SA BUONG buhay ni Tami ay ngayon lang siya mas na-excite. At iyon ay dahil kay KG. Na-excite siya sa mga lilipas pang araw kung kailan niya ulit ito makikita. Kahit hindi naman derektang sabihin sa kaniya ni KG na gusto siya nito ay nararamdaman naman niya iyon mula rito. Alam niya at sigurado siya na mutual sila nang nararamdaman ng binata. Bakit hindi? Eh, ito ang first kiss niya. Hindi lang nito magawang sabihin ng derekta na gusto siya nito dahil kumplekado pa ang sitwasyon at pagkakataon. At naiintindihan niya iyon. Napangiti na naman siya nang maalala na siya ang gusto nitong pakasalan after six years. Parang ngayon pa lang ay gusto na agad niyang mag-twenty-one. Nang makita ang pagdating ni Marie ay hindi na niya ito pinababa sa scooter nito. Kinuha agad niya ang ibinigay nitong