Habang nagbabasa ay rinig ko ang umaalingawngaw na boses ni Lola paakyat sa spiral na hagdan. Kahit hanggang dito sa lounges area sa pangalawang palapag ay rinig ang kanyang pagtawag sa aking pangalan.
Nang makarating at bahagyang nairita pa sa nadatnan.
"Here you are! I've been looking for you everywhere nariyo ka lang pala? Alam mo ba 'ng ilang beses na akong nagsinungaling ngayong araw para sa 'yo? And Galen is sick!"
I grip the magazine's page tightly against my fingers before tossing it to read the next one. Ngunit sa usapang iniiwasan ay mukhang wala na akong gana pang magbasa.
"What about it Lola? There are lots of servants in the mansion, kaya na nilang alagaan si Galen."
"Hija... may I remind you, kasal kayo ni Galen. You should be the one taking care of him instead of other people," pangaral niya.
Right, it's been 6 years. At dalawang taon na kaming kasal. Ngunit pakiramdam ko'y nakatali lamang ako't nasasakal sa buhay na akala ko'y makabubuti sa akin.
"Hindi ko matiis ang tumira sa iisang bahay kasama ang pangit na 'yon!"
"Bratenella!" Biglang tumaas ang boses ni Lola kaya't parang naputol ang aking hininga. Malimit kung magalit si Lola. At sa oras mangyaring mapuno siya'y hindi aasahan ng kahit na sino man ang maaari niyang sabihin o gawin. "Alam mo ba 'ng nasa mansyon ngayon ang mga magulang ni Galen? Kung hindi pa ako nakapagdahilan ay baka nabuko kang walong buwan ka nang nakabukod ng bahay ninyong mag-asawa. Pasalamat ka, Galen is very patient with you!"
Sa hinaba ng litanya ni Lola isang linya lamang ang nakapagpintig ng aking tainga. s**t! Galen's parents are here?
"K-Kailan pa?"
"Kaninag ala-sais ng umaga. Oh ngayon natataranta ka? You knew everything is over kapag nalaman nilang ganito ang nangyayari sa buhay niyong mag-asawa. Masisira lahat ng pinaghirapan natin!"
"Fine... I'll visit him this afternoon." Wala na akong nagawa. Ito ang magpapatahimik sa Lola.
Taimtim na suminghap si Lola, napanatag sa narinig. Iyon naman ang gusto niyang sabihin ko. Inutusan niya ang katulong na mag-pack ng sopas at prutas. Malamang ay ipapadala niya iyan sa akin mamaya.
Tinawagan ko na lamang si Helen. "Hi..."
"Hi! Hindi ka ba dadalo sa bachelorette party? Dito ka na magbihis!"
"Uh... sorry ah, may pinapagawang importante sa akin ngayon si Lola. Pero aattend naman ako sa kasal mo. Huwag kang mag-alala."
"Naku, sayang naman. Nag-imbita pa naman ako ng photographer. Pero sige ha, sa kasal ko dapat present ka." Rinig ko ang panghihinayang ni Helen sa kanyang tinig. Kahit ako rin naman nasasayangan. Pagkakataon ko na sana magsaya naudlot pa.
"Oo naman."
Saktong matapos ang tawag ay dumating na si Lola. Malapad ang ngisi bitbit ang pasalubong para kay Galen. Nagtataka na tuloy ako kung ako o si Galen ang apo niya. O malabo na ba ang paningin ni Lola? Bakit niya ako ipinakasal sa lampang pangit na iyon?
"Oh, siya heto ... ibigay mo ito sa kaniya, hm? Be nice to him Luana, I'm telling you—"
"Yes, La. Yes, kuha ko. Huwag kang mag-alala." Kabisa ko na ang mga habilin niya sa akin. As if naman ay papatayin ko si Galen sa tuwing maiiwan kaming dalawa.
Sinubukan kong tawagan si Galen ngunit nag-riring lamang ang telepono nito. He's probably busy with his unending work. Ngayon pa na importante ang sadya ko?
I tried to compose myself. This is not the time for getting angry at my husband. I should embody a character right now; A loving wife and a good daughter in law.
I arrived at the mansion. It's been eight months, gano'n pa rin naman ang itchura. Malinis at maintain ang gupit ng nga halaman. It is originally Galen and his parents' house but after we got married, his parents moved to the province. We have penthouse but he chose to live here.
I admit, I missed it here. But living with someone I don't love is someone who wouldn't like to experience everyday. That's why I leave. No traces, no goodbyes, my husband doesn't care anyways.
"My goodness hija! I missed you!" Si Evangeline Tan. Mommy ni Galen. The only thing I love about Galen is his parents. Their kind to me. They didn't lie when they promised to treat me like their own daughter during the wedding event. "Your Lola told me you went on a seminar meeting trip, how was it?"
