Prologue
18th birthday gift is supposed to be remarkable and special. After the party and all the gifts I have received from family and friends, my lola told me that they prepared something grand for me.
Nang buksan ko ang box, bumungad sa akin ang isang singsing. May hula na ako kung para saan ito, bago pa man ako ipinanganak... nakaplano na ang buhay ko. Kung saan ako mag-aaral, ano ang magiging hilig kong instrumento, saang kurso ako nababagay sa college at ngayon... kung sino ang mapapangasawa ko.
"You'll meet him soon hija. We made sure na same Chinese zodiac kayo at same year nang ipinanganak, para patuloy ang swerte sa inyong marriage life in the future. He's smart, madiskarte at kilala ang pamilya. You'll like him apo, for sure," nagagalak na deklara ni Lola Adisa.
Tama ako, inaasahan ko naman na ito noon pa, ngunit hindi ko inaasahan na saktong pagka-18 ko'y ipapaaalam sa akin agad ito. Ngayong araw mismo. Pwede ba 'ng mag-enjoy muna ako?
Wala akong tutol sa ideyang ito, common ang arrange marriage sa chinese practice. Madalas ay naniniwala ang pamilya namin sa pamahiin. My mom was supposed to marry a Chinese but she eloped with my dad while being pregnant with me.
My dad died that night because of car accident. How ever, my mom survived but after giving birth to me, she eventually died as well. Sabi ni Lola ganiyan daw ang kapalaran kapag hindi tinatahak ang tamang kapalaran para sa kanila.
Ngunit para sa akin, bukod sa ayaw nila lola sa walang dugong chinese ay hindi rin nila gusto ang estado sa buhay ng aking yumaong ama.
So I guess I'm marrying a wealthy man, tatanggi ako kung hindi. Ano ang silbi ng arriange marriage kung wala akong benepisyo roon?
"Wear that all the time, alright?" Lola says and sweetly smiled at me.
I nodded. Who am I to not wear a beautiful jewelry like this? Sayang kung itatago ko lang. Dapat itong niyayabang.
"Your fiancée's ring is designed to match yours. Ang kaniyang singsing ay may butas sa gitna na hugis puso."
Napasuri tuloy ako sa singsing at iyon nga, hugis puso ang diyamante sa gitna.
"Ibig sabihin, sakto itong diyanteng bato sa butas ng kaniyang singsing?" Tanong ko.
"Tama hija. Maligayang kaarawang muli!"
I was fascinated while looking at my ring. Sa pagtungtong ng legal age ay may mapapangasawa na ako. This feels surreal. Parang ang bilis-bilis ng pangyayari. Isang bagay na hindi lahat ng kaedad ko ay mararanasan ito.
Nangyaring dumating na nga ang araw na ipakikilala na sa akin ang aking mapapangasawa. I have high expectations. They are surely wealthy family dahil sa pagdating ng hindi ko kilalang mag-asawa ay ang kanilang presensya ay sumisigaw ng karangyaan. Parang kahit ang aking Lola ay malinaw na humanga sa pagdating nila.
Mula ulo hanggang paa, hinagod ni Lola ng tingin ang mga ito. She has high respect towards this couple. Mas lalo tuloy umangat ang expectations ko sa kanilang anak.
Is he a pretty guy? Smart and has a dominating presence?
Ngunit ganoon na lang ang aking pagka-dismaya nang dumating na ang aking kapareha sa hinaharap. He's... he's... negative 3 out of 10!?
Siya iyong nasa kabilang course na ginagawang errand boy ni Harris at Nicolo!
Sa pinaghalong gulat at pagkadismaya ay hindi ko napansing sinisenyasan na pala ako ng Lola na batiin si Galen.
I can't believe this! Out of all people bakit ang pangit at low class na lalaking ito pa? Hindi ba nila alam kung anong imahe ang meron ang anak nila sa school? Hindi ba nabusisi ng mabuti ng aking Lola iyon?
Purong positibo at nakakahalinang deskripsyon ang hinahayag sa akin ng Lola ngunit ni isa'y wala man lang sapol roon!
Sabay kaming nagtanguan sa isa't-isa. Parehas na ayaw magbitaw ng salita.
My Lola and his parents giggled. "Nagkakahiyaan pa ata ang mga bata. It's alright, things shouldn't be rushed. May mahaba pa kayong panahon upang kilalanin ang isa't-isa," ani Mr. Carson Tan.
"I heard they go to the same school," Lola said, giving me a knowing look. She must've known from the start.
"Yeah, they're really match made in heaven. Their fate are aligned to each other. Ang daming coincidences. I am sure, pagpapalain kayong dalawa kung kayo na ay magsama," maligayang tugon naman ni Mrs. Evangeline Tan. And their story went on and on hanggang sa paiba-iba na ang kanilang topic. Mula sa kasal, business and then grandchildren tapos balik ulit sa business.
Galen and I are just sitting still and exchanging gazes from time to time until it's time to go home. Ako ata ang pinaka mabilis na lumabas sa Chinese restaurant na iyon.
Gusto kong ilabas ang frustration ko ngunit wala akong gano'n. I'm sure kapag sinabi ko ito kay Harris o kaya'y kahit sino sa kaibigan ay paniguradong kukutsain lang nila ako't pagtatawanan.
"Hindi ito ang pinapabili ko sa'yo ah, sinasadya mo bang magkamali? Gumaganti ka na ba?" Galit na kinuwelyuhan ni Harris si Galen.
"Harris tama na 'yan. Sa susunod mo na turuan ng leksyon iyan. May pasok pa tayo," saway naman ni Helen, girlfriend ni Nicolo.
I quietly sip on my tumbler. Nagdedebate ang aking isipan kung pipigilan ko ba si Harris o hindi. Kapag pumagitna ako'y baka pagbintangan ako ni Harris na naaawa kay Galen.
"Hindi! Dapat pinupugutan ang ng sungay itong pangit na 'to baka lumaki lalo ang ulo."
Hindi nagpaawat si Harris, hinablot ang energy drink kay Galen saka nito binuhos sa mga libro ni Galen.
"H-Harris..." tahimik kong bulong.
"Oww!" Sinipat ko ang mga kasama, their holding their laughter by covering their fist to their mouth.
"Ang sasama niyo! Ano 'ng ginagawa niyo kay Galen?"
Here comes Rain, one of Galen's low profile friends. Siya karaniwan ang tagaligtas kay Galen. Some how, I'm relieved she came. Sometimes she's annoying for always butting in, but she just came at the right time, bago pa lumala ang mangyari kay Galen.
"Tara na nga!" Sabi ni Harris at tinapon lang sa tabi ang bote ng energy drink. Humahalakhak silang nagsialisan. Bago pa man mangugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ay tinangay na rin ako ni Harris paalis.
But my eyes wouldn't leave Galen. Ang sama ng tingin sa akin ni Rain ngunit hindi naman iyon bago sa akin. Kahit ang pagiging lampa ni Galen ay hindi na rin bago sa akin.
Kagaya ng inaasahan ko'y hindi siya lalaban. Hindi nagsasalita. Hindi ipinagtatanggol ang sarili. Napaka-lampa! Laging nag-aabang ng tulong ng iba.
Paano ko ipagkakatiwala ang sarili ko sa taong ganiyan? Maaaring matuloy ang aming kasal ngunit kailan man ay hindi ko siya magagawang mahalin!