“LET me see your room,” ani KG kay Tami habang magkatabi silang nakaupo sa may back porch ng kanilang bahay. Katatapos lang makipagkuwentuhan sa kanila ni KG ang mga magulang niya na ngayon ay nasa silid na nang mga ito. May pasok kasi bukas ang ama niya at may pupuntahan ang kaniyang ina sa umaga kaya bawal mapuyat. Nangingiting umiling siya. “No, KG. Naka-padlock ang kuwarto ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin puwedeng buksan. At saka maalikabok doon. Nothing special.” “Bakit pina-lock mo?” Ayaw lang niyang mapapakialaman lahat ng gamit niya roon. Ang kaniyang ina lang ang maaari doong pumasok para personal na maglinis. Mama rin niya ang nagtatago ng susi ng silid niya. At kahit ngayon na bumisita siya roon ay wala pa rin siyang lakas ng loob para balikan ang silid niyang iyon. Mara