Oh, she said that? That's a good excuse!
"I had great time naman po, but I can't help but worry about Galen kaya umuwi na po ako agad," I said my first lie of the day.
"Thank you hija. He's upstairs. Ayos na siya kaninang umaga. Hindi ko na nga muna pinapasok sa trabaho pero nag work from home naman." Umiling-iling siya.
"I'll talk to him po, may dala rin akong food baka sabay na kaming kumain."
"Tamang-tama at hindi pa kumakain 'yon! Oh siya sige hija, I'm counting on you. Ikaw na muna ang kunumbinsi sa asawa mo, I'll give you your pasalubong later," excited na anito nakangiti akong iniwan sa harap ng pinto ng aming silid ni Galen.
I nodded and thanked her. Nang masigurong naka-alis na siya ay kinatok ko ang pinto. Alam kong hindi naman siya sasagot kaya't walang pasubalit na akong pumasok.
The room is dim not the usual when I'm home. Tanging ang table lamp at dalawang maliit na yellow bulbs ang nagbibigay sinag sa silid kaya't kita ko ang dingding na kulay emerald green na diamond shapes ang desinyo.
Gelan is there, sitting across his table facing the window.
"Alam mo namang darating ako, hindi ka pa rin tumayo riyan," mahinahon kong sabi. Unati-unti ay lumalapit na sa kaniya.
Umusbong ang iritasyon sa akin, hindi man lang siya kumikibo. Dapat ay masanay na ako sa kaniya ngunit kahit kailan ay kahit ang pakisamahan ako ay ang hirap para sa kaniyang ipakita sa akin.
"Galen, kinakausap kita!" Hindi na ako nakapagtimpi at nilapag sa laptop niya ang mga pasalubong na ipinadala ni Lola para sa kanya.
"What do you want, Lu?" His calm voice always seems like a danger to me. Parang pikon pa sa akin. Mas pikon ako sa kanya!
"Pinabibigay sa 'yo ng Lola ko." Naupo ako sa kanyang lamesa. Lalong umikli ang suot kong cotton dress. Alam kong sumisilip ang undies ko ngunit hinayaan ko iyon. Hindi niya rin naman magawang sulyapan.
Napaka manhid!
"Put it properly away from my laptop, please."
"Kumain ka Galen nang makaalis na ako rito."
Natigil siya sa pagtitipa. "You can leave now, Lu. Thank you."
"Asawa mo ako, Galen. Hindi ako taga deliver ng pagkain mo. Hindi ako basta-basta bisita lang na papaalisin mo kung kailan mo gusto. Ako ang magdedesisyon kung kailan ako aalis!"
"You wanted to leave so I'm asking you to leave. Walang masama sa sinabi ko, Lu."
"Lu, Lu, Lu! 'Wag mo akong tinatawag na ganyan. My my name is Luana Lim. 'Wag mo 'ng shino-short cut na para bang close tayo. Close ba tayo, ha? Ni-hindi mo nga ako mabigyan ng kahit konting pansin! Ni-ayaw mo akong hawakan!"
"Dahil ayaw mo." Hi jaw moved as if he chewed air inside his mouth.
"Still, you never tried." I leaned to level his eyes. My eyes narrowed. "For the past 2 years, you've been ignoring me like I'm the ugly one in this relationship. Now that I am doing stupid things para ikaw na mismo ang makipaghiwalay, ayaw mo pa rin! Ano ba 'ng gusto mo 'ng mangyari sa ating dalawa?"
"What do you mean by that?"
"Makipaghiwalay ka sa akin, Galen. Sabihin mo sa mga magulang mo na puro lang tayo away, wala tayong pinagkakasunduan. Na... hindi natin mahal ang isa't-isa."
"If you badly wanted to split, tell them yourself. But all the billions my parents gambled on you and your family business? I don't think they'll let you off that easy."
He's got a point. Talagang hindi papayag ang Lola ko at ang mga magulang niya na basta-basta na lamang kami maghiwalay lalo na't malaki ang naging benepisyo ng kompanya namin dahil sa merging ng aming companies.
They've gifted me land and penthouse worth billions. They transferred money to my account for me and my future baby. Ang kampo namin ang mas nakinabang kung tutuusin.
And just then, I realized. My Lola didn't choose Galen dahil sa Chinese zodiac and such nagkataon lang iyon, ito talaga ang pakay niya. Ang ibangon ang kompanya namin mula sa pagkakalugmok mula ng mamatay ang Lolo.
"Then let me live an easy life with you!" I desperately demanded like a brat. I just want to be treated nicely since I'm going to be stuck with him for who knows how long this marriage lasts.
"Says the weakling who disappeared for 8 months?" His last remark before standing up and heading to the door.