Chapter 4

1394 Words
Paglabas namin ni Sonya ay nasa bilang na sampo ang mga bisitang kaibigan ni Kent na nasa sala. Hindi pa kasama ro'n ang mga babaeng kapares nila at ang mas nakakatawa ay mas higit na mas marami ang mga babae ngayon kaysa sa mga lalaki. Nagkatinginan kami ni Sonya dahil alam na namin kung bakit? May mangyayaring threesome sa mga ito ngayon. Matagal-tagal rin kaming nagkwentuhang dalawa ni Sonya. Kinilala namin ng isa't isa at mabilis ring nagkasundo dahil halos pareho lang din kami ng mga pinagdaanan sa buhay. Hirap at kumakapit sa patalim para maging maayos ang buhay. Habang hinahakbang naming dalawa ang aming mga paa ay kitang-kita namin kung paano hinahaplos ang dibdib ng mga babaeng nandito sa lalaking mga kaibigan ni Kent. At kabilang na rin si Kent doon na nag-e-enjoy habang hinahaplos ang babaeng nakaupo sa kaniyang kandungan. At sa tingin ko ay parang parausan lamang nila ang mga ito para ngayong gabi. Hindi tulad sa amin ni Sonya na mini-maintain lang ng isang lalaki. Kahit nasanay na ako sa ganitong uri ng trabaho pero may minsang parang nandidiri ako habang tinitingnan sila. Pero pilit kong nilalabanan ang aking pakiramdam at maging mas kailangang palawakin pa ang isipan. Pilit kong iniintindi ang lahat dahil 'di rin naman ako naiiba sa kanila. Subalit minsan ay gustong magprotesta ng kalooban ko dahil alam kong hindi ako ganoong klaseng babae. Hindi ko man maitatangi na pumasok ako sa trabahong ito. Pero hindi ko kayang sikmurain ang pagpasapasahan ng kung sino-sino lang. Alam ko sa sarili ko na hindi ako kaladakaring babae na gaya ng iniisip ng iba. Iba kami sa mga babaeng nakasama namin ngayon dahil hindi kami nagpapagamit ng kung kani-kanino lang. Wala kaming pakialam sa iba kung masyado silang praktikal at perang-pera na. Galit din kami ni Sonya sa pera pero iniisip namin ang kahihinatnan ng katawan namin kung magppabaya kami. Iba-iba naman kaming lahat ng pinagdadaanan at paniniwala. Iba't iba rin kami ng diskarte sa buhay para kumita at higit sa lahat ay iba-iba kami ng mga pinagdadaanan na tanging kami lang sa sarili namin ng nakakaalam. Kaya kung ano man sila ay kailangan ko pa rin silang respituhin bilang tao. Basta ang alam ko lang, hindi ibig sabihin na por que nagawa namin ang mga bagay na tanging mag-asawa lang ang gumagawa ay salot na kami. Hindi ibig sabihin na mali ang ginagawa namin ay masama na rin kaming mga tao. Hindi dahil nakikipagbahagi ang iba sa amin ng katawan sa iba't ibang mga lalaki ay masama na rin silang tao. Naniniwala akong nagawa nila ito kagaya namin ni Sonya dahil sa hirap ng buhay at pangangailangan. Lahat ng mga ito ay may mga dahilan at hindi sila masamang tao na kailangang kutyain at insultuhin dahil mayroong kwento sa likod ng aming mga ginagawa. At mula nang mapasok ko ang ganitong trabaho ay rito ko napagtanto na hindi dapat hinuhusgahan ang mga kagaya namin. Sa likod ng mga trabaho namin ay may iba't ibang mga dahilan at kwento ang bawat isa. Tao pa rin naman kami at dapat na irespito. Ngunit sadyang mapanghusga ang mundo at kahit ang tadhana ay iniipit na rin kami sa sitwasyong hindi namin ginusto. Pero ano pa ba ang aasahan ko? Masyadong malupit ang mundo sa akin at kahit kailan ay hindi ito naging patas sa kanino man. Ang tingin kasi ng iba na kapag bayarang babae, iba na ang ibig sabihin no'n sa kanila. Dahil mababang uri lang ang trabaho namin ay masama na rin kaming mga tao sa palagay nila. Ngunit kahit balibaliktarin man ang mundo ay hindi mo mapapakiusapan ang lahat ng mga tao. Wala silang gagawin kundi husgahan ka kung kailan nila gusto at kung ano lang ang nakikita nila ay 'yon din ang tingin nila sa 'yo. Kung sa tingin nilang mali ang lahat ng ginagawa mo ay hindi mo na 'yon mababago sa pananaw nila. Hindi lahat ng tao ay kaya mong e-please. Wala silang ibang gagawin kundi punahin ka, husgahan at insultuhin. Masasabi kong ang mundo ay bulag sa mga kagaya namin. Dahil ang mga kagaya kong bayaran ay mababa lang ang tingin nila sa amin. Ang tingin nila sa amin ay walang pag-asa sa buhay at walang magandang magagawa sa kapwa. Masasakit na salita lamang ang kaya nilang ibigay sa amin. At kung maaari ay hindi sila titigil hangga't 'di nila kami nasasaktan. Walang taong gustong husgahan ngunit maaari itong maging partikular na mahirap iwasan sa mga katulad namin. Hanggang sa dumating ang araw na pati ako ay nandidiri na rin sa aking sarili. Hanggang sa dumating na ang araw na pati ako ay hinuhusgahan ko na ring ang aking pagkatao. Tuluyan na akong nawalan ng kompyansa sa aking sarili. Inaamin ko na ang pagkakaroon ko ng ganitong trabaho ay nagbibigay sa akin ng pagkabalisa. Natatakot akong malaman ng aking mga kapatid at ng mga taong nakakakilala sa akin tungkol sa totoo kong trabaho. Pakiramdam ko ay mas malala pa ako sa mga taong nakahiga sa kama ng hospital na may mga kritikal na kondisyon. Kaya sinikap kong itago ang totoo sa mga kapatid ko. Napakahirap kumilos dahil parang kumuha lang ako ng malaking bato para ipokpok sa aking sariling ulo. Katulad ng isang asin na sinadyang ilagay sa sugat para mas lalong humapdi. At mas nagpapalitaw ng sakit sa damdamin dahil sa sobrang kahihiyan kapag nalantad na ang nakakahiyang mga sekreto sa buhay. Ang mga sariling pasya rin ang siyang magpapahiya sa ating sarili. Kahit mas pinili pa natin ang gumawa ng bagay na alam nating kahahantungan ay problema kahit na may magagawa ka pang tama. Nang sulyapan ko ang gawi ni Kent ay nakita ko itong may katabing babae na ngayon ko lang din nakita. Bigla ay napatigil ako sa aking paghakbang hindi ko alam kung magpapatuloy pa ba ako sa paglapit. Tiningnan ko ang babae at hindi rin ito pamilyar sa akin ang kan'yang mukha. Ngunit mayroong itong taglay na nakagandahan na talagang nakakaakit sa mga lalaking katulad ni Kent. Hugis puso ang kaniyang mukha at ang kan'yang mga labi ay parang kulay pula na gaya ng mga petals ng rosas na bulaklak. Mayroon din itong makinis na kutis at parang kutis porselana sa kaputian. Kung sa kulay lamang ang labanan ay sigurado akong talo na ako. Matangkad rin ito na parang modelo at sa tingin ko ay hindi nito maipagkakaila na may gusto ito kay Kent. Puno ng paghanga ang pagkakatitig niya kay Kent na para bang tinitingala niya ito nang sobra-sobra. At ang kulang na lang para pansinin siya ay akitin ito para mapasa kaniya ang binata. "Halika na Layna!" Tawag sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Kent. Tiningnan ko lang ito sa kaniyang pwesto na halatang hinihintay ako. Nakangisi ito na parang manyakis pero tiniis ko na lang ang nakakainis nitong mga titig sa akin. Kahit napakabastos ang pagkakasuri niya sa akin mula ulo hanggang paa ay hindi rin ako makapagreklamo. Kaya kahit paghakbang ng aking mga paa ay hindi ko magawa nang makita ko itong nilalaro niya ang dila sa kaniyang mga labi. Para bang inaakit niya ako sa paraan ng kaniyang ginagawa. Ngunit kabaliktaran iyon sa aking nararamdaman dahil sa halip na masayahan at sakyan ang kabaliwan ng binata ay mas nandiri pa ako rito. "Dont stare at her kung ayaw mong dukitin ko ang mga mata mo!" banta ni Kent sa kaibigan niya. Kaya sa takot na magalit si Kent ay tinaas ng kaibigan niya ang dalawa nitong kamay bilang pagsuko. "Relax, Dude!" Nang ibaling ko ang aking mga tingin sa bandang kanan ay nakita kong nakaupo si Chad habang abala sa paninigarilyo. Mayroon din itong kasama at iba na naman ito sa dati niyang kasama noon. Naisip ko kung paano nila nasisikmurang magpapalit-palit ng mga babae na para lang nagpapalit ng mga damit? Paano nila naaatim na pagpakasasa sa mga babaeng binabayaran nila ng hindi sila nandidiri? Hindi ba sila natatakot na makarma dahil hindi naman maipagkakaila na laruan lang ang tingin nila sa mga babaeng kagaya namin. Pinanliitan niya ako ng mga mata at may kakaiba sa kan'yang mga titig sa akin. Para niya akong pinagnanasaan kaya umiwas ako nang tingin at ibinaling ang atensyon kay Kent. Ngunit hindi na niya ako napansin dahil nakatalikod ito sa akin ngayon. Matapos niyang pagsabihan ang kaibigan ay nagpatuloy na rin ito sa ginagawa niyang pagsasaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD