman si Tita Mayet sa gastusin namin ni Heaven sa pag-aaral. Pangarap ni Tita Olga na mag-artista ako. Artistahin daw kasi ako. Pero ako ay hindi ko naman pangarap 'yon. Lalo na at nagkaroon ako ng di malilimutan na experience isang beses na dinala ako ni Tita Olga sa isang star hunt audition ng isang sikat na TV network. Pangyayari na nalagay sa panganib ang buhay ko at muntikan ko nang ikamatay. Nagpatuloy naman ang buhay namin ni Heaven kasama si Tita Olga at Tita Mayet. Kahit papaano ay naitawaid ang pag-aaral namin. Nangako ako sa sarili na babayaran ko rin sina Tita sa paghihirap nila sa amin. Si Tita Olga ay tinuring naman kaming anak dahil wala naman itong pamilya. Na-broken hearted siya sa lalaking nanloko sa kanya at hindi na umibig at tanging sa amin binuhos ang pagmamahal nito. Si Tita Mayet naman ay nagkaroon ng live-in partner na nakilala nito sa club pero hindi naman nagtagal dahil babaero at iniwan din siya. Pero iyon ay malaking ipinagpasalamat ko rin dahil takot ako sa naging ka-live in ni Tita na pakiramdam ko ay lagi akong pinagnanasahan. Isang malaking dagok sa buhay nga namin ang pagkamatay ni Tita Olga dahil sa naaksidente ito sa trabaho naman. Labis din ang lungkot namin ni Heaven dahil si Tita Olga na ang tumayong ina namin matapos mamatay ni Nanay. Mabuti na lang at patapos na rin ako sa pag-aaral ng panahon na 'yon kaya naitawid ko ang mga huling buwan ng pag-aaral ko sa tulong ng karampot na sahod sa fastfood. Syempre at katuwang naman namin si Tita Mayet, pero' yun nga lang, panay parinig at sumbat na hindi ko na kinakaya. Nag-iisip na talaga akong bumukod na lang kami ni Heaven bago pa man kami impluwensyan sa trabaho nito. Recruiter na kasi si Tita Mayet ng mga babaeng nagbebenta ng laman at ito mismo ang middleman para makapili ang mga client ng babaeng ikakama. "Oh, Mira! Aalis ka na?" Napukaw ang pag-uusap namin ni Heaven nang bigla kong marinig ang boses ni Tita Mayet. Kinabahan tuloy akong narinig nito ang pag-uusap naming magkapatid. Pero malamang na hindi dahil hindi naman galit ang itsura nito. Mukhang pagod lang. Mukhang napaaga ang uwi nito ngayon. Usually ay bago ang tanghalian ang dating nito dito sa bahay kapag ganitong weekdays. Nagpapalipas ito ng gabi sa nightclub at doon na rin naiidlip bago umuwi dito sa bahay. Hindi naman weekends ngayon kaya expected kong uuwi si Tita. Napaaga nga lang. Kapag weekends kasi ay marami ang kliente nito na naghahanap ng aliw. "Oo, Tita... Interview ko po ngayon." pilit ang ngiti na sagot ko. Napailing na lang si Tita na tinungo ang lagayan ng baso bago binuksan ang ref at nagsalin ng tubig. Ako naman ay napabuga ng hangin habang pinagmasdan ang babae na umiinom ng tubig. Maliit lang kasi itong bahay namin kaya bukod sa kwarto namin ni Heaven at kwarto ni Tita ay lahat na ng gamit ay nandito sa sala. Kita na rin ang sink at kusina na nasa gilid lang. Kung tutuusin ay malaki ang kita ng Tita ko, pero may bisyo kasi itong sugal kaya hindi gano'n kaganda ang takbo ng buhay namin. "Kung sa club ka na lang nag-a-apply ay malamang na hindi ka na maghihirap sa interview, Mira. Kaso wala eh... Kulang ka sa diskarte." Sambit ni Tita Mayet. Nakagat ko na lang ang ibabang labi. Ayokong sagutin si Tita at alam ko naman na puyat lang ito. Hindi rin naman ito laging maanghang magsalita sa akin. Walang sabi-sabi na pumasok si Tita sa kwarto nito at iniwan kaming nagtitinginan ni Heaven. Napakibit balikat na lang ako kay Heaven. "Mauuna na ako, ha. Ikaw na ang bahala dito sa bahay. Lutuan mo na lang si Tita para may makain kapag gising niya." sambit ko sa kapatid. "Oo, Ate. Ako na ang bahala. Basta mag-text ka sa akin kapag pauwi ka na, ha?" Hindi ko na kailangan na masyadong magbilin sa kapatid ko dahil maasahan ito sa gawaing bahay at pagluluto. Bakasyon ngayon sa eskwela kaya hindi rin ito busy. Nagpapaalam nga si Heaven na maghahanap daw ng parttime job ngayong bakasyon niya pero hindi ako pumayag. Gusto ko na tumulong muna siya dito sa bahay para maraming matutunan sa loob ng bahay. Para. Ma-impress din si Tita Mayet at wala naman kaming marinig na wala kaming ambag sa bahay. Kinuha ko na ang envelope kung saan naroon ang resume' ko. Isinukbit ko na ang bag ko matapos tapikin si Heaven. Hinatid pa ako ni Heaven sa pinto. "Ingat, Ate Mira. Goodluck." Nakangiti ako sa kapatid ko bago ko siya tinalikuran. Sa ngayon ay puno ako ng pag-asa na mabago ang takbo ng buhay naming magkapatid. Siya ang inspiration ko sa buhay kaya nagsisikap ako. Malalagkit na tinginan ang inabot ko habang naglalakad sa eskinita papalabas kung nasaan ang main road na makakasakay ako ng jeep. As usual panay sipol ang narinig ko mula sa mga manyakis at dakilang tambay dito sa depressed area na tinitirhan ko. Lugar na gusto ko ng takasan. Matagal na. Nasa point na kasi ako ng buhay ko na may takot na rin ako sa mga tambay dito na gawan kami ng masama ng kapatid ko. Kaya nga conservative kami na manamit para hindi mabastos. Pero ngayon ay skirt ang suot ko kaya kitang kita ko kung paano pinagpiyestahan ng mga manyak ang katawan ko sa pagdaan ko ng eskinita. Nang makarating ako sa sakayan ng jeep ay agad naman akong nakasakay. Sa aga kong umalis ay confident ako na hindi male-late sa interview. First impressions last, kaya gusto kong magpakitang gilas para lang lumaki ang chance na matanggap sa trabaho. Mabilis ang naging byahe ko dahil tapos naman na ang rush hour. Sa Ortigas ang main office ng Caballero Brewey. Mabuti na nga lang at medyo malapit lang, kesa naman maging Makati City na malayo at mapapagastos ako sa pamasahe. Medyo mainit na habang nilakad ko ang papunta sa Caballero Building. Mabuti na lang at hindi naman ako pawisin kaya medyo okay pa ang amoy ko. Ang laki ng awang ng labi ko nang marating ko 'yon. Ang taas ng building at bigla akong na-excite na magtrabaho sa corporate world. "Kuya, may interview po ako sa HR ngayon." magalang na sabi ko sa guard. "Naku, hindi ito talent search, Miss. Corporate office ito." Malagkit ang tingin sa akin ng guard na nakarating pa sa bandang legs ko. "Tsk! Hanggang dito ba naman ay may manyak?" sa isip isip ko. "Ahmm, Kuya... Office staff ang ina-applayan ko." "Ay pasensya na, Miss, ha. Akala ko kasi artista ka. Ang ganda mo kasi eh." Banat ng guard. Sanay ako sa mga banat at pick up lines ng kalalakihan kaya balewala na lang 'yon sa akin. Pinakita ko na lang na seryoso ako. Hindi na naman nagpa-cute si Kuya matapos akong hingan ng ID at pinapunta sa floor kung nasaan ang HR department para sa initial interview ko. Nang makarating ako sa HR department ay may mabait na staff do'n na pinaupo ako sa waiting area dahil masyado raw akong maaga para sa oras ng interview ko. Meron pa raw na nakasalang na ini-enterview sa posistion na inaapplyan ko. Kinabahan naman ako sa sinabi ng staff. Ngayon pa lang ay kabado bente na ako dahil baka hindi ako ang mapili sa trabaho. "Ahh, Mam... Pwede po ba na mag-CR sandali." Paalam ko sa staff nang pumunta dito sa waiting area at may dinala na babaeng sa tingin ko ay aplikante rin. "Naku, under maintenance lang ang CR dito sa floor, Miss. Umakyat ka na lang ng sa susunod na floor." Umalis ako sandali at pinuntahan ang tinuro sa akin ng HR staff. Gumamit na lang ako ng hagdan. Nakita ko naman ang CR sa may hallway. Agad akong pumasok do'n at may nadatnan akong ilang empleyado na nagkukumpulan sa loob kaya natigilan ako. 3 sila at napatingin sa akin. Nakita ko naman ang paghanga sa mga mukha nila. Malamang nagagandahan sa akin. Except sa isang babae na halatang umiiyak. Obvious na empleydo sila dahil sa suot na uniform. Hindi ko alam kung kikilos ako dahil na-awkward ako na mukhang may nagdadrama dito. "Uhm, Miss iihi ka ba?" biglang tanong ng isang empleyado. "Opo sana." sagot ko. "Applicant ka din ba?" tanong ng isang babae. "Ang ganda mo, ha. Ang puti pa. Anong sabon gamit mo—" "Hoyy, ano ka ba girl, insekyora ka na naman. Itong si Lucy muna ang i-comfort natin." saway naman ng isang babae. "Pasenya ka na, Miss beautiful, ha." sambit ng babaeng umiiyak. "Nilalabas ko lang ang sama ng loob ko sa demonyo naming boss. Kaya ngayon pa lang ay mag-isip isip ka na kung tutuloy sa pag-apply. Baka masira lang ang beauty mo dito." Bigla naman akong natakot sa babala sa akin ng empleyado. Nawala tuloy ang excitement ko na matanggap sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD