Prologue

1037 Words
Miracle Florence Geronimo “B-buntis ako, love. H-hindi ko alam kung ano ang gagawin ko…” Hindi ko alam kung narinig ni Jarred ang sinabi ko. Pati sariling tinig ko ay hindi ko na rin narinig dahil mas lakas ang pintig ng puso ko. Sumabay pa ang mga tuhod ko na ayaw makisama dahil sa labis na panginginig. Narito ako ngayon sa loob ng opisina ni Jarred, ang amo ko… para ibalita na magkakaanak na kami matapos ang maraming beses na may nangyayari sa amin. Si Jarred Karl Caballero, ang 34 year-old CEO ng Caballero Brewery na isa sa mga top companies sa Pilipinas. Siya ang nagligtas sa akin mula sa matandang kukuha sana ng virginity ko. Hindi lang ako ang niligtas ni Sir Jarred... pati na rin ang buhay ng nag-iisa kong kapatid dahil binayaran niya ako kapalit ng puri ko. Sigurado naman akong hindi magagalit si Jarred sa akin na malaman nito ang pagbubuntis ko. Kaya kahit sobrang bata ko pa sa edad na 19 year-old ay hindi ako takot dahil siguradong pananagutan niya ako. Wala na akong ibang aasahan kung hindi siya lang. “What?” Malamig na tanong ni Jarred. Nag-angat ako ng tingin at nang magtama ang mga mata namin ng gwapo kong amo ay doon nagsimula akong magtaka. Nagtataka ako sa itsura ni Jarred na parang galit. Sa ilang beses na may nangyari sa amin ay wala ‘yong proteksyon kaya may posibilidad talaga na mabuntis ako. Kaya dapat ay expected din niya kahit paano na mabubuntis ako. “B-buntis ako. Ikaw ang ama, Jarred.” Mas nilakasan ko na ang pagkakasabi ko habang pinilit salubungin ang nakakatakot na tingin nito. Napalunok ako dahil tumalim ang tingin sa akin ni Jarred. Kung nakakamatay lang ang matalim na tingin ay bumulagta na ako ngayon sa kinatatayuan ko. Bigla akong natakot. Never akong tiningnan nang ganito ni Jarred. Ngayon lang. At hindi ito ang ini-expect kong reaction nito. Kilala siya bilang malupit at aroganteng CEO dito sa pinapasukan kong kumpanya. Pero pagdating sa akin ay iba ang treatment niya. Prinsesa ang turing niya sa akin. Para akong babasagin na kasangkapan na iniingatan niya. Unless na pagdating sa kama ay lagi niya akong pinanggigigilan. Parang lagi siyang gutom. Sobrang bait ni Jarred sa akin. Kahit dati pa na wala pa kaming lihim na relasyon. Kung relasyon man na maituturing ang namamagitan sa amin. Sa mata ng lahat ay employer-employee relationship ang meron kami, pero kapag kaming dalawa na lang ay nagsasalo kami sa mainit na tagpo na ginagawa lang ng mag-asawa. Halos dalawang buwan na rin ang nakakaraan simula nang una akong angkinin ni Jarred. Binenta ko ang puri sa lalaki sa halagang isang milyon para sa isang gabi na serbisyo. Isang gabi na naging paulit-ulit. Label na lang ang kulang sa amin ni Jarred simula no'n. Hindi official ang relasyon pero tinatawag niya akong 'baby' at ang gusto niya naman na itawag ko sa kanya ay 'love' "Love... " anas ko. "Magkaka anak na tayo..." Unti-unting nabasag ang boses ko. "Love?" sambit ni Jarred. "Disgusting! " Napatayo na sa swivel chair ang lalaki. "Don't call me 'love' anymore, Mira, dahil ginawa lang kitang parausan!" kulang na lang ay dumagundong ang boses ni Jarred pero alam kong pinipigilan nito ang boses dahil nasa labas pa ang secretary nito. Nagpantig ang tainga ko sa narinig. Ilang segundo pa bago nag-sink in sa utak ko ang sinabi ni Jarred dahil baka namali lang ako ng dinig. Pero hindi, eh. Malinaw ang pagkakasabi nito. Parausan. Biglang tumulo ang luha ko nang tuluyan. Parausan? Daig ko pa ang sinaksak ng kutsilyo sa narinig. "D*mn!" mahinang mura ni Sir Jarred. Napahilamos pa ito ng mukha na parang pasan ang problema ng daigdig. "Anong gagawin natin?" lakas loob kong tanong habang lumuluha. Dumating na ang kinatatakutan ko. Na magising sa katotohanan na baka panaginip lang ang lahat nang namagitan sa amin ni Jarred. Sa laki ng agwat namin sa edad at estado sa buhay ay kahit paano ay umasa ako. Hindi dahil sa habol ko sa kanya ay pera. Pero dahil gusto ko na siya. Hindi nga lang gusto... mahal ko na siya. "Gagawin natin?" Balik na tanong sa akin ni Jarred na nasa harapan ko na ngayon. "Wala tayong gagawin, Miss Geronimo. Pero ikaw meron!" Puno ng diin na sabi nito. Pagkasabi ni Jarred ay umalis ito sa harap ko at nagpunta sa isang drawer sa may sulok dito sa opisina at may kinuha do'n. Sobrang naninikip ang dibdib ko habang minamasdan ang mga galaw ni Jarred. Bakas sa kilos nito ang galit. Hindi ko na nagawang kumilos sa kinatatayuan. Tahimik na pagluha hanggang sa paghikbi na may kasamang pagyugyog ng balikat ang ginawa ko hanggang makarating muli sa harap ko si Jarred. Hawak ni Jarred ang ilang bundle ng tig isang libong piso na ikina-awang ng labi ko. Wala pa siyang sinasabi ay parang nagka-idea na ako kung para saan 'yon. "Lumayas ka na sa kumpanya ko, Miracle. Palakihin mo nang mag-isa ang batang dinadala mo! Ayokong magpakita ka pa sa akin. Get lost! Now!" **** This is series 1 of RUTHLESS BILLIONAIRE SERIES "Don't call me 'love' anymore, Mira, dahil ginawa lang kitang parausan!" - Jarred Karl Caballero Kilala ang 34-year old na si Jarred Karl Caballero bilang arogante at walang pusong CEO sa pinasukang company ng 19-year old na si Miracle Florence Geronimo. Halos lahat ng empleyado ay iniilagan si Jarred dahil sa hindi magandang ugali ng lalaki. Pero lahat ng naririnig ni Mira ay hindi niya mapaniwalaan dahil pagdating sa kanya ay iba ang treatment ng lalaki. Hanggang sa dumating ang isang dagok sa buhay ni Mira na dahil sa matinding pangangailangan ay binenta niya ang puri kay Jarred kapalit ng malaking halaga. Nagbunga ang ilang beses na may nangyari kay Mira at Jarred. Sa kabila ng takot na naramdaman ni Mira ay may saya siyang naramdaman dahil hindi niya maikakaila ang umuusbong na pag-ibig sa lalaki kahit na malaki ang agwat ng edad at estado nila sa buhay. Pero imbes na tulungan ay iba ang nalaman ni Mira. Napatunayan niya lang ang sinasabi ng ibang tao tungkol kay Jarred. That Jarred is ruthless. No. He's a demon! JARRED KARL CABALLERO AND MIRACLE FLORENCE GERONIMO
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD