DAIG pa ni Tami ang binuhusan ng nagyeyelong tubig nang biglang lumiwanag ang paligid. Bigla siyang nilukob ng kahihiyan nang ma-realize ang nangyayari. Bumalik na ang kuryente. Napamulat siya. Pagkuwan ay bahagyang naitulak si KG palayo sa kaniya. “T-this is wrong,” nanginginig niyang wika na mabilis kinuha ang nahubad niyang damit ni KG. Pagkasuot niyon ay mabilis siyang tumayo at lumabas sa kaniyang silid. Dumiretso siya sa may banyo at doon ay nagkulong. Mariin siyang napapikit nang sumandal siya sa may pinto. Ramdam niya ang bahagyang pamamaga ng kaniyang labi dahil sa pakikipaghalikan kay KG kanina. Muntik na niyang maisuko ang sarili rito. At kung hindi bumalik ang kuryente, siguradong nilipad na nang tuluyan ang kaniyang katinuan. Ganito ba ang igaganti niya matapos siyang pag-