Nang makalabas kami ni Sonya sa hotel ay hindi ako makapaniwala sa aking mga nakita.
Nanlaki ang aking mga mata at halos lumuwa na iyon sa gulat.
Para ako ngayong isang ignorante na galing pa sa bundok na ngayon lang nakababa at nakatapak sa isang siyudad.
Akala ko ay nagmamalikmata lang ako sa aking nakita pero hindi dahil mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang lahat na totoo itong nasa harap ko.
Hindi ko lubos maisip na ito ang aking maabutan sa labas ng mga VIP room.
Kahit sa panaginip ay hindi ko aakalain dahil hindi ako namulat sa ganitong uri ng karanasan. Ano'ng nangyayari rito?
Pakiramdam ko ay wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari at disoriented ako sa pinuntahan kong lugar.
Kahit gaano pa ganda ang resort ay hindi ko na ito kayang purihin pa.
Sapagkat nagkalat ang mga babae at lalaki sa paligid na gumagawa ng milagro sa kung saan-saan mang parte ng resort na ito.
Magpapadasal sila sa kung saan man nila gustong gumawa at kung saan sila inaabutan ng libog.
Parang ako ang nahihiya sa kanilang mga ginagawa at sa tuwing tinitingnan ko sila ngayon na nasasarapan ay mas masaklap pa yata ito sa iniwasan namin ni Sonya kanina.
Umalis kami ni Sonya sa kwarto dahil parang hindi kami makahinga.
Kaya pakiramdam ko ay sobrang pamumula na ng aking mukha ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung tutuloy pa ba ako sa paghakbang o babalik na lang ba ulit sa kwarto.
"Mas malala pa pala rito..." mahina kong bulong at hindi ko akalaing maririnig pa iyon ni Sonya.
"Ngayon ka lang ba nakapunta rito?" nag-aalalang tanong sa akin ni Sonya ng mapansin niyang naninibago ako.
Hinawakan niya ako sa aking kamay at masuyong pinisil para maging komportable ako.
Tumango ako sa kaniya at patuloy na inilibot ang aking mga paningin sa buong paligid.
May nakita ako na nakikipagtalik habang nakahiga sa buhangin. Meron ding iba na komportable sa isa't isa na gawin ang oral s*x.
May mga lalaking nagma-masturbate habang nakanganga at naghihintay ang babae para saluhin ang semilya nito.
May mga babae ring nakikipag-hands job. May parehong mga babaeng nakikipaglaplapan sa kapwa nila babae at mayroon ding mga lalaki sa lalaki.
"Masasanay ka rin dahil simula ngayon ay dito na ang magiging hide-out nila," paliwanag niya at mukhang hindi ito nagbibiro sa kaniyang sinabi. "Fully developed na ang buong lugar," patuloy niyang turan.
Gusto kong magulat sa aking narinig pero hindi ko alam kung paano akong tutugon sa aking nalaman.
Umiling ako at binalik ang tingin sa mga taong naririto bago ulit ako nagtanong kay Sonya.
"Ano bang klaseng lugar ito? Bakit ganito?" nagtataka at sunod-sunod kong tanong sa kaniya. "Naninibago talaga ako, parang hindi ko 'to masikmura, Sonya," reklamo ko at napahilamos sa aking mukha.
Nagbabasakali na pagkatapos ng aking ginawa ay magigising ako at mawawala ang lahat ng mga nakikita kong 'di kaaya-aya.
Tumawa siya sa aking ka inosentihan. "Kaya nga tinatawag itong Freedom Hotel and Resort 'di ba?" sarkastiko niyang sagot pero alam kong ayaw niya akong mailang. "Doon na lang tayo." Turo niya sa dalampasigan na hindi masyadong matao.
Bawat hakbang ay sumalubong sa amin ang malamig na simoy ng hangin at ang init ng buhangin na aming natatapakan.
Sa ilalim ng malaking buwan ay kumikislap ang mga tubig sa dagat na parang mga diyamanteng kumikinang.
Ang malalambot na mga buhangin na aking naapakan ay parang minamasahe ang aking mga paa. Nakakakalma.
Magkatabi kaming umuupo sa buhangin at hindi na pinansin ang paligid.
Mabuti na lang talaga at walang mga lalaking naglalakas loob para lapitan kami.
Iyon pa ang kanina ko pang pinagdarasal na sana nga ay lubayan kami ng mga lalaking nandito.
Na sana ay walang magtangkang lumapit sa amin. At malaki ang pasasalamat ko dahil pinakinggan ako sa aking dasal.
"Napansin ko parang takot na takot ka kay Kent. Tama ba ako ng hinala?" seryosog tanong sa akin ni Sonya at bakas sa tono ng boses niya nag-aalala siya sa akin.
Tiningnan ko siya ng blangko ang aking ekspresyon. Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling sa kaniya.
Ngayon ko lang ito nakilala at kahit na sabihin ko pang magaan ang pakiramdam ko sa kaniya ay may mga bagay na dapat na isekrito na lang para panatilihing maayos ang buhay.
Pero ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong pakiramdam buong buhay ko.
Ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng kapanatagan sa loob gaya ng nararamdaman ko sa kaniya.
Imbes na ngitian lang siya sa halip ay pinili kong sagutin ang tanong niya.
Hindi ko rin alam kung bakit pero sumugal akong magtiwala sa kaniya.
"I just don't want to upset him, malaki ang utang na loob ko sa kan'ya at may mga usapan din kami na tanging kami lang dalawa ang nakakaalam."
"Gaya ng ano?" mausisa nitong tanong sa akin.
Umiling ako. "Pasensiya na Sonya, pero hindi ko pwedeng sabihin sa 'yo ngayon," nahihiya kong tugon at nakaramdam ng ilang dahil ayaw kong maisip niya na 'di ko siya kayang pagkatiwalaan.
Mabuti na lang at naiintindihan niya ako at hindi na ako pinilit na sagutin ang tanong niya.
Tumango siya sa akin at ngumiti na lang sa akin. "Ayos lang naiintindihan kita."
"Isang taon na lang makakapagtapos na ako, Layna. Maiiwan ko na ang trabahong ito dahil matagal ko na ring pinapangarap na iwan si Gino," sinsero niyang sabi sa akin.
"Mahal mo siya 'di ba?"
Tumango siya ng malungkot. "Sobrang sakit pala sa pakiramdam sa tuwing nakikita ko siyang may kasama siyang iba. Pero 'di ko pinagsisihang nagmakaawa sa kaniya noon," malungkot niyang salaysay at kung ano man ang dahilan niya ay siya lang ang nakakaalam.
Ang akala ko kanina ay wala lang 'yon sa kaniya ang lahat nang nakita.
Tinitigan ko lang siyang mabuti at naaawa ako sa kan'yang sitwasyon.
May gusto ito sa taong pinagsisilbihan niya at ang oras niya lang ang binabayaran nito.
At iyon ang dapat kong iwasan dahil si Kent ay may nobya na at ikakasal na ang mga ito kapag nakauwi na ang babae.
"Nilalamig na ako, pasok na tayo. Siguro naman ay tapos na sila ngayon," natatawa niyang sabi bago niya ako ayain na bumalik na sa silid.
Isang oras na rin kaming nakatambay rito habang inaabangan ang magandang buwan.
At maaaring tama siya, siguro ay sapat na ang isang oras na pananatili namin sa labas para bigyan ng panahon sila Kent na tapusin ang kaligayan nila.
"Kahit kailan ba hindi ka pa nagreklamo sa kaniya?" Umiling siya sa akin bago nagsalita sabay tayo mula sa pagkakaupo sa buhangin.
"Bayad tayo at ang mga katulad natin ay hindi seniseryoso. Wala tayong karapatang magreklamo sapagkat alam natin kung ano lang tayo para sa kanila," madamdamin at puno ng laman ang sinabi niya sa akin.
Tumango ako sa kaniya dahil naiintindihan ko ito at tumayo na rin mula sa pagkakaupo sa buhangin para umalis na sa dalampasigan.
"Tayo na!" Aya ko sa kaniya.
Paglingon ko sa harap ay pinawisan ako sa gulat ng muntik kong mabangga si Chad.
Isang dangkal na lang yata ang pagitan namin para magkadikit.
May dala itong dalawang tuwalya at ang isa ay hinagis niya sa ere para masalo ni Sonya.
Ang isa naman ay hawak-hawak ng kamay niya at walang imik na ibinalot sa buo kong katawan.
Nanlaki ang mga mata ko sa kan'yang ginawa dahil nagtataka ako kung bakit niya ako tinatrato ng ganito.
Hindi ako sanay na inaasikaso niya ako at pinapakitunguhan nang maayos.
"Ako na." Agaw ko sa tuwalya nang inayos niya ang tela sa paglagay niya sa aking balikat.
Ngunit hindi niya ako pinansin at parang walang narinig sa aking sinabi.
Nagpatuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawaat nagmatigas.
Hinawakan niya rin ako sa balikat at giniya papasok sa loob ng hotel habang nakasunod lang sa amin si Sonya.