Chapter 6

1447 Words
Paglabas naming dalawa ni Sonya galing sa kusina ay nakita namin silang lahat na para bang walang pakialam ang mga ito sa mga tao sa kanilang paligid. Silang lahat ay kapwa naghahalikan sa sala na parang walang mga kahihiyang natitira sa kanilang mga sarili. Ngunit sino naman kami ni Sonya para magreklamo sa kanila? Sa simula pa lang ay alam ko na ang pinasok kong mundo kaya alam kong wala ako sa posisyon para magreklamo. Ito na ngayon ang buhay ko, kaya dapat lang na makibagay ako sa kanila. Gustuhin ko man o hindi ay wala na akong magagawa. Kundi lunukin ang mga nakikita ko. Ganitong uri ng pamumuhay ang sumusuporta sa akin at ng aking mga kapatid. Sa madaling salita ay galing sa trabahong ito ang bumubuhay sa amin. Nagkakalaman ang aming mga tiyan dahil sa maduming paraan na aking pinasukan. Kaya dapat ko ring yakapin ang ganitong klaseng pamumuhay. Para man akong nandidiri dahil hindi ko yata kayang sikmurain ang mga ginagawa nila. Pero hindi na makahalaga dahil ang importante sa akin ngayon ay magampanan ko ang tungkulin ko kay Kent. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ng sarili ko sa mga babaeng ito. Ang akala ko ay maghahalikan lang ang mga ito sa sala. Ngunit umabot na sa punto na nagtatalik na sila nang sabay-sabay. Hubo't hubad na silang lahat at lantad na ang kanilang mga pribadong katawan. Nang balingan ko nang tingin si Sonya ay napagtanto ko na sanay na ito sa mga nakikita. Parang wala lang siyang pakialam at hindi man lang nagbago ang ekspresiyon sa kaniyang mukha. Para siyang walang pakialam sa mga nasaksihan sa paligid. Kumuha lang siya ng sigarilyo sa mesa at sinindihan iyon sa aking harapan. Tinitigan niya si Gino na nakapikit ang mga mata habang ninanamnam ang sarap sa kaniig. Habang si Sonya ay hinihithit lang ang sigarilyong inipit sa kaniyang daliri na parabg hindi apektado. Ngumit kahit na magtapang-tapangan man siya ay hindi nakatakas sa aking paningin ang lungkot sa kaniyang mga mata. Sanay na nga siya pero hindi kayang magkaila ang mga mata. Nakita kong tumutubig ang gilid ng kan'yang mga mata. Pero pinipigilan niyang bumagsak ang kaniyang mga luha. Ngumiti siya sa akin at parang wala lang siyang pakialam sa lahat ng tao. Maging si Kent ay nakipaglaplapan na rin sa ibang babae ngayon pagkatapos ng mga ginawa namin kanina. Kaya napagtanto kong wala nga silang kapaguran. Wala rin silang respito at hindi sila marunong mahiya. Napuno nang ungol ang buong sala at balewala lang sa kanila ang lahat ng kanilang mga ginagawa. Ngayon lang ako nakatagpo ng ganitong klaseng mga tao. Kaya hindi ko maiwasang itanong sa aking sarili kung ganito ba talaga ang mga mayayaman? Sa halip na mahiya ay mas lalo lang silang ginaganahan sa kanilang mga kalibugan. Tiningnan ko si Sonya habang tinitingnan rin nito ang pintuan. Malalim ang kaniyang iniisip at batid kong gusto niyang lumabas sa makasalanang kwartong ito. Nang dumako ang tingin niya sa akin ay naiintindihan ko na siya kaagad kahit na wala pa man siyang sinasabi. Kaya gumawa ako nang mahinang hakbang para hindi makagawa ng inggay. At para iwasang makakuha ng atensiyon sa kanila. Halos hindi na rin ako makahinga dahil sa aking pagpipigil ng hangin. Pakiramdam ko kasi ay ako ang mas nahihiya sa mga ginagawa nila kapag nakita nila akong nahuli ako. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto at ako na mismo ang pumihit sa doorknob. Ngunit hindi umaayon sa akin ang tadhana dahil bago ko pa tuluyang mabuksan ang pintuan ay napansin na ako ni Kent at tinawag na ako kaagad sa aking pangalan. "Layna!" matigas niyang tawag sa akin at ang boses ay nakakatakot na parang kulog. Bigla akong natuod sa lakas ng boses niya dahil may tunog iyong ng pagbabanta. Nagitla ako sa sobrang kaba at hindi kaagad nakalingon sa gawi niya. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat at npapikit na lang ako sa panghihinayang dahil nahuli ako. "Where do you think you are going?" rinig kong tanong niya gamit ang matigas nitong boses. Tinulak niya nang mahina ang babaeng kahalikan gamit ang kamay niya at nang sinunggaban siya nito ulit nang halik ay pinalayo na niya ito kaagad. Hindi na rin ito nakapalag nang tingnan ito ng masama ni Kent. Binalingan ako ng masamang tingin ng babae at hindi nito maitago sa kaniyang mukha ang pagkadismaya. Inirapan niya ako at padabog na tumayo papunta sa kusina. Parang maging kasalanan ko pa ang lahat dahil 'di natuloy ang plano nilang chuckchakan. Sa tuwing malakas at pabagsak na naman ang kan'yang boses ay nanginginig na naman ang mga kalamnan ko sa takot. Kahit hindi niya pa ako kailan man sinaktan ng pisikal ay ayaw ko pa ring umabot kami sa gano'n. Kaya hangga't kaya kong iwasang magalit siya sa akin ay gagawin ko para hindi kami magkagulo. "Nasisikipan ako sa loob, maaari ba akong lumabas muna ngayon?" nauutal kong tanong. Kumunot ang kaniyang noo dahil sa narinig. Alam kong magpo-protesta siya sa hiling ko pero nagpatuloy ako sa pagsasalita bago niya pa ako pigilan. "At saka kasama ko naman si Sonya," pagdadahilan ko pero 'di ko maitago sa kaniya ma medyo natataranta na rin ako. Lalo na nang makita ko ang lahat na nasa 'kin ang kanilang mga paningin. Napakaseryoso at walang kumukurap. Lalo na si Chad. Tumigil sila sa kanilang mga ginagawa at wala man lang balak na takpan ang kanilang mga katawan. Napatangin ako sa isa niyang kaibigan na si Carlo nang mapansin kung tatayo sana ito. Ngunit bago pa nito maibalandra ang pinagmamayabang niyang kahabaan ay mabilis naman itong pinigilan ni Kent. "Don't move!" Pigil niya sa kaibigan at pagkatapos ay binalingan ulit ako ng tingin. "Did I tell you to leave the room!?" galit niyang tanong at pinanliitan ako ng kaniyang mga mata. Nakaramdam kaagad ako ng kaba at para akong batang natataranta. Sa kwarto niya ako iniwan kanina kaya dapat ay sa kwarto niya ulit ako babalikan. Umiling ako kaagad at humingi ng paumanhin. "Pasensiya na pero gusto ko sanang maglakad-lakad muna sa ibaba at lumanghap ng sariwang hangin," nauutal ko pa ring tugon sa tanong niya. Lakas loob kong sinalubong ang kaniyang mga titig kahit na ang totoo ay para na akong nauupos. "Wait for me because I'll just get dressed for a while!" walang gana nitong wika. Sinipat ako ng babaeng naka-make out niya at parang nagpupuyos ito sa galit ng hindi siya nagtagumpay na tikman si Kent Donte. Sino ba namang babae ang hindi siya pagpapantasyahan? Lahat sila ay mga gwapo at masasabi kong nasa kanila na ang lahat. May dala itong isang basong tubig at binangga ako nito sa aking braso nang lumapit sa akin bago bumalik sa pwesto. Halatang sinadya niyang sagiin ako dahil mainit ang dugo nito sa akin. Lumapit lang talaga siya sa bandang pintoan para lang sadyain ako. "Trish!" Malamig na saway ni Kent sa babae at puno ng pagbabanta ang tinig. Kunwari pa itong may itatapon sa trash bin at bumalik rin sa kusina para isuli ang ginamit niyang baso. "Ayos lang kahit 'wag na." "No, I'll join you," pinal niyang wika. "Ang tanda na niyan tapos sasamahan mo pa?" reklamo ng babae nang makabalik ito galing sa kusina. Hindi siya pinansin ni Kent ni hindi man lang siya binalingan nang tingin. "Ayos lang Kent kasama ko naman si Sonya, hindi naman kami lalayo." Pigil ko sa kaniya dahil nakaramdam ako ng hiya. Ayaw kong isipin ng iba na nagpapa-importansiya ako kay Kent o masabihang nagpapapansin. Nag-aalangan man siyang payagan ako ngunit sa huli ay pumayag na rin siya. Kinukulit kasi siya ng kaniyang mga barkada at siguro ay naisip niya rin na kapag sumasa siya sa amin ni Sonya ay magiging awkward iyon para kay Sonya. Hindi nga ako makapaniwala dahil iba kasi ang ugali niya. Kilalang-kilala ko na siya dahil matagal na rin kaming nagkasama. Kapag ayaw niya ay ayaw niya talaga at kung gusto niya ay gusto niya talaga! Wala siyang pakialam kung makasakit man siya ng iba basta ang sinusunod niya lang ay ang lahat ng mga kagustohan niya. "Hayaan mo na sila Dude, mag-enjoy na lang tayo rito. Ang pangit naman tingnan kung magiging chaperon lang si Sonya kung sasama ka pa," sabat ng kaniyang mga kaibigan kaya wala na itong nagawa kundi ang tumango na lang. "Don't go too far!" sang-ayon niyang wika kaya tumango ako kaagad. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang ako namangha sa kaniyang pasya. Para bang hindi ka paniniwala ang lahat ng aking narinig. Kaya nagmamadali akong lumabas sa silid na 'yon bago pa magbago ang isip niya. At higit sa lahat ay baka hindi na ako makahinga sa presensiya nilang lahat sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD