HINDI sanay si Tami na tahimik lang si KG. Mas sanay siya sa kakulitan nito sa kaniya. Natapos na lang silang kumain ng tanghalian ay tahimik lang ito. Simula kagabi ay ganoon na ito. Umimik-dili. What’s wrong with him? O nagkakaganoon ito dahil malapit na itong bumalik sa Pilipinas? Iyon nga ba ang rason? Napabuntong-hininga si Tami. Matapos maglinis sa kaniyang silid ay saka niya nilapitan si KG sa may salas. Nakaupo ito sa may sofa habang abala sa pagbabasa ng comics. Malapit na rin nito iyong matapos. “You’re too quiet, KG,” lakas loob niyang untag dito. Sinulyapan niya ito. Ngunit nang tingnan siya nito ay parang gusto niyang magbawi ng tingin. Pinanindigan na lang niya ang pagtitig sa guwapong mukha nito. “Why?” Sandaling umawang ang labi niya ngunit wala naman siyang mahagilap