Chapter 8

1255 Words
Pagpasok namin sa loob ng room ay nag-iinuman pa rin silang lahat. Halatang may tama na ng alak base sa kanilang mga ayos. Namumula na ang kanilang mga mukha at halos bumaba na ang mga talukap sa kanilang mga mata. Kahit na nakaupo ay napapansin kong nahihilo na rin ang iba sa kanila. Nanatili pa ring nakagabay si Chad sa aking tabi. Nang makita kami ni Kent sa gano'ng sitwasyon ay titig na titig si Kent sa kamay ni Chad na nasa aking balikat. Seryoso lang ang kan'yang mukha at walang kahit ano'ng makikitang emosyon. Hindi ko matityak na hindi nga siya galit sa akin kahit na wala itong pinapakitang reaksyon sa kaniyang mukha. Kahit na blangko man ang kaniyang itsura, hindi ko pa rin masasabi na ayos pang sa kaniya. Kaya ako na mismo ang lumayo ng kaunti kay Chad para makaiwas sa gulo. Sanay pa naman si Kent na magtago ng totoo niyang nararamdaman. Sumandal si Kent sa sandalan ng sofa katabi ang babaeng nakayakap pa rin sa kan'yang katawan kahit binalewala na ito ng binata. Pero ang titig ni Kent ay masyadong mausisa, ni hindi niya inaalis ang tingin sa amin ni Chad kahit isang saglit. Tumuloy kami sa loob at medyo kinakabahan na kahit na wala naman akong ginagawang masama. Dahan-dahan ang hakbang namin papalapit sa kanilang gawi at mukhang sa ngayon ay palalampasin niya ito base sa kan'yang mukha. Nakangiting umupo si Sonya sa tabi ni Gino at hindi man lang siya pinapansin. Ang kaninang lungkot niya sa mukha ay nawala na lang na parang bula. Halatang pilit na pinapasaya ang kan'yang postora sa mismong lalaking pinapangarap niya. "Where have you been?!" diretsahang tanong sa akin ni Kent kahit na hindi pa ako nakalapit sa kaniya. Matigas ang kaniyang boses at napakagat labi ako sa kaba. "Sa labas lang..." tugon ko sa tanong niya sabay turo sa kung saan kami banda nagtungo. "Diyan sa tabi ng dagat, nagpapahangin lang," awtomatiko kong sagot kahit na hindi ako siguradong ako nga ang kinakausap niya. "I am not talking to you!" masungit nitong ani at inulit niya ulit ang tanong pero si Chad na ang sumagot. "I picked them up." walang alinlangang sagot ni Chad sa kaniyang kaibigan. Bumilis ang tambol ng puso ko at para akong hindi makahinga sa takot. Inangat niya ang kaniyang kamay at tiningnan ang oras sa kaniyang pulsuhan bago nagpatuloy sa pagsasalita. "At this time, the weather is cold and they may get sick if they stay outside too long," walang gana nitong sagot at parang normal lang sa kanilang mga ugali ang gano'ng pakikitungo sa bawat isa. Pareho silang masungit ang mga ugali at hindi ko lubos maisip kung paano silang nagkakasundo? Pero ang inaalala ko ay kung ano ang sasabihin ko kay Kent mamaya? "You don't have to worry about them because they are old enough and they can take care of themselves," walang ganang komento ni Kent sa kaibigan bago tinulak ang alak na kinuha niya sa maliit na mesa. "I'm not too worried, I just really want to pick them up," pahayag nito at mukhang wala ng ganang ipagpatuloy ang pagpapaliwanag. Tumawa si Kent ng sarkastiko at hindi makapaniwala sa inasta ng kan'yang kaibigan. Titig na titig siya sa amin habang nakatayo lang kami dahil wala ng bakanteng upuan. Nilagay niya ang bote matapos ubusin ang laman. Kumuha rin siya ng isang sigarilyo at lighter na nakalagay sa maliit na mesa. Inayos niya ang paglalagay ng sigarilyo sa kaniyang bibig at sinindihan iyon bago nagpatuloy sa pagtatanong. He was very curious about the attitude of his friend, Chad. Parang hindi siya makapaniwala sa inasta ng kaibigan because maybe Chat is not that kind of person. "For what?" umiiling nitong tanong sabay hithit ng sigarilyo na nakaipit sa kan'yang mga daliri matapos niya itong sindahan. "Nothing, I just feel doing it," rason ni Chad dito. Matapos niyang ibuga ang usok na inipon sa kaniyang bibig ay magantok niya akong tinawag at tinapik ang kaniyang kandungan para ro'n ako maupo. Hindi ako makakilos sapagkat hindi ko kayang gawin iyon sa harap ng mga kaibigan niya. Pakiramdam ko ay mas lalo ko lang pinapababa ang tingin ko sa aking sarili. Alam kong bayaran akong babae ngunit ayaw kong matulad sa mga babaeng nandito. Nang hindi ako sumunod ay inabot niya ang kanang kamay ko at pinaupo ako kaagad sa kan'yang kandungan. Tinanggal niya ang nakatabong tuwalya sa aking katawan at tinapon lang ito sa sahig. Ngunit hindi ko maramdaman ang ginaw ng binalot niya ang buo kong katawan sa kan'yang buong braso. Hindi ko alam kung ano ang kan'yang rason ngunit may pakiramdam akong iniinis niya si Chad? Hindi man niya sabihin sa akin pero halata sa kan'yang mga kinikilos na na-offend siya sa ginawang pagsundo ni Chad sa amin. Ayaw na ayaw ni Chad na sumama ako sa mga kaibigan niya kapag wala siya. Kaya nasisiguro kong masama ang loob nito at pinipigilan lang ang sariling magalit. "Kent, maaari na ba akong magpahinga, malalim na kasi ang gabi?" nag-aalangan kong ani dahil baka hindi ito pumayag. Pero sinubukan ko pa ring magpaalam nang mahinahon sa kaniya. "Tsk, are you serious? Kaya mong matulog kahit na ang taong nagbabayad sa iyo ay gising pa?!" sarkastiko nitong sagot at halatang malapit ng mawalan ng pasensiya sa akin. Nanahimik na lamang ako at humingi ng pasensiya sa mali kong nagawa. "I'm sorry, Kent," nahihiya kong wika. "So pathetic!" inis na anas ng babaeng partner ni Kent kanina. "It's okay Layna, you can go to sleep and I'll pay for your time. So, you can rest," sabat ni Chad sa usapan namin habang seryosong nakatitig sa akin. Tumawa lang ng maluko si Kent at hindi pinansin ang sinabi ng kan'yang kaibigan. Nakayakap pa rin ito sa akin at pinatong ang kan'yang ulo sa aking balikat. Padampi-dampi niya akong hinalikan sa harap ni Chad at patungo sa aking leeg. Pasimple akong umiwas sa mga halik niya pero hinigpitan niya pa lalo ang hawak sa aking bewang at pinisil iyon nang malakas bilang pagbabanta na 'wag ko siyang ipahiya. "Kent... please." Pigil ko sa kan'ya at nagsusumamong tigilan na ako dahil hindi ko talaga kayang may nakatingin sa amin sa ganitong sitwasyon. Nababastos ang pagkatao ko. "And who gave you the right to complain?" may diin nitong tanong at patuloy pa rin sa kan'yang ginagawa. Sa tuwing nagrereklamo ako sa kaniya ay lagi siyang nagagalit sa akin at tinatanong ako kung bakit ako nagrereklamo sa gusto niya? Napapikit na lang ako sa hiya at hindi alam kung ano ang aking sasabihin? Kung sabagay tama nga naman siya dahil wala talaga akong karapatan. "Kent, let her rest. I can call someone else to make you happy. Kahit tatlo pa kapalit ng pahinga niya," seryoso niyang sabi bago nito pinatayo ang babaeng nakaupo sa sofa para siya naman ang umupo. Komportable itong umupo sa couch at ang mga braso ay nakapatong sa sandalan. "I don't need a three or more Chad you know I can call if I want to! Baka nakakalimutan mong may pera rin ako?" mayabang na sagot ni Kent ngunit napapansin kong wala na ito sa mood. Tumitiim na ang kaniyang mga bagang at halatang pinipigilan lang ang sariling 'wag maasar sa alok ng kaibigan. Kung hindi lang ako natatakot na magsalita ay kanina ko pa sinaway si Chad. Wala ng nagawa si Chad at hinayaan na lang si Kent. Tumango ito at medyo napahiya pero tinatawanan niya pa rin ang naging tugon ng kaibigan ng hindi bukal sa kaniyang loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD