SAKA lang napansin ni Tami na hindi lang iisang alitaptap ang naroon. Nang ilibot niya ang tingin ay halos mapigil pa niya ang paghinga nang makita ang isang puno na hindi kalayuan sa kanila. “K-KG,” tawag niya sa pangalan nito. “Tingnan mo… ang daming alitaptap,” na-a-amaze niyang bulalas. Ngayon lang siya nakakita ng maraming alitaptap. Ang gandang pagmasdan ng puno na iyon na kay raming nagliliparang alitaptap. Animo Christmas lights ang mga iyon na kumukuti-kutitap. “Tami,” tawag nito sa kaniya. “‘Wag kang masyadong tumitig doon.” “Bakit?” “Hindi mo ba alam? Kapag maraming alitaptap sa isang puno, ibig sabihin ay mayroon doong kakaibang nilalang?” Agad ang pag-upo ni Tami sa tabi ni KG. Tinatakot na naman ba siya nito? Hindi na tuloy niya magawang tingnan ang punong tinititigan ka