NANG ihinto ni KG ang sasakyan nito sa isang pamilyar na lugar ay hindi na hinintay pa ni Tami na mauna itong bumaba, sa halip ay nagkusa na siyang bumaba sa kotse nito. Pagbaba niya ay deretso siyang naglakad. Huminto siya may ilang dipa ang layo sa kotse at doon ay huminga nang malalim ng ilang beses. Pinuno niya nang malamig at sariwang hangin ang kaniyang dibdib. Nakabukas ang ilaw ng kotse ni KG na siyang nagsisilbing liwanag nila roon. Dahil ang paligid ay nababalot ng kadiliman kung wala iyon. Nakahilis naman ang kinatututukan ng liwanag na nagmumula sa kotse nito. Hindi derektang nakatama sa kanila. Kaya kita niya na safe pa sa kinatatayuan niya at malayo sa bangin. Sa hindi kalayuan ay tanaw ang liwanag na nagmumula sa isang siyudad. At sa dulong bahagi, tanaw rin ang animo Chr