WALA yatang balak tumila ang ulan nang dapit-hapon na iyon. Patuloy pa rin iyon sa malakas na pagbuhos. Mas lumamig pang lalo ang klima ng hangin. Ngunit hindi pa rin natitinag si Tami sa pagkakaupo sa gilid ng swimming pool. Maging ang mga luha ni Tami, katulad ng ulan, tila ba wala ring ubos sa pagsungaw. Darating at darating pa rin pala sa punto na mababaliwala ang mga araw na akala niya ay totoo si KG sa kaniya. Pero bakit kailangan nitong iparamdam sa kaniya na totoo ito. Napaniwala siya nito ng husto dahil iyon mismo ang nararamdaman ng puso niya. At ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang Ate Shantal, tila ba nananadya pa na nakikini-kinita niya sa kaniyang isip. Kaya ba talagang gawin iyon sa kaniya ni KG? Paano kung oo? Paano kung totoo ang mga sinasabi ng kaniyang kapatid? Pero b