Chapter 02

988 Words
KAHIT na alam ni Tami na mataas na ang sikat ng araw sa labas ng bahay ay nanatili pa rin siyang nakahiga sa kama. Matapos magbanyo nang magising siya kanina ay muli siyang bumalik sa pagkakahiga. Akala niya ay isang masamang panaginip lang ang lahat. Pero nagising siya na naroon pa rin sa bangungot na maituturing na iyon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ngayon. Kasal sila ni KG pero hanggang sa papel lang iyon. Muli na naman niyang naramdaman ang pinong kurot sa kanyang dibdib. Bakit kailangang maging kapalit ang kaligayahan niya para sa pansariling interes ni KG? Ngunit nang maalala ang sinabi nito na baon na sa utang ang pamilya niya ay mariin siyang napapikit. Anito ay ito lang ang makakatulong sa kanila ng walang kahirap-hirap. Right, he’s a multi-billionaire after all. Kahit nga yata kaluluwa niya ay kaya nitong bilhin. Damn him for being this rich. Money works para dito. Naisip niya ang kanyang ama na walang ibang ginawa kundi ang ibigay ang maginhawang buhay sa kanya sa America. Hindi niya alam na malaki na pala ang problemang dinadala nito. Na sa kabila ng ngiti na ipinapakita nito sa kanya ay isang malungkot na mukha pala ang nasa likod niyon. “Papa,” anas niya. Gusto niyang makita ang ama niya para mayakap man lang ito. Hindi siya mag-uungkat ng kahit na ano tungkol sa pinagdadaanang financial problem ng pamilya niya. She wants to hug her father. Nalulungkot siya sa sinapit niya pero kung iyon lang ang makakatulong para makabangon ang negosyo ng pamilya niya na matagal ding itinatag ng kanyang ama, bakit hindi? Kung sa ganitong paraan niya maibabalik ang lahat ng sakripisyo ng kanyang ama sa kanya. Mahal niya ang mga magulang niya. Mahal na mahal. Nanubig na naman ang mga mata niya. Mabilis niya iyong pinahid gamit ang comforter. Nang marinig ang pagbukas ng main door ng silid na iyon ay isiniksik ni Tami ang mukha sa kanyang unan. “Hindi ka pa ba pupunta sa baba para kumain?” naulanigan niyang tanong ni KG. “Tami,” tawag nito sa kanya nang hindi siya kumibo. “Ikaw ang bahala kung ayaw mong kumain. Hindi naman ako ang magugutom,” anito na hinayon na ang sariling silid. Imbis na pagpapansinin pa si KG ay pinilit niyang makatulog muli. Sino ba ang gaganahang kumain kung ganoon ang nararamdaman niya? Tanghali na nang ipasyang lumabas ng kuwarto ni Tami. Umalis si KG at hindi nagpaalam kung saan pupunta. Dapat na ba niyang pag-aralan ang art of deadma? Mukhang kailangan niya iyon. Saka lang niya mas nabistaan ang bahay ni KG. Napakalawak niyon. Habang pababa siya sa may grand staircase ay natingnan pa niya ang high ceiling na kisame kung saan may chandelier na nakasabit sa pinakaitaas. Kulay gold na maraming white crystal. Ang bahay na iyon, may pagka-European style. Tipong kitang-kita kung gaano kayaman ang nakatira doon. But in real life, si KG lang ang mayaman. Sa ngayon ay wala pa siyang napapatunayan o nararating bukod sa nakatapos siya sa pag-aaral sa tulong ng kanyang mga magulang. Ni hindi man lang pinaranas sa kanya ni KG ang makapagtrabaho at tumayo sa sarili niyang mga paa. Ngayong narito siya sa Pilipinas, nakaasa naman siya rito dahil wala naman siyang trabaho. Pagkababa sa hagdan ay hinanap naman niya ang kinaroroonan ng kusina. Wala siya roong makitang kawaksi. Napahanga rin siya ng main kitchen dahil napakalinis tingnan at malawak din. Maganda ang pagkaka-interior. Naglakad si Tami palapit sa isang pinto na nakapinid. Pinihit niya iyon pabukas. There, napaawang ang labi niya nang makita ang nagsisilbing dirty kitchen sa bahay na iyon. Napakalawak naman kasi. Animo kusina sa isang restaurant ang design. “Magtatayo ba si KG ng catering?” hindi niya mapigilan ang matawa ng bahagya. To think na ang lawak-lawak na ng main kitchen. Pero mas malawak pa pala ang secondary kitchen o mas kilala sa tawag na dirty kitchen. Naroon ang mga kawaksi na agad nagbigay galang nang makita siya. Mga naghanay pa ang mga iyon sa may bandang gitna ng dirty kitchen kung saan siya dadaan. “Magandang tanghali, Ma’am, may gusto po ba kayong ipaluto para sa pananghalian ninyo?” anang isang babae na mukhang mayordoma sa mansiyon. “A-ah,” pakiramdam niya ay nasa isa siyang palabas. Dahil sa mga pinanonood lang niya nakikita ang mga ganitong eksena. Mayaman sila, pero hindi to the point na katulad ng karangyaan na nasa bahay na iyon. “Sinigang po sana kung okay lang,” alanganin pa niyang wika. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang. “Okay, Ma’am, mahihintay niyo po ba ‘yon? Baka gutom na kayo?” Tumango siya. “I can wait.” Mabilis naman na kumilos ang mga kawaksi para ihanda ang request niyang pagkain. Iniwan na muna niya ang mga ito sa dirty kitchen. Pagkabalik niya sa main kitchen ay nagbukas siya ng refrigerator. Puno rin iyon ng laman. Kumunot ang noo niya. May nakita rin siyang ref sa dirty kitchen, malaki rin. Nakakalula talaga ang bahay na iyon kumpara sa nakasanayan niya. Kumuha lang siya ng tubig at nagsalin sa isang baso. Pagkuwan ay ininom. Saka lang niya napagtanto na tatlong palapag ang mansiyon na iyon nang abalahin niya ang sarili sa paglilibot doon. May malawak na swimming pool at lawn sa outdoor. Right, sigurado siya na kahit na sinong babae ay papangarapin na tumira sa ganoong klaseng lugar. Para sa kanya, napakaganda ng mansiyon na iyon. Walang itulak-kabigin, ika nga. Pero ang tumira doon kasama ang lalaking wala namang pag-ibig para sa kanya? Parang hindi maganda. Mukhang, struggle is real. Nang mapagod ay nanatili siya sa malawak na living room. Naupo siya sa sofa at naghintay roon na tawagin siya ng kawaksi para kumain ng tanghalian. Hindi niya halos nauuli lahat. Siguro ay mamaya na lamang. Alam din kaya ng mga naroong kawaksi ang totoong estado ng kasal nila ni KG? Malungkot siyang napangiti. Pakiramdam niya ay isa siyang ibon na pinutulan ng pakpak upang makalipad ng mataas. Nakatapos nga siya ng pag-aaral sa America, pero mukhang hanggang doon lang iyon. Hanggang kailan siya pagtitiisan ni KG na makasama roon? Gusto niyang malaman, para naman handa ang sarili niya once ma-kick out siya palabas sa mansiyon na iyon.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD