Para kaming mga tanga ni Sonya na nakatayo lang sa gilid at pinapanood lang sila sa kanilang mga ginagawa.
Parang mga dekorasyon na walang silbi dahil hindi man lang nila magawang balingan nang tingin o kahit a isang sulyap man lang.
Nag-uusap ang mga binata habang hinawakan at hinahagod nila ang katawan ng mga babaeng kanya-kaniya nilang mga pares ngayon.
Napuno ng ungol ang buong sala at abala ang lahat sa pagroromansa.
Parang hindi ako makapaniwala dahil sa harap mismo ng kanilang mga barkada ay walang alinlangan nilang ginagawa ang malalaswang bagay.
Parang hindi pa rin ako nasasanay sa aking nakikita kahit na hindi na ito ang unang pagkakataon.
Hindi ba sila nahihiya sa mga pinaggagawa nilang lahat?
Tanong ko sa aking isipan kahit na alam kong wala namang silbi ang tanong ko para sa kanila.
Bakas sa kanilang mga mukha na masaya sila sa kanilang mga ginagawa.
Wala silang pakialam sa iba at bagkos ay aliw na aliw pa sila sa kanilang mga kapares ngayon.
Natitiyak kong magagaling ang mga babaeng kinuha nila para pasayahin lang sila.
Nagbabayad sila ng malaking halaga na parang hindi mahalaga sa kanila ang pera.
Hindi ko alam kung kaya ko ba'ng magpahawak kay Kent sa personal na bahagi ng katawan ko sa mismong harap ng maraming tao.
Pakiramdam ko ay tini-take for granted na rin ang mga babaeng ito ang pang-aakit sa kanila ng mga binata.
Dahil alam naman nilang hindi ito basta-bastang mga tao.
"Psst, halika na! Ikaw!" Tawag sa akin ng isa sa mga kaibigan rin ni Kent habang tinuturo ako.
Hindi ko ito masyadong kilala at hindi ko rin alam kung saan ang pinanggagalingan nito dahil ngayon lang yata ito napasama sa grupo nila.
Halatang mayaman din ito at may maipagmamayabang din ang mukha.
At base sa hitsura ng binata ay mukhang lasing na rin ito ngayon.
Namumula na ang mukha nito at ang mga kilos niya ay aligaga na rin.
Nilapitan ito ng isa sa mga kasamahan nila at binulungan ito sa kaniyang tenga.
At hindi ako bulag para hindi makita ang reaksyon niya.
Hindi nakatakas sa aking paningin ang panlalaki ng kaniyang mga mata at parang napagtanto niyang naali ang ginawa niya sa akin.
"Pasensiya na!" Hingi nito ng paumanhin at tumahimik na kaagad sa isang tabi.
Nang tingnan ko si Kent ay seryoso pa rin ang mukha nito at mukhang wala naman itong pakialam.
Nanatili pa rin kaming nakatayo ni Sonya sa pwesto namin kahit na nakakailang na.
Nagkunwari na lang kaming dalawa ni Sonya na walang pakialam at nakikinig lang sa mga pag-uusap nila.
Nagtatawanan ang mga ito at kung ano-ano na lang ang mga pinagkukwentuhan nila.
"Dude, kilalang-kilala ka na namin at alam naming patay na patay ka kay Arah kaya ka nagkakaganiyan. Pero hayaan mo dahil malapit na rin 'yong makauwi. Madidiligan mo na rin siya," natatawang panunukso ni Gino kay Kent at sumasabay rin nang tawa ang iba pa.
Naging katuwaan nila ang panunukso nila kay Kent pero wala pa rin itong imik.
Parang ang awkward sa akin ang sitwasyon na pinag-uusapan nila ang babaeng wala rito kahit na may kasama silang ibang babae.
Hinila ako ni Sonya nang mapansin niyang wala ng bakante sa sala at dinala ako patungo sa kusina.
Nakita ko rin na lahat kami ngayon na mga babaeng nandito sa resort ay naka-two piece lang din ang mga suot.
Talagang pinaghandaan nila itong lahat na ganito ang aming mga isusuot.
Mula sa kusina ay rinig na rinig namin ni Sonya ang mga tawanan nila.
Pinag-uusapan nila ang ibang mga babaeng hiniga na nila sa kama.
Kahit na mayroon silang mga kapares ngayong gabi ay parang normal lang ang pag-uusap nila.
Kaya napapailing na lang si Sonya nang tingnan ko ito.
"Ganyan talaga ang mga binatang mayayaman. Para sa kanila para lang tayong mga tuta. Kaya ikaw huwag na huwag kang mahuhulog sa lalaki mo. Baka magaya ka sa akin," natatawa niyang pangaral sa akin.
Ngunit ang kan'yang mga ngiti ay hindi umabot sa kan'yang mga mata.
Nakangiti man ang kaniyang mga labi pero damang-dama ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya.
Hindi kayang magsinungaling ng mga mata.
Tumango na lang ako kahit na alam kung huli na ang lahat para sa mga payo niya.
Pero kahit papaano ay gumaan din naman kahit konti ang pakiramdam ko.
Dahil kahit ngayon lang kami nagkakilala ay nag-aalala pa rin siya sa akin ng totoo.
Damang-dama ko ang pagiging sinsero niya sa akin.
Sa katunayan ay bumilib nga ako sa kaniya dahil sa kabila ng frustration niya kay Gino ay nakakaya niya pa ring ngumiti sa harap ko.
Ang totoo ay nakakainggit nga siya dahil mayroon siyang katangian na matagal ko nang hinahanap sa sarili ko.
Ang ngumiti sa harap ng iba at itago ang totoong nararamdaman ko.
Masyado kasi akong emosyonal at halata na tao.
Hindi ako kagaya niya na kayang magkunwari sa harap ng iba. Kahit na nahihirapan na sa sitwasyon.
At least kahit nararamdaman niya ang lungkot ay kinakaya niya pa ring ngumiti.
Ilang beses ko mang insayuhin ang aking mukha upang hindi maging apektado sa aking nararamdaman ay hindi ko pa rin magawa.
Kahit na ano pa man ang gagawin ko ay ito na talaga ako.
"Iyang si Gino, tatlong taon na akong nagtitiis sa kan'ya at para na nga akong baliw. Alam kong ginagago lang naman ako pero nagpapagamit pa rin ako. Tinatawagan niya lang ako sa tuwing nabo-boring siya sa mga babae niya, ako naman 'tong si gaga ay nasasaktan kahit alam ko namang wala akong karapatan."
Ngumiti siya sa akin kahit na seryoso ang usapan naming dalawa.
Kaya hindi ko alam kung paano ko siya tutugunin ngayon.
Kung sasabayan ko ba siya nang ngiti o mananatili na lang na seryoso.
Marami siyang sinabi sa akin. Nakinig lang din ako dahil hindi ko na man alam kung ano ang sasabihin ko.
"Wala naman siyang ibang pwedeng tawagan kung hindi niya makuha ang expectation niya sa isang babae. Alam ko kasing ako lang ang magaling sa kama sa lahat ng dumaan sa kamay n'ya," patuloy niyang salaysay sa akin at kweninto kung gaano kadaming babae ang kinakama ni Gino.
Kung may ibang tao na susubukang basahin ang nararamdaman niya ay natitiyak kong hindi nito aakalain na may mabigat itong pinagdadaanan.
Napakagaling nitong magdala ng problema dahil kahit sino ay hindi ito mahahalata.
Maliban na lang sa akin na ako ang mas higit na nakakaalam sa mga nararamdaman niya dahil pareho lang kami ng mga pinagdadaanan.
"Hindi ka ba nandidiri?" pang-uusisa kong tanong sa kaniya. Pero tinawanan niya lang ako na parang hindi ito makapaniwala sa tanong ko.
Para bang hindi nito inaasahan na sa lahat ng tao ay ako pa mismo ang magtatanong sa kaniya ng ganoon.
Kung sabagay ay pareho kami ng trabaho at itong ganitong klaseng trabaho ay parang hirap nga sa kaniya ang maniwala.
Parang nabigla siya at hindi maiwasang matawa kung bakit iyon ay tinatanong ko pa?
"Seryoso, kailangan mo pa ba talagang itanong 'yan sa akin?" balik tanong niya sa akin habang tumatawa na para bang hindi makapaniwala.
Hindi ako sumagot kaya nagsalita na siya at dinugtungan ang mga tanong.
"May karapatan pa ba tayong mandiri? Alam mo ba kung ano ang tingin nila sa atin, Layna?" tanong niya ulit sa akin gamit ang seryoso niyang mukha at ang kaniyang mga mata ay nakakalkal ko ang pait at hinagpis.
"Napakaliit nang tingin nila sa atin at tayo ang pinandidirian nila. Kahit mandiri pa ako o tayo ay wala tayong magagawa, Layna" paalala niyang sabi at pagkatapos ay nilaklak niya sa kaniyang bibig ang hawak niyang bote na may lamang nakakalasing na inumin.
"Pero—" bago ko pa man sabihin sa kaniya na unfair ang lahat ng ito ay inunahan na niya ako matapos ilagok ang inumin.
"Ang importante lang naman ay may suot silang proteksyon para hindi tayo maagrabyado," dugtong niyang wika sa akin at tinitigan ako diretso sa aking mata.
Para bang sinasabi ng kaniyang mga titig na makinig ako at tandaan ang mga binitawan niyang payo ngayon.
Naiintindihan ko ang nais niyang ipahiwatig kaya tumango ako dahil tama naman siya.
"Ayaw kong magkaanak sa kaniya kung hindi lang din naman niya ako pananagutan. At ang isipin ang tungkol diyan ay isa na lang panaginip para sa atin. Kaya Layna, 'wag kang magpapalinlang sa kanila," patuloy niyang wika at hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman dahil bigla na lang akong kinalabutan.
Hindi na lang din ako nagtanong pa at sumang-ayon na lang sa mga sinabi niya.
Dahil totoo naman talaga ang lahat ng kaniyang mga sinabi.
Na maliit lang ang tingin nila sa mga taong kagaya namin.
At kahit kailan ay wala kaming makukuhang respito mula sa kanila.
Kahit gapangin pa namin ang loob ng simbahan para ipagdasal ang aming mga kagustuhan.
Ilang sandaling katahimikan din ang namutawi sa amin ni Sonya.
Nakakabingi ang katahimikan at parang ang nakakailamg ng sitwasyon.
Kaya tumikhim si Sonya at ito naman ang nagtanong sa akin.
"Ikaw ba, pwede ka ba sa kahit na sinong lalaki?" mausisa niyang tanong sa akin at mabilis naman akong umiling.
"Hindi... hindi ko kaya. Ikaw ba?" balik kong tanong sa kaniya.
Mabilis siyang umiling sa akin at tumingin siya sa kisame upang pigilan ang mga luha niyang pabagsak na.
Kung kanina ay parang balewala lang sa kaniya ang mga problema ngayon naman ay 'di na nito mapigilan ang sariling mapaluha.
Inangat niya ang kaniyang paningin sa kisame at natawa ng pagak.
Nang makabawi sa kalungkutan ay malungkot niya muna akong tinitigan bago niya naisip na tumugon sa aking tanong.
"Ang totoo ay matagal na sana niya akong binitawan pero ako naman itong si tanga dahil ako pa mismo ang nagmakaawa sa kaniya. Ako ang humiling sa kan'ya na manatili sa akin. Napakadesperada ko dahil halos lumuhod na ako sa harap niya dati para lang pagbigyan niya ako. Siya ang nakauna sa akin at ayaw kong pinagpasapasahan ako ng iba. Kaya humiling ako na sana ay maging regular ko siyang costumer. At alam mo ba ang mas nakakahiya ako pa ang nag-alok ng discount kahit alam kong hindi niya iyon kailangan," nakangisi niyang sabi.
Pero naiintindihan ko ang sakit na kan'yang nararamdaman.
Para ring nilamutak ang puso ko ng marinig ko ang hinaing niya.
"Ang hindi tama sa ginawa ko ay ang minahal ko siya!" Natahimik siya at huminto sa pagsasalita.
Umiling siya nang paulit-ulit at ang mga sumunod na sinabi ay ang katotohanan at umpisang dahilan kung bakit siya nasa ganitong sitwasyon.
Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya at hinayaan siyang patapusin.
"Pero sa pera lang naman talaga nag-umpisa ang lahat 'di ba? Nakakainis dahil bakit hindi tayo pinanganak na mayaman?" reklamo niya
Bigla kong naisip kanina na tanungin kung bakit siya nakapasok sa trabahong ito pero nasagot na niya ang lahat.
Ngayon ko pa lang siya nakausap pero panatag ang loob ko sa kaniya.
Ang gaan-gaan niyang kasama, siguro dahil narinig ko ang buhay niya.
Hindi man matatawag na mag-best friend kaming dalawa pero ang paraan niya sa pakikipag-usap sa akin ay napakasinsero.
Parang kilaal na namin ang isa't isa at maganda sa pakiramdam ko dahil pinagkatiwalaan niya ako.
Lalo na sa tuwing binibigyan niya ako ng matapat na payo.
Wala akong makapang pagsisinungaling sa mga sinasabi niya. Sa halip ay napupulot pa akong aral.
Ang mga sinabi niyang payo sa akin ay totoong-totoo at para lamang sa mga taong totoong nagmamalasakit sa iyo.
Kaya ngayon pa lang ay magaan na ang kalooban ko sa kaniya na para bang matagal na kaming magkakilala.
"Ano'ng magtulak sa 'yo para magpatuloy sa trabahong gaya nito?" nahihiya kong tanong at nag-aalangan din pero sinagot niya pa rin naman ako ng walang pag-aalinlangan.
Humithit siya ng sigarilyo at binuga ang usok na naipon niya sa loob ng kaniyang bibig.
Nilalaro niya ang usok sa pagbuga at saka ako tinitigan ng taimtim.
"Para sa kinabukasan ko," nakangiti niyang sagot at niyaya na akong bumalik sa sala.
Pakiramdam ko ay para bang niyaya lang niya ako para hindi na matuloy ang malungkot na paksa naming dalawa.
Halata namang gusto lang nitong umiwas sa mga karagdagan kong mga tanong.